Chapter 9

116 12 3
                                    

💛 Chapter Nine 💛


"ANO? ANO? ANO? Matagal na akong nagtitimpi sa'yo!" Paghahamon pa rin ni Lou kay Marivic. Pero nagulat siya nang bigla siyang hinila ni Taru palayo rito.

Pero umakto si Marivic na susugurin siya. At para na itong zombie dahil itsura nito.

Naalarma naman si Lou nang pasugod na ito sa kanila. Pero bigla niyang naramdaman ang mabilis na pagkabig ni Taru sa kanyang beywang. Nagawa niyang makaiwas kay Marivic pero daig pa niya ang natuklaw ng ahas nang magkadikit ang kanilang mga katawan ni Taru. Para ring huminto ang oras sa pagitan nila nang magtama ang kanilang mga paningin.

Daig pa nilang dalawa ang sumayaw ng tanggo dahil may paikot effect pa.

Pero dahil sa ginawa ni Taru na pagkabig kay Lou, nagdire-diretso si Marivic at nawalan ito ng balanse. Napasubsob ito, at halos mahalikan na rin nito ang sahig.

Natatawang nagpalakpakan ang mga kaklase nila na para talagang nanunuod ng magandang pelikula.

Matatalim pa rin ang mga tingin ni Marivic kina Lou at Taru. At aktong susugod na muli ito nang makarinig sila ng malakas na sigaw. Sabay-sabay silang napalingon sa dakong iyon, at laking-gulat nila nang makita roon ang kanilang Literature Teacher kasama ang adviser nilang si Miss Ancheta.

Natauhan ang lahat.

At kanya-kanyang gumalaw na parang mga sundalo para makapila ng diretso sa harapan ng stage. Parang napakababait nilang mga estudyante kung titignan nang dumating ang kanilang mga guro.

"Ibang play yata ang pinapractice ninyo?" galit na sita ni Miss Bacani.

"Si Lou po kasi!" galit na paninisi ni Marivic kay Lou, "Sinabuyan ako ng tubig sa mukha!"

"Ambaho kasi ng bunganga mo!" galit na sagot rin ni Lou.

Nagbungisngisan naman ang ilang kaklase nila.

Pero nagawang hawakan ni Taru ang braso ni Lou para mapigilan ito. Automatiko naman siyang napatahimik.

"Tumahimik kayo!" bulyaw ulit ni Miss Ancheta, "Hindi n'yo ba alam na kanina pa kami nandito?"

"Gusto n'yo pa bang ituloy ito? O, pare-parehas ko kayong ibabagsak?" matatalim na tingin ni Miss Bacani buong klase, "Grabe kayo? Ganyan ba dapat ang ugali ng mga Senior? O baka gusto ninyong magkita-kita pa tayo next year?"

Halos iisa na rin ang naging reaksyon nila dahil sa pagbabanta ng kanilang Literature Teacher.

"Ayusin n'yo ito! Bukas na ang play, ngayon pa kayo nagkakaganyan? Tandaan n'yo, sa play na ito nakabase ang magiging grades ninyo!" nagpakawala ng marahas na hininga si Miss Ancheta.

"Sorry po, Ma'am! Itutuloy po namin ito!" pagpapakumbaba ni Lou.

"Marivic?" baling ni Miss Bacani, "Nadinig namin ang lahat."

"Sorry po!" sabi na lang nito pero halatang masama pa rin ang loob.

"Magsimula na kayo! Masyado nang madaming oras na nasayang!" galit na utos ni Miss Bacani, at dali-dali nagsikilos ang lahat. Nagsipunta ang mga ito sa kani-kanilang role play.

Dumating na ang araw ng kanilang play. Ito ang araw na kinatatakutan ni Lou. Halos lahat sa section nila ay kinakabahan. Pero wala nang atrasan dahil nakasalalay rito ang kanilang grades, saka malaki na rin ang naging effort nila sa play na ito, ngayon pa ba sila susuko. Lalo pa sila nakaramdam ng kaba ng makita nilang maraming tao ang manunuod. At halos karamihan sa mga ito ay babae. Mayroon pa ng mga elementary students na nanggaling sa kabilang building.

Kinutuban na si Lou kung sino ba talaga ang pinunta ng mga ito. Dahil pamilyar sa kanya ang mga mukha ng mga iyon. Mga member ito ng secret fans club ni Taru.

"Sandali, concert ba ang pinunta nila rito? May tarpolin pa ni Taru!" komento ni Rhea matapos nitong sumilip sa audience.

Napatingin silang lahat sa nananahimik na si Taru.

Nagawa na rin sumilip si Lou. At kitang-kita nga niya ang malaking tarpolin ni Taru. At doon na rin niya napagtanto kung gaano kadami ang tao sa labas.

"Sana hindi na ako sumilip! Lalo lang akong kinabahan!" mangiyak-ngiyak si Lou saka nagpalakad-lakad.

"Relax, Maria Clara!" minsan pang tinapik ni Jaypee ang balikat niya bilang pag-cheer nito sa kanya.

Pero hindi iyon naging sapat kay Lou kaya patuloy siya sa paikot-ikot. Saulo na rin naman niya ang line niya dahil siya ang sumulat. Ang dasal lang niya na sana ay tama ang pagkakadeliver niya ng line niya.

Patuloy si Lou sa paglalakad, at nagawa pa niyang kagatin ang kanyang kuko sa daliri niya. Ganito talaga siya kapag sobra siyang kinakabahan.

Nasa ganoon siyang sitwasyaong nang lapitan siya ni Erick. May inabot itong isang pirasong apple sa kanya. Kaya nagtatakang napatingin siya rito.

"Ano ito?" tanong niya.

"Sabi mo favorite mo 'yan, diba?" balik na tanong sa kanya ni Erick.

"Ha?" gulat niya.

"Ay, huwag ka nang mahiya!" kinikilig pang dagdag nito.

"Ha?" gulat pa rin na react ni Lou.

"Uy, Simoun! Ikaw na!" may pagkairitang sabi rin ni Jaypee. Na parang sinadya nito iyon para humiwalay ito kay Lou.

Doon na lumabas ng stage si Erick. Doon umugong ang hiyawan ng mga kababaihan.

"Grabe, sikat na sikat talaga siya! Sana all!" react ni Jaypee.

"Uy!" gulat ni Lou sabay tingin sa taong umagaw ng mansanas sa kamay niya.

"Akin na lang ito! Nagugutom na kasi ako!" sabi ni Taru habang ningunguya pa ang naturang prutas. At saka  na siya tinalikuran, "Haaaaiizzttt, hindi na malutong!"

"Hala s'ya!" gulat ni Lou. At sa muling pagkakataon ay hindi na naman siya nakapagreact dahil siya na ang sumunod na isinalang sa stage.

Kahit puno ng kaba ay ginawa pa rin ni Lou ang kanyang role bilang Maria Claria. Hindi naman niya pinangarap na maging isang artista, pero gagawin niya ito dahil alam niyang nakikita siya ng kanyang Mama.

Napangiti siya nang matanaw niya sa audience ang Mama niya na proud na proud sa kanya. Tinupad nito ang pangako nito. Kaya ang kabang kaninang nararamdaman niya ay unti-unti nang naglaho.

💛💛💛💛💛💛💛

The Song Of UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon