i34.Her confession and Betrayal

6.3K 156 24
                                    


Chapter Thirty-Four: Her confession and Betrayal

"What's that?" Takang tanong ni Trina sa kanya. Samantalang ang dalawa ay parang nabunutan ng tinik ang kanilang mga ekspresyon, "Ha? Bakit mo di mo alam yun!"

"E basta. Takot yung mga bata dito saaming dalawa" Padagdag na ani ni Javier.

"Tch. Yabang" Bulong ni Benny na narinig naman ng lahat.

"Haha. Wag kayo mag alala! Sama lang kayo samin parati di kayo guguluhin nung mga yun for sure," mahinahon na sabi ni Travis. "English 'yon ah." Dagdag nito na ikinangisi ng lahat.

Napag disisyonan ng apat na mag laro sa court ng habulan. Takbo dito, takbo dyan, hinding hindi mo makakaila ang kasiyahan sa kanilang mga mata. Na bawat tawa at hagalpak nila ay siguradong punong puno ng kaligayahan. Ngunit napatigil sila ng . .

"Hala! Katrina! Shawn Bennedik! Kayo talaga mga bata kayo oo, kanina pa namin kayo hinahanap akala ng ma'am nawawala na kayo!" Sigaw ng kanilang yaya. Nagulat sila Benny at Trina ng maalala nila ang kanilang mga magulang lalo na't nakalimutan nila mag paalam sa kanila.

"Yaya! Sorry po, hindi naalala e." Mahinhin na saad ni Trina habang nilapitan ang kanilang yaya, "Yaya, what did mom said?" Tanong naman ni Benny.

"Hay nako. Pumunta na muna kayo sa mansyon, palubog na ang araw alam niyo ba iyon?" Natame-me ang dalawa sa nasabi ng kanila.

"Ay pasensya na. Ang ibig kong sabihin malapit na mag gabi. Tara na at baka mapagalitan pa ako noh mahirap na," aalis na sana sila ng biglag naalala nila Trina ang kanilang bagong kalaro.

"Yaya! I forgot po pala, we made new friends," Ani niya at binaling ang kanyang atensyon sa dalawa.

"Uy!" Tawag ni Benny sa kanilang dalawa na tinugunan naman ito ng pansin at tumakbo papunta sa kanila, "Haha. Kala ko nakalimutan nyo na kami e." sabi ni Travis na nakahawak sa kaniyang batok.

"Aba.. Sino naman itong mga poging bata na ito?"

"Yaya, mga new friends po namin ni Kuya Shawn! Ni-help nya po kami kanina e." Sabi ni Trina na mukhang nahihiya sa dalawa.

"Arte naman nito. Kanina tawag sakin 'Benny' ngayon naman 'Kuya Shawn'. Pero yaya, yes we met them earlier. Can they come too? Sa bahay I mean."

"Ay hindi yata pu-pwede 'nak. Nandito ang mga magulang nila Trina e, baka magalit si ma'am."

"Okay lang yun! Edi dito na lang ulet tayo maglaro bukas! Parati naman kami dito e" Maligayang saad ni Javier na ikina-thumbs up naman ni Travis.

"Nice!"

"So friends?" Tanong ni Benny at inilahad ang kanyang kanang kamay sa dalawa at gayun din si Trina.

"Malamang friends!"

"Oo naman! Astig kayo e."

"Sir! Nahanap ko na po ang mga bulinggit!" ani Yaya Fhey, ang yaya ni Benny. Ngunit syempre, inaalagaan rin niya paminsan-minsan si Trina kapag pumupunta ito sa kanila.

"Dyosko!"

"Oh God. Both of you scared us to death!"

"Okay lang ba kayo mga anak!?"

"I was about to call the police!"

Balisang-balisa na sabi ng kanilang mga magulang. Lumapit ang dalawang bata sa kanila.

"Mom, I'm sorry. It was my fault niyaya ko po kasi si Trina lumabas." Ani Benny.

"Sweetie It's not your fault okay? Basta magpapaalam lang kayo saaamin ha? Papayagan naman namin kayo e, just make sure na alam namin kung saaan namin kayo hahanapin." maamong saad ng ina ni Trina.

"Kayo talagang mga bata o."

"Hayaan mo na yan pare, in the future naman kasi si Shawn na ang mag hahandle ng business mo. Akalain mo ba naman isa sa mga kilalang kilala na companies ang mapapasakanya, The one and only 'Cruz Industries' o sino ba naman ang hindi maiinggit nyan diba?" Pabirong sabi ng ama ni Trina na ikinatawa naman ng lahat.

"Honey talaga puro biro."

"O e totoo naman ah. Diba inaanak kong Shawn?"

"Yes tito, pero syempre I want to have fun muna before handling anything yet." Maginoong saad naman ng bata.

"O kitam."

"Haha! Oo na, tama kana! O basta anak ha, dapat huwang mong dudungisan ang iyong pangalan! Pano na yan kapag sumikat kana!"

"Don't worry too much tita! I will always be by his side kaya you have nothing to worry about" Ngitig saad ni Trina.

Tumingin sa kaniya si Benny at napangiti.

"But wait," biglang sambit ng nanay ni Trina, "Have you heard of fixed marriage?"

Kumunot agad ang noo ng mga magulang ni Benny at bumaling sa nanay ni Trina, "What?"

"I heard about Fixed Marriage somewhere." lumingon ang nanay ni Trina sa kanila ni Benny. "Since you two are fond of each other, don't you two want to get married when you get a little more older?"

Namilog ang mga mata ni Benny at napataas ang mga kilay. He was too young to even think about marriage. "Po?" tumingin siya kay Trina, "Sorry, tita. Pero hanggang kaibigan lang po ang tingin ko kay Trina."

Inakbayan niya si Trina na natigilan. Napawi ang ngisi ng babae at bumilis ang tibok ng puso nito, para bang biglang kinabahan. "I can't imagine myself being her husband sa future."

"Dear, it's okay! Bata ka pa ngayon and maybe, when the time comes, baka magustuhan mo na ring magpakasal kay Trina!" pagpipilit ng nanay ni Trina, "This is for the both of you and for our companies-"

"Teka lang," ngumiti ng nahihiya ang nanay ni Benny sabay hawak sa balikat ng kay Trina, "Isn't it too early to talk about this marriage thing? Wala pang masyadong ideya ang mga bata tungkol dito. Let's calm down."

"May point siya, honey." dagdag ng tatay ni Trina.

"But. . ." nag-angat ng tingin ang nanay ni Trina sa kaniyang asawa at binalik ulit sa kanila Benny, nakanguso.

"Tita, I will just protect Trina no matter what. Don't worry. I shall never leave her side." ani Benny.

"Talaga?" Trina's mom smiled sweetly.

"Yes, tita. Pero hindi ko po kayang maging asawa siya. Kahit. . ." sumulyap siya sa kaibigan, "Kailan. It's like I see her only as a sister. I'm sorry."

Napakurap si Trina matapos ang iilang segundo ng pag-aalala sa kaniyang nakaraan.

Why can't he love me?

Parang sobrang gasgas na ng tanong na 'to sa isip ni Trina dahil masyadong overused.

What can she do? Ayaw niya man, this question keeps on showing up. Kinuyom niya ang palad niya nang makita ulit si Shawn.

I hope nothing really. . . changed.

'Yan ang paulit-ulit na linya ni Trina sa kaniyang isip. Kung pwede lang siyang magmakaawa sa harap ni Shawn na huwag magbago, na huwag maging cold, or something. Yung tratong. . . hindi man lang halata na may pinagdaanan kayo. Yung sana, yung tratuhan niyo, gaya ng dati. Gaya noong mga bata pa kayo. Ang iba lang sana ngayon, ang edad nila at itsura.

Taas-noong tumingin si Shawn kay Trina, nanliliit ang mga mata.

How about checking Shawn's thoughts, instead?

I fucking trusted her. Tinagilid niya ang ulo. I can't help but remember what happened. Money isn't that important to me, but friendship. Hindi ko alam na pwede rin pala siyang maging manggagamit. I didn't raise her like that. Nakakalungkot lang isipin na ito ang naging resulta niya.

Stop it, Shawn. Baka nagbago na rin siya. Just shut up. Bumuntong-hininga si Shawn.


---

Don't forget po to comment and vote! =)

Iniquitous ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon