i35.Awake atlast

2.3K 64 11
                                    


Chapter Thirty-Five: Awake atlast

"Sir. I have talked to the doctors, ang sabi po nila ay hindi pa po sila sigurado kung kelan po sya magigising." saad ni Clement sa kanyang pinuno.

Narito sila ngayon sa hospital at binibisita si Kate, kahit na hindi nito kamag-anak o kadugo ay minahal pa rin ni Peter ang dalaga na para na niyang anak, lalong lalo na't kaibigan ito ng kanyang sariling anak.

Hindi mapagkakaila ang pagka-dismaya sa mukha ni Peter, na nakalipas na ang isang buwan ngunit hindi pa rin ito nagigising. At ngayon ang malalaman niyang balita ay 'hindi pa alam kung kelan ito magigising'?

"Imbeciles! Anong hindi nila alam? They're doctors, right?" napakawak si Peter sa kanyang batok and later on he loosen up his necktie.

"Should I bring them in, sir?"

"It's fine, but do make sure to guard her well. We are not sure who might come and-" hindi natapos ni Peter ang kanyang sasabihin dahil sa narinig na. . .

Beep- beep- beep

Ito ay malakas na beeping sound na nagmumula sa cardiac monitor at bigla na lang sila nakarinig ng isang mukhang malat na mahinang boses,

"T-tito.."

---

Maghahating gabi na kaya naman ay pinauwi na ng mga guro ang mga mag-aaral.

"That. Was. Nerve-wrecking!" si Kim. Umirap siya sa stress at umupo sa sofa saka nilagay ang mga gamit sa gilid.

"Lower down your voice, Kim. Lahat tayo dito pagod. Wala pa ako sa mood." sinamaan ng tingin ni Glydel si Kim saka umiling.

Umawang ang bibig ni Kim at tinitigan siya, "Okay. . . fine. Totoo naman. Pagod tayong lahat. Pagod na pagod na ako." sinandal niya ang ulo sa sandalan ng sofa at tumingala saka pumikit.

Nag-eemote lang.

"Arte. Hugot ba yan?"

"Hihi." tinignan lang siya ni Kim at nginisihan. "Wait lang. Where's Marie? Umakyat na yata agad."

"Birthday ng father niya remember?" bumuntong-hininga si Glydel at tumitig sa kawalan. "Kawawa nga, eh. Hindi na nakapagplano."

Gusto man nilang dalawang tumulong ay hindi nila magawa.

Nais naman tumulong kaya nga lang ay ayaw pumayag ni Marie, magpahinga na lang daw muna, huwag na lang daw mag alala masyado and so on.

But of course dahil magkakaibigan sila ay syempre hindi nila magawang hindi mag- alala sa kanya. Itong araw na ito ay napaka-importante sa kaniya. Kaso nga lang nasira dahil sa walang kabuluhan na panyayari kanina sa paaralan.

Hope we could do something for her to cheer up. Sayang 'tong araw na to, eh.

Ngumuso si Kim habang nakakunot ang noo. Naguguilty siya. Hindi malaman ang tamang gagawin. Saka siya nag-angat ng tingin kay Glydel.

"Hey." tumikhim siya. "Akyatin natin. Tara," nagtanguan sila bago tumayo si Kim.

Pagkapunta nila sa harap ng pintuan ng kwarto ng kaibigan ay nagkatinginan sila.

Breath in, breath out!

"Hoy, ikaw kumatok," siniko ni Glydel si Kim.

Tinuro ni Kim ang sarili niya at napailing. "Ulul. 'Wag na tayong kumatok."

Nagtitigan sila.

Hanggang sa sumama ang tingin ni Glydel.

"Ay, sige. Tama ka. Wag na. Malalaman niya nga naman talaga na nandito tayo kung hindi tayo kakatok."

Iniquitous ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon