Chapter 19

103 13 0
                                    

💛 Chapter Nineteen 💛

WALA NANG NAGAWA PA SI LOU, pumasan na siya sa likuran ni Taru. At hindi niya maiwasan ang maamoy ng husto ang binata. Ito rin ang unang pagkakataon na magkadikit ang katawan nila. Hindi niya maitago ang kilig na nararamdaman niya sa mga sandaling iyon. Never kasing pumasok sa kanyang isipan na mangyayari ang ganitong eksena sa kanila ni Taru. At dahil sa kilig na nararamdaman niya, hindi niya namalayan na malapit na pala sila sa resthouse. Kung hindi pa niya narinig ang boses ni Rhea na tinawag ang pangalan niya ay hindi siya magigising sa realidad.

Nasa bakuran na sila nang makita sila ni Erick.

Natigilan ito nang makita sila sa ganoong sitwasyon.

"Ano'ng nangyari?" tanong ni Jaypee at dali-dali silang nilapitan.

Sumunod na rin sila Fatima at Rhea.

"Napilayan siya," tugon lang ni Taru, "Kailangan niyang malunasan kaagad."

"S-Sige..." natatarantang inalalayan naman sila ni Jaypee papasok sa bahay.

Nagawa na siyang ilapag ni Taru sa sofa. Saka naman ito napa-upo na sa tabi niya habang hinihingal ito.

"Tubig," pautos na kinalabit ni Rhea si Fatima.

"O-Oo!" tugon naman nito saka nagtungo sa kusina para kumuha ng tubig para kay Taru.

"Ano'ng pumasok sa isip mo, bakit ka lumabas ng gabi na hindi man lang nagsasabi sa akin?" galit na tanong ni Erick.

"S-Sorry!" nahihiyang sabi na lang ni Lou. At hindi na niya nagawang tignan ng diretso ang binata.

"Nakita mo na ang hinahanap mo?" tanong naman ni Marivic.

"O-Oo," tugon ni Lou.

"Sa susunod magpapaalam kayo! Alam n'yo naman na kargo ko kayo! Ako ang malalagot kapag may mangyaring hindi maganda sa inyo!" pagpapatuloy ni Erick.

"Alam n'yo, imbes na pagalitan ninyo 'yung tao, bakit hindi kayo kumuha ng gamot!" inis ni Taru sa mga ito dahil mas inuna pa ng mga ito ang sermunan si Lou.

"Tama yelo! Yelo!" dahil sa sinabing iyon ni Taru, kumilos na si Rhea para kumuha ng yelo sa ref.

"Pinadala pala ako ni Lola ng first aid kit!" ani naman ni Jaypee saka na ito dali-daling kinuha ang sinasabi nitong first aid kit.

Kinuha naman ni Erick ang kanyang cellphone para kontakin ang caretaker nila para humingi ng tulong. Kaagad naman rumesponde ang mag-asawa. At ito na rin mismo ang naghilot sa paa ni Lou.

Kinabukasan ay umayos na ang pakiramdam ni Lou. May benda ang kanyang paa pero hindi maiwasan ang pamamaga nito. Lihim talaga nagpapasalamat si Lou dahil nagawa siyang sundan ni Taru. Kungdi baka tuluyan siyang naligaw, at hindi makauwi.

Last day nila, at bukas ay babalik na sila sa Maynila. Paika-ika pa rin ang lakad ni Lou. Pero hindi na gaano kumirot ang paa niya.

"Guys, may malapit palang perya rito!" tuwang balita ni Jaypee nang hapong sumama ito sa Mang Caloy sa bayan.

"Perya?" napakunot ang noo ni Erick.

"Last day na natin, baka naman pwedeng mamasyal naman tayo!" hiling ni Jaypee.

"Oo nga. Tapos na rin naman ang thesis natin!" segunda ni Fatima.

"Pwede ka rin naman diba, Lou?" may pag-aalalang tumingin si Rhea sa kanya.

"Oo, hindi na masyadong masakit ang paa ko!" nakangiting tugon niya dahil ang totoo ay gusto rin niyang pumanta sa perya.

"Okay sige," pagpayag ni Erick.

"Yehey!" tuwang nagtatalon pa sila Rhea at Fatima.

"Parang mga bata!" irap ni Marivic.

"Sasama ka naman diba, Taru?" Tanong ni Jaypee.

Tumango lang ito.

"Ikaw, pres?" tanong ni Jaypee kay Marivic.

"Syempre, sasama ako! Ayokong maiwan rito mag-isa noh!" tugon nito.

"Sige, magpasama tayo kay Mang Caloy," ani Erick, "Last day na rin naman natin rito. Eenjoy na natin!"

Nang gabing iyon nagtungo silang lima sa perya. Kasama nila si Mang Caloy na siyang nagbabantay sa kanila.

Pero tulad ng dati, hindi masyadong sumasama sa kanila ni Taru. Para itong laging may sariling mundo. Medyo sanay na rin naman sila. Pakiramdam nila dahil sa Same Break Vacation nilang ito ay nakilala nila ang isa't isa. Nakikiride on na sa kanila si Marivic kahit minsan ay sadyang may pagkamaarte talaga ito.

"Doon tayo sa Horror House!" aya ni Jaypee. At para silang mga batang nagsi-sunod sa mga iyon.

Typical na house lang iyon pero sadyang nakakatakot dahil may mga staff nang nanggugulat. Si Rhea at Fatima ang matatakutin sa kanila kaya kahit hindi sila magugulatin ay nagugulat na sila dahil sa mga tili ng mga ito.

Nasa gitna na sila ng horror house nang mga limang staff roon na nagpanggap na mga zombies. Dahil sa galing umarte ng mga tauhan roon ay napatili na rin si Lou sa takot at wala sa loob na hinatak niya ang kamay ni Rhea. At kahit paika-ika sa pagtakbo ay nagawa pa rin niya makalayo lang sa lugar iyon.

Hindi na niya alam kung saan sila nakalusot ni Rhea, kahit saang pinto na lang siya pumapasok. Nang wala nang mga staff ng hunted house ang sumusunod sa kanila ay saka siya nakahinga ng maluwag.

"Okay ka lang?" hinihingal pa niyang tanong kay Rhea.

Hindi ito sumagot kaya napatingin na siya rito. Pero daig pa niya ang binuhasan ng malamig na tubig nang mapagtanto niyang hindi pala si Rhea ang kahawak-kamay niya, kungdi si Taru.

Para naman siyang napaso kaya mabilis na niyang binitawan ito.

"S-Sorry, a-ano.. A-Akala ko kasi si Rhea ang nahila ko!" kinakabahan niyang sabi rito na siya namang totoo.

Ngumiti si Taru.

Aktong tatalikuran na niya ito nang maramdaman niyang hinawakan ni Taru ang kanyang kamay. Gulat siyang napatingin ulit rito.

"Wala namang masama kung ako naman ang humawak ng kamay mo, diba?" tanong nito.

Lihim na napalunok si Lou. Naramdaman din niya ang mainit na kamay nitong humawak muli sa kanyang kamay. Hindi rin niya alam kung ano ba ang dapat niyang isasagot rito. Para na kasing umurong ang dila niya dahil sa sobrang kaba.

Ito ang first time na may humawak na lalaki sa kamay niya.

"Baka kasi madapa ka, at mapilayan ka naman!" anito.

Ewan niya pero bigla siyang nahiya sa sinabi nito. Para kasing ang dating, ang lampa niya kaya lagi siyang nadadapa.

Aktong sasagutin na niya ang sinabi nito nang bigla na lang may nahulog na kung ano mula sa kisame.

Nagulantang si Lou dahil alam niya ang kung ano mga iyon.

Mga ahas!

💛💛💛💛💛💛💛

The Song Of UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon