i44.Code RED

916 22 0
                                    


Chapter Fourty-Four: Code RED

Nathan's POV

Why do I feel like this? Kahapon pa 'to ah. Kahapon pa nung nakita ko si Glydel. It's something that I have already felt before. Already a couple of times honestly.

Kaso nga lang nararamdaman ko lang 'to tuwing nakikita ko sya.

"Why do I always feel protective of you?"

"Kanino brad?" Tanong ni Javier out of nowhere. "Ano?"

"Ah. Si Glydel yan 'no?"

"Ang alin?" Ngayon naman ay si Shawn naman ang nag tanong. Fuck! Napalakas ba ang sabi ko!? Binulong ko lang naman yun ah!

"Gusto mo sya 'no 'tol?" Pati ba naman ikaw--- Travis? Ay oo nga pala. No'ong nagkaayos na kaming lahat kahapon ay bumalik na itong gagong 'to sa gang. Ay sandali nga lang! May malalim problema tayo diba Nathan?

Code RED pa nga eh!

"Pwede ba tantanan nyo nga ako." Ani ko na lamang at tumayo sa kinauupuan ko para pumunta sa kusina rito sa bahay ko. Kaso nga lang wala narin naman kwenta ang pag takas ko dahil sinundan rin naman nila akong tatlo.

"So ano gusto mo nga?"

"Akalain mo yun sya lang yung walang assurance sa love life ngayon."

"Kawawa nga naman talaga." Iling na wika ni Javier. Ano daw? "Gago! Anong kawawa ka dyan?"

"Gago ka din! Baka nakakalimutan mo may boyfriend na yung babae." That's it! Putang ina ayoko nga marinig yan!!

"Thank you ah at pinaalala ko pa sakin yan." Sinabi ko sa kanya ng puno ng pait sa boses ko. "You're welcome 'bro! "

"Javier! Tigiligan mo nga yan." Saway sa kanya ni Shawn.

"Pero di nga brad. Anong gagawin mo nyan eh taken na pala sya. "Nagtatakang tanong ni Travis saakin. Muntanga lang diba? Kitang di ko nga alam eh!

"From the looks of it, di mo alam 'no?"

"Seryoso ka ba pareng dyan Shawn?"

"Alam mo kasi Travis sa ating apat si Nathan lang naman ang kaisa-isa saatin na madaling basahin ang ekspresyon."

"Ako??"

"Oo ikaw."

"Nako. Teka nga lang, Nathan! Mahal mo ba?" Tanong ni Javier saakin. Ewan ko.. Mahal ko nga ba sya? Huh. Parang--- "Tangina! Di mo alam 'no!?"

"Sinasabi ko sayo 'tol lagot ka sa kapatid mo pag nalaman nya yan."

"Brad baka naman infatuation lang yan."

"Mahal na mahal ko sya okay!!" Malakas kong wika sa kanila na ikinatahimik ng lahat. "Hindi ko nga alam kung tama ba 'tong nararamdaman ko lalo na wala naman kasi talagang kami."

"Hindi naman kinakailangan ng relasyon para magkaroon ng pagmamahal sa isang tao. Ano yun parang Ice skating? Sa una parang ayaw mo kasi di ka sigurado kung kaya mo? 'Wag ganon pre." Seryosong wika ni Travis.

Probably kasi walang sila ni Kate. Pero iba eh..

"Di nyo kasi ako naiintindihan kaya hindi nyo alam!" Sa tingin nila madali lang 'to para saakin? Puta. Nahihirapan din ako! Masakit. Sobrang sakit tuwing naalala ko ang mga panaginip na magkasama kami kahit sandali lang.

"Palibhasa kayo kase alam nyo at nararamdaman nyo na mahal talaga kayo ng mga mahal nyo kaya komportable kayo! Kayo kaya ang mapunta sa posisyon ko? Yung gigising kayo araw araw humahanap ng solusyon kung pano kayo magiging okay ng mahal mo. Kasi kami ni Glydel sa tingin ng iba okay lang kami kahit hindi naman talaga! Yung gusto ko s'yang kausapin hanggang sa lumipas na ang kinabukasan.. Yung pwede ko s'yang mayakap tuwing magkikita kami.. Yung pwede kaming mag usap kahit saan at kahit kailan.. Yung pwede kaming umalis at maglakwatsya kahit anong oras.. Pero hindi eh! Hindi ko magawa yun kasi meron s'yang ibang pesteng minamahal!"

Yan ang huli kong mga salita na sinabi sa kanila bago ako umalis ng bahay. KO. Tangina nga eh. Lumayas ako sa sarili kong pamamamahay. Astig 'no?

Pero napaka exaggerated naman yata sinabi ko. Hindi naman ako yung as in na umalis ng bahay ko dala dala ang mga gamit ko.

Yung ako nag unwind lang?

Nako. Imbis na mag mukmok dun since umiyak na naman ako--- oo lumuha yung maya ko. Pero hindi sa umiyak ng lubusan. Eh basta! Pumunta na ako sa garahe ng bahay at kinuha ang bike ko papuntang isang park na di kalayuan sa village namin. San pa ba ako pupunta? Imposibleng mga mall o underground city. Dahil masyadong maraming tao.

Okay na rito. Ako lang ang nandito as of the moment, gabi na rin naman kasi. Pero ang maganda rin naman dito sa park na ito ay hindi gaanong madilim.

Naglalakad lakad ako mag isa rito sa parke na ito ng may narinig akong dalawang taong nag uusap. Isang babae tsaka lalake? Dahil sa mausisa talaga ako nag taka naman ako bigla kung anong meron. Mukhang nag away sila eh. Kaya sinundan ko yung ingay na iyon ay napaantras ako bigla sa laking gulat ko nang makita ko kung sino yung babae at lalake nandun.

Peste nga lang naman dahil nadapa pa ako nang sinubukan kong lumayo sa kanila.

"N-nathan?"

Shit!

"Glydel.."

---

Don't forget to vote and leave a comment! =)

Iniquitous ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon