Chapter 12

113 9 1
                                    

💛 Chapter Twelve💛

AKTONG TATALIKOD NA SANA SI LOU nang may naalala siyang bigla kaya mabilis niyang pinigilan ito, "Ate, sandali lang po! Pwede po bang pahiram ng damit n'yo? K-Kahit iyong uniform n'yo na lang po. Promise ibabalik ko po, agad!"

"Ha?" gulat nito.

"Please..." pagmamakaawa niya, "...Hindi ko naman po akalain na uulan. Wala po talaga akong dalang pamalit."

Mariin muna siyang tinitigan nito saka tumango, "Okay, sige!" natatawang sabi nito.

"Salamat po!" saka siya nakahinga ng maluwag.

"Pumasok ka na sa loob, baka lamigin ka pa't magkasakit!" nag-aalalang utos nito.

Nasa ganoon silang sitwasyon nang dumating pa ang isang kasambahay ni Taru, at may bitbit itong ilang pirasong damit.

"Pinapaabot ni Sir, Miss...?"

"Lou po!" pagpapakilala niya, "Lou na lang po!"

"Ito po, Miss Lou. Ito raw po ang pamalit ninyo," magalang na sabi ng naturang kasambahay.

"Salamat po!" nahihiyang kinuha naman niya ang mga iyon. Dali-dali na rin siyang pumasok sa loob ng banyo para makapagpaligo sa saglit. Tulad ng kanyang inaasahan, mas malaki ang banyong ito kaysa sa kanilang bahay. Hindi tuloy alam ni Lou kung bahay ba itong napuntahan niya o isang hotel. Halos kompleto roon ang kailangan niya.

"Grabe, alam ko naman mayaman sila. Pero hindi ko akalain na ganito pala kayaman!" bulong ni Lou habang pinapatuyo na niya ang kanyang sarili. Nagawa na rin niyang suutin ang damit na pinaabot sa kanya ni Taru.

Kinakabahan siyang napatingin sa harap ng salamin.

Suot niya ngayon ang white t-shirt ni Taru na may print na heart shape. Tapos navy blue na jogging pants. May kalakihan ito pero adjustable naman. Para siyang hip-hoper sa laki ng size nito sa kanya. Pero hindi niya maiwasan ang kiligin dahil hindi naman sumagi sa isipan niya nangyayari ang ganitong sitwasyon sa kanila ng binata.

Secret crush lang naman niya ito, eh. Para nga sa kanya, isa itong bituin sa kalangitan na mahirap na abutin noon. Pero ngayon, parang abot-kamay na niya ito. At nagagawa pa niyang suutin ang damit nito. Wala sa loob na hinawakan niya ang magkabila niyang pisngi. Pakiramdam niya ay nag-init iyon bigla dahil sa kilig.

"Gising, Lou! Gising! Behave ka ah! Dalagang Pilipina pa rin tayo! Saka marami ka pang goal sa buhay na kailangang matupad! Magiging song writer ka pa! Kaya aral muna, bago lande!" pangaral niya kanyang sarili. At saka niya inayos kanyang sarili.

Speaking of song writer, iyon rin kaya ang pangarap ni Taru? Sa natuklasan niya kanina, mukhang mahilig rin ito sa music.

Lumabas na si Lou ng banyo na suot ang damit na pinahiram sa kanya ni Taru. Itinabi muna ang kanyang basang damit katabi ng kanyang bagpack, at saka siya sumilip sa labas ng kuwarto.

Tahimik ang buong paligid.

Wala siyang ideya kung saan ang kuwarto ni Taru. Wala naman sigurong masama kung tignan niya ang mini-studio nito diba?

Natutukso siyang puntahan iyon. At hindi siya mapakali.

Tuluyan na siyang lumabas ng kuwarto.

The Song Of UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon