i12.I doubt that, bastard.

8.7K 344 4
                                    


Chapter Tweleve: "I doubt that, bastard."

Shawn's POV

"Dude, nasan yung diet coke ko?"

"Ah 'yun?" nagkamot sa ulo si Javier. "Hindi ko nabili, e."

"Punyeta naman, o."

Huminga ako ng malalim at hindi sila pinansin. Nag-aya nlng akong pumunta sa mall para makapag-relax. Medyo magulo na ang damit ko kaya inayos ko ito sa restroom sa mall na pinasok namin. Eto yung maganda sa school namin eh, three hours yung break and during those hours ay allowed to do anything we want to. And yes, kahit umalis pa ng school. Basta bumalik sa tamang oras that is.

I ran my fingers through my hair. Pagkalabas ko ay nakita ko ang ngitingiting si Javier sa mga babaeng isinama niya. Sumisingit naman sa usapan nila si Travis habang hinihintay naman ni Nathan ang paglabas ko.

Umayos ng tayo si Nathan pagkakita sa akin at napalingon din si Travis. "Itong si Javier, puro kalandian at babae talaga ang iniisip. Pati ba naman dito, sinama sila." sabay tawa ni Nathan. Nakangising tumango naman ako.

"Bakit ka nga pala badtrip ngayong araw, pre? Kanina pa." tanong ni Travis. Nagsimula na kaming maglakad-lakad. May iilang babae rin na kumapit at nakipag-landian sa amin kahit nag-uusap kami.

"Tss!" singhal ko. "Naalala ko na naman. Nadetention kasi ako kanina."

Tumawa ng mahina si Nathan habang matamis naman ang ngiti ni Phoebe na siyang babae na lumapit sa kaniya.

"Detention first day?" tawa rin ni Travis. Nakasandal sa balikat niya si Xandra na kanina lang ay nasa tabi ko kaso pinalayas ko dahil nababadtrip ako. Nawala ako sa mood kaya lumipat siya kay Travis.

"Oh 'di ba!" nakipag-high five si Nathan, "Nakipag-basag ulo kasi kanina kayla Montanga."

"Mondragon 'yun!"

"Edi Mondragon!"

"Gangsters rin 'yun 'di ba?" ani Travis.

"Oo, avengers yata 'yun. ." sabi ko at suminghap.

"Avengers!" humalakhak sila Nathan at Travis. Napangisi rin sila Pheobe at Xandra kahit hindi nila naiintindihan.

"Ang tanga lang," ani Travis nang sinubukan niyang pigilan ang tawa.

"Ako!?"

"Kayo nagsabi niyan!"

"Damn you."

"Hindi!" tumawa na naman si Travis. "Iyong pangalan nila ang ibig kong sabihin."

"Kahit anong mangyari, mananalo pa rin naman tayo." ngisi ni Nathan, "Nanalo ka naman kanina 'no?" baling niya sa akin.

Tumango ako, nagyayabang.

"Aba! Si Big Boss pa!" ani Javier sa likod.

Natigil ako sa paglalakad nang may makita akong grupo ng mga babae sa malayo. "What the heck?!"

Napalingon rin sila Javier sa tinitignan ko. I cleared my throat.

"O! 'Di ba sila yung mga chix kanina?"

"Javier baby!" rinig kong malanding sinabi ni Valerie na siyang kalandian ni Javier. "Nandito naman ako, o. What are you looking at there?"

"Hays! You're just a waste of my time! Back off!" ani Javier. Tumawa ako ng mahina. Napagod na siguro sa paglalandi.

Iniquitous ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon