💛 Chapter Fourty-Seven 💛
RAMDAM NA RAMDAM NI LOU ang biglaang pagbabago ng pakikitungo ni Taru sa kanya. Malumanay na itong magsalita. Hindi katulad ng dati na laging nakasinghal sa kanya. Pakiramdam niya, bumalik na ang totoong Taru na nakilala niya two years ago.
Pagkagaling nila sa sementeryo ay hiniling ni Lou na dumaan sila saglit sa hospital para bisitahin ang kanyang katawan.
Nang marating na nila ang hospital ay sinadya pa talaga nilang hintayin ang pag-alis ng kanyang Mama. Hanggang ngayon ay hindi pa rin niya kayang harapin ito na nasa katawan siya ni Ara. Kahit na sobra na niya itong namimiss.
"Bakit hindi mo na rin sabihin sa kanya ang totoo?" Tanong sa kanya ni Taru.
"Hindi pa ako handa," tugon niya, "Hindi ko alam kung maniniwala siya o hindi. Ikaw nga hindi ka kaagad naniwala, Mama ko pa kaya?"
Hindi na kumibo pa si Taru. Sumunod na lang ito sa kanya papasok sa private room kung saan naroroon ang kanyang katawan.
"Bantayan mo, baka bumalik si Mama," utos niya rito.
"Sige," tumango ito saka nagtungo sa pintuan para magbantay.
Samantala, muling tinitigan ni Lou ang kanyang sariling mukha. Sobra na talaga niyang namimiss ang kanyang katawan. Gusto na talaga niyang bumalik.
Nagawa na niyang hawakan ang kamay ng kanyang katawan. Katulad ng dati, muli siyang nakakita ng senaryo. Sa pagkakataong ito, nakita niya si Ara na nasa sulok ng isang coffee shop.
Sumilip siya at nakita niya sa hindi kalayuan ang Presidente ng Lyrica Company na may inabot itong puting sobra sa babaeng nakatalikod.
Kumabog ng malakas ang dibdib ni Lou dahil likod palang ng babaeng iyon ay kilalang-kilala na niya.
Hindi siya maaaring magkamali dahil ito ang kanyang Mama.
"Iyan ang pangtuition fee ni Lou. Oo nga pala, napagdesisyunan ng mga broadmember na magkakaroon kami ng malawakang auditon para sa paghahanap namin ng bagong talent. At isa sa mga napipisil nila ay ang school kung saan nag-aaral si Lou ngayon," hayag ni Mr. Richard.
"Bakit mo sinasabi iyan sa akin?" Walang emosyong tanong ng Mama ni Lou.
"Payagan mong sumali si Lou sa audition. Sa ganoon, magiging madali para sa akin na tutukan siya," tugon nito, "Nalaman ko, parangap niyang maging isang singer katulad ng kapatid niyang si Ara. Kaya gagawin ko ang lahat para sumikat din siya."
"Hindi ako papayag," tanggi ng Ginang, "Hinayaan kong gampanan ang pagiging ama sa kanya dahil iyon ang huling habilin ng pumanaw mong ina. Hinayaan ko si Lou sa gusto niyang gawin dahil iyon ang pangarap niya. Pero hindi ko hahayaan, ang Lyrica ang humawak sa kanya. Ganoong nasa kompanya ring iyon ang asawa at anak mo!"
"Lily naman!" Nagpakawala ng marahas na hininga si Mr. Richard.
"Kung nais man ni Lou maging singer, hindi ako tutol. Pero hindi sa Lyrica! Iyon ang desisyon ko," mariing tugon ng Mama ni Lou saka na nito sinukbit ang shoulder bag nito. Pagkaraan ay tumindig na ito.
"Hanggang ngayon ba hindi mo pa rin sinasabi sa kanya ang totoo?" Pahabol na tanong ni Mr. Richard.
"Sasabihin ang totoo? Nakatatak na sa utak ni Lou na patay na ang Papa niya! Simula nang inabanduna mo kami, at mas pinili mo si Amanda," May hinanakit na turan ng Mama ni Lou saka na ito tuluyang umalis sa lugar na iyon.
Iyon naman ang pagkakataon ni Ara para lapitan ang ama.
"Bakit patuloy mo pa ring hinahabol ang babaeng iyon, Daddy? Hindi pa ba kami sapat na totoong pamilya mo?" May hinanakit na tanong ni Ara sa ama.
"Kahit baliktarin mo ang mundo, anak ko pa rin si Lou. At kapatid mo siya," seryosong tinignan ni Mr. Richard ang dalagang anak, "Oo nga pala, what are you doing here? Sinusundan mo ba ako?"
Sa pagkakataong iyong ay automatikong nabitawan na ni Lou ang pagkakahawak niya sa kamay ng kanyang katawan. Gulat siyang napatitig sa mukha niya.
"Alam mo ang totoo?" Tanong niya rito.
"Totoo ang alin?" Tanong ni Taru sa kanya.
"Alam niyang magkapatid kami!" Tugon niya.
"Paano mo nalaman?" Gulat na tanong ni Taru.
"Nakita ko," tugon mulit niya, "Hindi ko alam pero sa tuwing hinahawakan ko ang kamay--"
Hindi na niya naituloy ang kanyang sasabihin dahil hindi niya sinasadyang mahawakan muli ang kamay nito. At automatikong nakakita na naman siya ng senaryo.
Ang gabing umalis ng hotel si Ara. Sumakay ito sa puting kotse nito.
"Lahat na lang inaagaw mo sa akin! Ang lahat ng sa akin! Mula sa Daddy ko hanggang kay Taru! Ikaw pa rin! Humanda ka sa akin! Gagawin ko ang lahat para mabura ka na sa mundong ito!"
Parang nasisiraan ang ulo ni Ara habang pinaghahampas nito ang manibela. Nagawa pa nitong magsisigaw sa loob ng sasakyan.
Ilang saglit pa ay bigla itong napahinto, at pinaandar ang sasakyan. Nagtungo ito sa kanilang apartment kung saan nakita niyang silang tatlo nila Marivic at Fatima na umalis.
Kahit saan sila magpunta noon ay lihim na nakasunod sa kanila si Ara. Hanggang sa makahanap na ito ng pagkakataon.
Nakita ni Lou ang kanyang sarili habang nakatingala ito sa kalangitan na parang may inaabot.
Muling binuhay ni Ara ang makina ng sasakyan nito. Nanlilisik ang mga mata nitong nakatitig kay Lou.
Pakiramdam ni Lou ay bumalik siya sa nakaraan. Sa pagkakataong iyon, siya ang nagmamaneho.
"Papatayin kita!"
Hindi alam ni Lou kung sino sa kanilang dalawa ni Ara ang sumigaw sa mga sandaling iyon.
Pero bigla siyang nagulat nang may biglang humila sa kanya. Sa pagkakataong iyon, para naman siyang nagising sa masamang bangungot na iyon. At nagbalik ang diwa niya sa kasalukuyang panahon at oras.
"Lou?!" Pagyugyog sa kanya ni Taru.
Nanlalaki ang mga mata niyang tinitigan ito.
"What happened? Bakit bigla ka na lang sumigaw na papatayin mo siya?" Nag-aalalang tanong nito sa kanya.
"H-Hindi ako iyon!" Naguguluhan niyang tugon, "N-Nakita ko! N-Nakita ko ang ginawa niya! H-Hindi aksidente ang lahat! Sinadya niyang banggain ako!"
Nagsimula na siyang mataranta. Halos magsitayuan ang mga balahibo niya sa katawan dahil sa takot na biglang naramdaman niya.
"Pinagtangkaan niya ang buhay ko! Gusto niya akong patayin!" Tuloy-tuloy niyang sabi.
Halos hindi na rin siya makontrol ni Taru kaya naman dali-dali na siyang hinila nito papalabas sa kuwartong ito. Hindi siya nito binitawan hanggang makarating sa parking lot.
"N-Nakita ko! Sinadya niyang banggain ako! Gusto niya akong patayin!" Paulit-ulit niyang sabi dahil hindi siya makapaniwala sa kanyang nakita. Hindi na rin niya maiwasan ang mapahagulgol. Hindi alam kung ano ba ang dapat niyang maramdaman.
Nagawa na siyang yakapin ni Taru.
Natigilan naman siya. At dahil sa ginawa nito, para naman siyang natauhan.
💛💛💛💛💛💛💛
BINABASA MO ANG
The Song Of Us
RomanceFirst love ni Lou si Taru. Naudlot ang kanilang love story dahil bigla na lang nawala si Taru na parang bula. Dalawang taon ang lilipas, isang malaking balita ang nakarating sa kanya. Ikakasal na pala si Taru sa sikat ring singer na si Ara. Ang in...