Chapter 25

5 0 0
                                    

💛 Chapter Twenty-Five 💛

"BAKIT?" NAGTATAKANG TANONG ni Lou sa kaibigan niya habang nasa locker Room sila.

"Naisip kong kunan kita ng Video tapos ipopost ko sa Social Media. I'm sure magte-trending ka! At baka dahil doon may talent company ang makapansin sa'yo!" Excited na sabi ni Marivic sa kanya.

"Pero..." Nagdadalawang-isip niyang tinitigan ang kaibigan.

"Ano? Balak mo lang iburo ang kantang iyon sa baul ng alaala mo? Napakinggan ko nga iyong kantang iyon, nagandahan ako! Kaya sayang kung hindi mo ilalabas iyan!" Payo nito.

"May ibang kanta naman akong ginawa. Iyon na lang!" Hiling na rin niya rito, "Saka hindi lang naman kasi ang gumawa ng kantang iyon. Oo, ako ang sumalat. Pero si... si ano ang nag-ayos."

"Ayy, hindi mo pa rin ba magets? Kung sakaling magtrending ka mga social media posibleng makita rin iyon ni Taru! Malay mo iyang kantang palang iyan ang magre-reunite sa inyong dalawa!" Makahulugang turan nito.

"Pero..."

"Please, Lou! Ngayon lang naman ako humiling diba? Saka gusto ko rin maranasang may sikat akong kaibigan! Malay mo ma-KMJS ka pa, diba? Kaya pumayag ka na! Magtiwala ka lang sa sarili mo! Kaya mo iyan! Kung gusto mo sa mismong account mo natin ipost para maka-sure ka!" Mahabang paki-usap ni Marivic.

Mariin pa rin niyang tinitigan nito. Sa totoo lang hindi niya alam kung saan nagsimula, nagulat na lang siya dahil after nila noong gumawa ng Thesis sa Ilocos ay nagsimula na rin nilang naging kaibigan si Marivic. At habang tumagal ay nakakasanayan na rin niya ang ugali ito.

Alam rin niya kung gaano ngayon ka-powerful ang social media. Kaya nag-aalangan siya sa gustong gawin ni Marivic.

"Please..." Nagpuppy-eyes pa ito.

"Okay fine..." Pagsuko na niya.

"Yes!" Tuwa nito.

Wala nang nagawa pa si Lou. Naisip din niya ang sinabi ni Marivic. Sa ganda ng kantang ginawa nila ni Taru, balak lang ba niya iyon iburo sa kanyang alaala? Paano nga kung dahil sa kantang ito ay muli silang magkaharap ni Taru?

Pero handa na ba siya kung sakaling mangyari iyon?

Nang sumalang na siya sa stage ay kumanta muna siya ng mga resquested song mula sa costumer. Ang buong akala niya ay makakaligtas na siya kay Marivic pero laking-gulat niya nang makita rin niya sa Resto Bar na iyon sila Jaypee at Fatima. Naroroon rin si Rhea, at Erick.

Wala siyang ideya kung anong mayroon ng araw na iyon, at bakit naroroon lahat ng mga kaibigan niya.

"Ammm... T-This is my last song tonight..." Saglit siyang napahinto sa pagsasalita nang mapansin niyang kinukuhanan na siya ng video ni Marivic. Daig pa nito ang isang ina kung makasupport sa kanya.

"Go, Lou!" Pagcheer pa sa kanya ng mga kaibigan niya.

"Actually, ayoko sanang kantahin ang kantang ito. Pero nirequest ito ng kaibigan ko. At nagulat ako dahil andito rin ngayong gabi ang iba kong kaibigan. Ang kanta kasing ito ay sinulat ko kasama ang isa ko pang kaibigan na hindi ko na alam kung nasaan. Isang.....isa kong espesyal na kaibigan..." Mahabang hayag ni Lou.

"Tama na ang dram, kumanta ka na!" Pabirong sigaw ni Jaypee pero kaagad naman iyon sinikuhan ni Fatima.

Matatalim na tingkn naman ang binato ni Marivic sa kaibigan.

"Sana magustuhan po ninyo!" Nasabi na lang ni Lou dahil narealize niya parang sumobra ang kadramahan niya. Ewan niya hindi niya mapigilan ang kanyang sarili. Iba talaga ang feeling niya kapag kakantahin niya ang kantang ginawa nila ni Taru.

Nasasaktan pa rin siya.

Muling dumilim ang buong paligid.

Muling tinuon ni Lou ang kanyang atensyon sa pagtipa ng piano. Sinimulan niyang kantahin ang kantang ginawa nila Taro, two years ago.

'Your Sunshine' ang title.

Verse 1
In the shadows where you stay, I see the light,
Thoughts of you break the dawn, making everything right,
Every storm that we weather, I'll stand by your side,
'Cause your laughter, dear, it fills the world wide,

Pre-Chorus
Together we'll rise, with love as our guide.

Chorus
No matter what happens, I will be your sunshine,
Chasing the darkness until you feel home,
When the night comes, I'll illuminate your way,
You'll find warmth in my arms, come what may.

Melodic Interlude

Verse 2
In the moments of doubt, I'll hold you real tight,
Like the stars that shine brightest, we ignite the night,
Through the whispers of grief, or the joy that's unplanned,
Hand in hand, we'll conquer, the dreams that we've planned.

Bridge
No fear will break us, together we stand.

Chorus
No matter what happens, I will be your sunshine,
Chasing the darkness until you feel home,
When the night comes, I'll illuminate your way,
You'll find warmth in my arms, come what may.

Melodic Interlude

Chorus
No matter what happens, I will be your sunshine,
Chasing the darkness until you feel home,
When the night comes, I'll illuminate your way,
You'll find warmth in my arms, come what may.

Nang matapos niya ang kantang iyon ay masibagong palakpakan ang umalingawngaw sa buong paligid ng resto bar.

Nag-okay sign pa sa kanya si Marivic senyales na nakuha nito nito ng buo ang eksena.

Natapos na ang kanilang duty ni Marivic sa kanilang trabaho. Nagtungo silang magkakaibigan sa ibang bar para i-celebrate ang two almost three years nilang pagkakaibigan.

"Cheers! Para sa three years friendship natin!" Ani Jaypee at sinimulan nitong itaas ang kanang kamay na may hawak na beer.

Sumunod naman sila, "Cheers!"

"Cheers, para sa simula ng kasikatan ni Lou!" Proud na proud na sabi ni Fatima at minsan pang inakbayan si Lou.

"Cheers!" Anang lahat!

"Cheers, para sa martir nating kaibigan na kahit ilang beses nang nahuhuling nangbababae! Push pa rin!" Pang-aasar ni Marivic na siuanh patama kina Rhea at Erick.

"Cheers!" Sumagot naman sila Lou, Jaypee at Fatima. Pero natigilan naman sina Erick at Rhea.

"It's a prank!!!!" Bawi ni Marivic, "Hindi na kayo mabiro!"

"Actually, we have a good news!" Proud na sabi ni Erick at inakbayan si Rhea, "Tuloy na ang kasal namin!"

"Weh? Di nga?" Hindi naniniwalang sabi ni Jaypee, "Parang ilang beses na rin namin iyan narinig!"

"Oo nga!" Segunda nila Lou at Fatima.

"Guys, this time totoo na!" Pagkompirma ni Rhea, "Kasi sinabi ko na kay Erick na magkakababy na kami!"

Pero gulat na natigilan naman ang lahat. Nabitawan pa nga ni Jaypee ang hawak nitong beer.

"Wala na, finish na!" Parang nanlata si Marivic.

"Sorry, Guys!" Nahihiyang sambit ni Rhea, "Sorry, hindi ko sinabi kasi gusto ko si Erick muna ang unang nakaalam!"

"Ngayon ko narealize ang kahihiyang ginawa natin sa restaurant kanina sa mall!" Nanlulumo ring napaupo si Lou sa upuan.

💛💛💛💛💛💛💛

The Song Of UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon