i15.Bumping unto you

5.7K 237 2
                                    


Chapter Fifteen: Bumping unto you

Kate's POV

"Tawagan mo ang mga kasamahan natin. May Laban tayo sa Underground City." seryoso ang tono ng boses ni Jeff.

Lumunok ako. Gusto ko pa mang makinig pa ay tumakbo nalang ako papalayo kung nasaan sila.

Oh my God. Mahirap na, no.

"Kailangan malaman nila Marie to so we can be prepared if anything else gets out of hand," tumigil ako para maghabol ng hininga saka ulit tumakbo.

Lumilingon-lingon ako kaliwa't kanan every 10 seconds para mahanap sila Glydel. Nasa canteen pa kaya sila? Tumigil ulit ako at yumuko para maghabol ng hininga. Pero kung pupunta pa ako sa canteen, medyo mahaba-haba ang lalakarin ko. Laki kasi ng paaralang to. At my bad, hind ko agad nahanap ang shortcut. Malay ko ba.

Patakbo na sana ako ulit nang halos matapilok ako!

"Argh!"

"Oh my God!" asik ko nang biglang nag-landing ang pwet ko sa sahig. Ang sakit! Paksyet!

Lumingon ako sa sanhi ng pasakit ko. Nagmadali akong tumayo at tinulungan siya. Kawawang bata!

"I'm so sorry! I'm so sorry!" sabay pagpag ko ng damit niya.

"Kate?"

Namilog ang mata ko at napaatras. Lumingon ako sa kaniya.

What the? Travis?

---

Please don't forget to comment and vote! =)

Iniquitous ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon