Chapter 11

126 12 2
                                    

💛 Chapter Eleven 💛

SINADYA TALAGA NI LOU na bagalan ang kanyang pagkilos dahil hinintay muna niyang tumila ang ulan. Humina rin naman iyon paglipas ng trenta minuto, doon na siya nagpasyang mag-out.

Naisipan muna niyang silipin kung naroroon pa si Taru sa table nito. Pero hindi niya maiwasan ang makaramdam ng pagkadismaya nang maabutan niyang wala na ito roon.

Nagpasya na siyang lumabas ng Coffee Shop kahit umuulan-ulan pa sa labas. Ang dahilan niya, hindi na rin naman ganoon kalakas iyon.

Halos tinakbo niya ang daan patungo sa waiting shed. Doon niya naabutan si Taru kasama ang ilang pasaherong naghihintay ng masasakyang jeep.

"Malakas ang ulan, wala kang payong?" tanong sa kanya ni Taru.

"Wala eh. Hindi ko naman kasi alam na uulan pala," tugon niya. Ilang saglit pa ay may naalala siya, "Sandali, hindi pa umuuwi?"

"Naabutan rin ako ng ulan. Kaya dito muna ako nagpalipas," katwiran nito.

Aktong magsasalita pa sana si Lou nang may pasaway na motor ang mabilis na dumaan sa kanilang harapan. Dahilan iyon para matalsikan sila ng tubig-baha. Daig pa nila ang biglang naligo dahil basang-basa sila.

"Sira ulo 'yun, ah!" react ng ilang kasabayan nila sa waiting shed.

Natulala si Lou dahil sa pagkabigla.

"Okay ka lang?" tanong ni Taru sa kanya. At bumakas rin sa mukha nito ang pagkainis sa motorsiklong hindi man lang humingi ng sorry sa kanila.

"Grabe, karma ko yata ito sa ginawa ko kay Marvic last time, ah!" natatawang sabi ni Lou habang pinupunasan ang sariling mukha.

"Asar nga! Hindi man lang magdahan-dahan!" inis ni Taru.

"Waahhhh! Ang baho ko!" mangingiyak-ngiyak nang sabi ni Lou nang marealize niya na hindi biro ang nangyari sa kanila. Nagawa rin niyang amuyin ang kanyang sarili, "Amoy-kanal na ako!"

"Halika, magpalit ka muna ng damit!" aya ni Taru.

"Teka saan? Dito?" gulat ni Lou sabay tingin sa ibang taong naroroon na naghihintay rin sa waiting shed, "Nababaliw ka na ba? Saka wala akong pampalit noh!"

"Doon sa bahay mayroon!" tugon nito

"Teka, saan ba bahay n'yo?" nagtatakang tanong niya rito.

"Ayun lang oh!" tugon ni Taru sabay turo sa ikatlong bahay sa kabilang kalsada.

"Ha?!" gulat ni Lou dahil hindi naman niya akalain na ganoon lang pala iyon kalapit.

"Tara na!" aya na ni Taru sabay ang hawak ng kamay niya.

Kinabahan na si Lou nang hilahin siya ni Taru palayo sa waiting shed. Hindi naman niya akalain na ganoon pala kalapit ang bahay nito sa Coffee Shop na pinagtatrabahuan niya. Ang lalo pa niyang kinagulat nang makita niya kung gaano kalaki ang bahay nito.

"Grabe, huwag na! Nakakahiya!" tanggi ni Lou at biglang siyang nag-alinlangang pumasok, "Saka wala na rin iyong amoy. Nakapaligo ako ng wala sa oras dahil ulan."

"Ano'ng huwag na? Basang-basa ka na noh!" sabi sa kanya ng binata, at bahagya pang lumaki ang singkit nitong mata.

"Kasalanan mo ito, eh! Bigla mo akong hinila! Nabasa tuloy lalo ako sa ulan!" paninisi ni Lou.

"Kaya nga kailangan mo nang makapagpalit. Baka magkasakit ka, galing ka pa naman sa trabaho! Pasok na! Hindi naman kita kakagatin!" pabirong sabi nito.

Hindi naman iyon ang iniisip ni Lou. Sa laki at ganda ng bahay nila Taru, kahit madilim ang buong paligid, pakiramdam niya ay malulula siya. Maski nga kapag nasa bahay siya nila Rhea nahihiya pa rin siya. Lumaki kasi siya sa lugar na kung tawagin ng ilan ay squatter area. Maliit lang ang bahay nila, baka mas malaki pa ang banyo nito, eh. Pero sadyang mapilit si Taru. At dahil bahagya na rin siyang nakakaramdam ng lamig ay nagawa na niyang sumunod sa binata.

Kung namangha si Lou sa labas ng bahay nila Taru, mas natulala naman siya pagpasok niya sa loob. Daig pa niyang nakapasok sa isang high class hotel. At hindi basta-basta ang mga figurine na nakadisplay. Na sa tingin pa niya ay galing pa sa iba't ibang panig ng bansa.

Naramdaman pa ni Lou ang pagtaas ng mga balahibo niya sa katawan dahil sa lamig na sumalubong sa kanya. Lalo pa nang may sumalubong sa kanilang dalawang babae na kapwa mga nakauniform na parang mga caregiver.

Gulat na napatingin pa sa kanya ang dalawa na pinakilala sa kanya ni Taru na sila Ate Inday at Ate Openg.

"Pakihatid n'yo po siya sa Guest room para makapagpalit," utos ng binata sa dalawang kasambahay nito, "Ate Inday, sunod ka po sa akin."

Puno man ng matinding pagtataka ay nagawa pa ring sumunod ni Lou sa isa sa mga kasambahay. Habang naglalakad ay nakaagaw sa kanyang paningin ang isang area na puno ng iba't ibang instrumento. Halos namilog ang kanyang mga mata dahil sa kanyang nakita. Hindi kasi niya akalain na mahilig ang mga taong nakatira rito sa musika.

"Ate, kanino po iyong mga instruments?" usisa ni Lou sa kasama.

"Kay Sir Taru," maikling tugon nito.

"Wow, sana all!" buong pagkamangha niya. Lihim siyang nainggit dahil isa sa mga pangarap niya ang makaroon ng sariling mini-studio na katulad nito. Mayroon sila noong piano ng kanyang Mama, pero naibenta iyon para pambayad ng kanyang tuition fee. Nangako noon ang Mama niya na bibili ulit sila ng bago pero malapit na siyang gumaduate ay hindi na mapalit-palitan ang nawala nilang piano. Tanging lumang guitara na lang niya ang ginamit niya sa bahay kapag feel niyang kumanta.

Hindi naman niya minamadali ang kanyang Mama about sa piano'ng ipinangako nitong papalitan. Alam din kasi niya ang sitwasyon nila. Kaya isa sa mga goal niya kapag nagkaroon na siya ng stable na trabaho, piano ang unang bibilhin niya.

"Dito na tayo, ija!" ani Ate Openg saka binuksan nito pintuan na halos katabi lang ng mini-studio ni Taru.

Sumunod si Lou. Sa muling pagkakataon ay muling namangha siya sa ganda ng naturang silid.

"Iyon ang banyo," turo ni Ate Openg sa kaliwang bahagi ng silid.

Napatingin naman si Lou sa tinuro nito, "Sige po! Maraming Salamat po!"

Bahagya munang ngumiti si Ate Openg.

💛💛💛💛💛💛💛

The Song Of UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon