i28.Escape

5.5K 186 4
                                    


Chapter Twenty-Eight: Escape

Marie's POV

"You think," mahinang bulong ko na narinig ni Kim. Nagtaas siya ng kilay at niluwagan ang turtle neck. "Umuwi na si Glydel?" tanong ko sabay angat ng tingin.

Umalis 'yung tatlo, sila na daw bibili ng mga pagkain. Which I agreed. Libre nila, e. Tatanggi pa ba ako? I sighed.

"Nah." sabay kibit-balikat niya. "I mean. . . tatawag naman siya if ever, 'di ba?"

Anak ng. "Hay nako, Kim. Sasagutin mo yung tanong ko ng tanong?"

"Oh bakit," pinandilatan niya ako ng mata. "Hindi ba pwede 'yun, huh?"

"Uy!"

Napalingon kami sa gawi nila Nathan, "Ito na."

Sumilay ang ngiti sa labi ko at nagpasalamat. Nilapag niya sa lamesa ang mga inorder sa KFC, McDo, at Jolibee.

Kumunot ang noo ko habang tinitignan ang mga ito at nagtatakang nag-angat ng tingin.

I thought, 'Yes naman! Nandito na yung mga pagkain!' Glydel would say.

Nagkamot ako sa noo, "Thank you. Pero ang dami naman yata?" natawa ako, "Hindi naman kami mga baboy."

"Ano ka ba?" sinapak ni Kim ang braso ko.

"Aw!"

"Sila na nga bumili, e. Nagrereklamo ka pa. Aba, wag ganoon!" pinandilatan niya ako ng mata nakangiting bumaling sa kay Nathan. Napailing ako. "Salamat ulit!"

"No problem," ngiti niya. "Pero, akala ko nandito na si Glydel?"

"O? Sinong nagsabi?" nagpalipat-lipat ang tingin ni Kim sa amin.

Napakibit-balikat nalang ako.

"I'll try to text her," sabi ko at kinuha ang iPhone ko sa red kipling shoulder bag. Tumango naman sila at nagkwentuhan ng kung ano.

Bumagsak ang balikat ko habang nag-tetext. Kinagat ko ang labi ko habang pinipindot ang send button.

'Yung tinype ko:

Glydel, nasaan ka na? You're not even calling or something.

Okay ka lang?

Naka-off ba ang phone mo?

Hayy. Pag nakita mo na 'to, I want you to know na nasa Mall lang kami.

Follow once you see this, okay?

"Done?" dinungaw ni Kim ang phone ko na pinatay ko agad at tinago. "Ay," ngumuso siya.

"Kasesend ko lang." sabi ko, "I told her na nandito tayo at sumunod siya kapag nakita niya na 'yung text ko."

"Hm," tumango si Nathan sa sinabi ko at binagsak ang tingin sa mga pagkain. "Sayang naman sila? Ang dami pa naman. Ang alam ko kasi'y nandito na siya. Malakas pa naman siyang kumain," napakamot siya sa sentido at natawa ng mahina.

"Hoy!" sinamaan ko siya ng tingin.

"Ooh!" napahalakhak si Kim at pinalo ang lamesa sa food court, napalingon ang malalapit na tao sa amin. Hindi ko mapigilan ang aking ngisi. "I smell something fishy! Haha! Ano 'to?" aniya. Kinikilig ang gaga. Palibhasa'y shiniship lahat ng taong nakikita.

"Oo nga!" kinagat ko ang labi ko para pigilan ang aking ngisi. Natatawa kasi ako, leche. Sinamaan ko ng tingin si Nathan at dinuro siya. "Ikaw, ha? Paano mo nalaman? Stalker ka!?"

"What!?" kahit natatawa rin ay nagpigil si Nathan humagalpak sa tawa. Napahawak siya sa batok kaya napatingin na naman ako sa mapula niyang buhok. "Look, I'm not a sta-"

Iniquitous ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon