i30.Gangsters' greatest enemy

5.2K 155 1
                                    


Chapter Thirty: Gangsters' greatest enemy

Marie's POV

Anong gagawin ko!?

What the heck. Napailing ako at kinuyom ang aking kamao na nakatago sa gilid ko.

"What the fuck. Why? Kami at ang organisasyon namin? I-assasinate lahat ng nasa syndicate nila Mondragon? E, wala pa nga tayong solid evidence na sila talaga ang may pakana no'on! Kung sa tingin no ay kampi ako sa kanila, pwes nagkakamali kayo. Right from the very beginning, kahit sino naman, hindi ba ay ayaw naman sa kanya?" hiningal ako sa haba ng sinabi ko. Napahinga na lamang ako ng malalim, sinusubukang maging mahinahon.

"Pero seryoso? Papatayin sila at ang lahat ng mga nasangkot sa gulong 'to! Without any evidence? Buti sana kung mayroon!" giit ko pa rin.

Nandirito kami ngayun sa base ng lahat ng mga Mafia boss. Like a supreme council if that's what you want to call it. I'm not saying na nagkakagulo, but that's exactly what I'm saying. Hindi kasi namin ma-point out if trustworthy ang lahat ng mga nasa puder ni Mondragon. That's why we conducted a meeting, for us to end this shit.

"SHUT THE FUCK DOWN!" Sa lakas ng sigaw at ma-autoridad na boses ng aking ama'y biglang natahimik ang lahat. Umayos ako ng upo at tumikhim.

"Hindi tayo makakasigurado kung walang aakto at mag-infiltrate sa kanilang sindikato." ani Alex, ang tagapag salita ng mga nakatataas (elders) na no'on pa lamang ay mga Mafia na rin.

Hindi sa wala akong galang sa mga matatanda, sadyang ayaw lang talaga nila ng formalities. They would prefer to be called by their names than to be addressed as our superior/s.

Nagbulungan ang lahat. Ngunit tumahimik ang lahat ng nag salita si Glydel. "We already infiltrated their organisation. To be in exact, I witnessed it for myself." tinaas niya ng konti ang kaniyang kanang kamay.

"What?"

"Ano? Kailan?"

"Pa-paano?"

"Na-bisto ka ba?"

Hinilot ko ang aking kanang sentido sa mga tanong ng mga taong nakapaligid. Bumaling ako kay Glydel na hindi malaman ang sasagutin. Kahit ako rin naman, gulong-gulo. Ang sinabi niya lang sa akin ay pinuntahan-

Namilog ang aking mata at tumikhim para maka-agaw ng atensyon, "She. . went into their base yesterday. And, no, she did not get busted." ngumiti ako sa nagtanong noon. Ramdam ko namang lumipad sa akin ang tingin ni Glydel. Bago pa sila makapag-react ay nagsalita ulit ako, "Before you guys ask questions again, let her explain it all. Got it?" hindi ko tinanggal ang aking tipid na ngiti.

Tumango kaagad sila. Psh. Cowards. Alam nila na hindi maganda ang mangyayari sooner or later kasi based on my facial expression I'm already pissed. I may not look like it but trust me, I am.

"Thank you, Mars. Anyways, just what I have said earlier. . . I went into their base. How? First of all, I saw him and his syndicate at the hospital the other day when we visited a friend of ours. So, I decided to follow 'em but didn't told the others kasi I don't want to cost any commotion. When I followed them they ended up going into their base. Nag usap sila about someone na dapat nilang i-target. A few days ago, I went to the Underground City para mag masid kung anong maaring mangyari. But at that time may mga nag-ambush do'on and ginawa nilang hostage ang lahat ng taong naroroon. Guess who kung sino ang nag pakana noon?"

Kumunot ang noo ko sa haba ng sinabi niya na tila ilang beses niyang minemorize iyon sa kaniyang utak. Tinignan niya kami na parang naghihintay ng sagot.

Iniquitous ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon