💛 Chapter Thirty 💛
HINDI MAIWASAN NI LOU ANG kagatin ang kuko sa hinlalaking daliri niya habang pinagmamasdan niya si Taru sa kanyang tabi na abala sa pagbabalat ng mansanas. Hanggang ngayon, iniisip niya kung panaginip pa rin ba ito hanggang ngayon.
Sinubukan niyang kagatin ang kanyang daliri, at nakaramdam siya ng sakit. Ibig sabihin ba nito ay hindi siya nananaginip? Totoo ang lahat ng ito?
Napahawak siya sa kanyang ulo.
Wala siyang alam sa nangyayari kung papaano siya napunta sa katawan ni Ara. Oo malaki ang inggit niya sa babaeng ito dahil ito ang napiling pakasalan ni Taru, pero never pumasok sa isip niya na posible palang mangyari sa totoong buhay, iyong napapanuod niya sa mga drama. Pero kung nasa katawan siya ngayon ni Ara, posible kayang nasa katawan niya ang totoong Ara? Sandali, hindi nga niya alam kung nasaan ang katawan niya, eh!
"Itigil mo niyang pagkakagat mo sa kuko mo," saway ni Taru sa kanya, at ito pa mismo ang nag-alis ng kamay niya. Pagkaraan ay umakto itong susubuan siya ng mansanas.
"A-Ano'ng ginagawa mo?" Nagtatakang tanong niya.
"Ano ba sa tingin mo ang ginagawa ko? Ito naman talaga ang gusto mo diba? Pinagsisilbihan ka?" Makahulugang turan nito sa kanya na siya namang kinakunot ng noo niya, "Oo nga pala, hindi ka gaano nakakaalala kaya tingin ko hindi mo na alam iyon!" Nakangiting bawi nito saka nilapag na lang mangkok sa tabi niya. Nagpakawala pa nga ito ng marahas na pagbuntong-hininga.
"Sandali, paano ba ako naaksidente?" Tanong niya rito.
"Car accident!" Maikling tugon nito, "Wala ka rin ba natatandaan bago ka naaksidente?"
Napakunot ang noo niyang umiling bilang pagtugon. Pero ang totoo ay tandang-tanda naman niya ang lahat. Kasama niya ang mga kaibigan niyang sila Fatima at Marivic. Nagwalwal sila ng gabing iyon para makalimot sa kabiguang natamo niya.
"Alam mo bang almost one week ka ring comatose?" Anito, "At sa loob ng mga araw na iyon, sinisisi ako ng lahat kung bakit nangyari ang aksidente."
"Bakit ano ba talaga ang nangyari bago ang aksidente?" Usisa niya rito.
"Hindi mo talaga naalala?" Paniniguro nito.
"Magtatanong ba ako kung naalala ako?" Balik na tanong niya rito.
Napakunot naman ang noo ni Taru, at mariin siyang tinitigan nito. Parang masusi siya nitong inoobserbahan.
Pero dahil sa ginagawa nito ay naramdaman na lang ni Lou ang pagkabog ng malakas ng dibdib niya. Bagay na alam niya na hindi nagbago sa tuwing nagkakasalubong ang mga tingin nila. At katulad ng dati, siya pa rin ang unang umiwas. Umakto na lang siyang dumampot ng hiniwa nitong mansanas.
"Siguro naman natatandaan mong kinasal na tayo?" Tanong ni Taru.
Na siya namang kinasamid ni Lou.
Wala talaga siyang ideya kung ano ang nangyayari. At paano siya napunta sa katawan ni Ara? Dapat ba siyang matuwa sa sitwasyon niyang ito ngayon? Instant asawa niya ngayon si Taru.
"Ito..."
Muling nag-angat ng tingin si Lou nang mapansin niyang may iaabot sa kanya si Taru. Nagtatakang tinanggap naman niya iyon, at hindi niya maiwasan ang magulat nang malaman niyang isa iyong singsing.
"Isuot mo iyan, baka ano na naman ang isipin ng parents mo kapag hindi nila nakitang suot mo iyan!" Utos sa kanya ni Taru.
Napatitig si Lou sa naturang singsing. Doon na rin niya nabasa ang initial ng pangalan ni Taru at ni Ara na nakaukit. Pagkaraan ay nakaramdam siya ng pagkirot sa kanyang dibdib dahil sa selos at inggit sa babaeng nagmamay-ari ng katawang kinaroroonan niya.
"Oo nga pala," muling nagsalita si Taru "Walang magbabago sa pinag-usapan. Kung hindi mo natatandaan ang mga iyon, ididiscuss ko na lang sa'yo kapag nakauwi ka na sa bahay."
Napalunok siya.
Tumayo na si Taru, at nagtungo sa pintuan. Pagkaraan ay lumabas na ito ng kanyang silid.
Nanatili pa ring nakatingin si Lou sa pintuan kahit wala na roon ang lalaki. Hindi niya maiwasan ang mahiwagaan kung ano nga ba ang napagsunduan nito at ni Ara. At bakit parang pakiramdam niya ay may mali. Parang wala siyang nakikitang anumang spark sa mga mata ni Taru sa tuwing tinitignan siya nito? Bakit parang malamig pa sa yelo kung pakisamahan siya nito. Kung totoong asawa ito ni Ara, diba dapat andito lang ito sa tabi niya at binabantayan siya?
Wala sa loob na natingin siya sa mangkok na naglalaman ng mga hiniwang mansanas.
Hindi niya alam kung matutuwa ba siya ngayon sa nangyayari sa kanya. Sobrang lapit niya ngayon kay Taru. Siya na ngayon ang kinikilalang asawa nito, pero bakit pakiramdam niya ay malayo pa rin ito sa kanya?
Dahil sa lalim ng kanyang iniisip ay hindi niya namalayan ang tumulo na pala ang luha niya. Pero kaagad niyang pinunasan iyon.
"Tama na, Lou. Hindi na tamang iniiyakan mo ang lalaking iyon!" Sabi niya sa kanyang sarili.
Sinubukan niyang bumangon sa kanyang kama. Sa muling pagkakataon ay nakita niya ang kanyang repleksyon sa salamin ng bintana.
Bukod sa sugat niya sa kanyang ulo, wala na siyang natamong malubhang sugat. Hindi talaga niya alam kung ano ba ang mayroon sa babaeng ito, at dito pa talaga sa katawan ito siya napunta.
Nasaan na kaya ang orihinal niyang katawan?
Napaisip siya at muling inalala ang nangyaring aksidente pero bigla siya kinabutan dahil parang naramdaman niya ulit ang sakit ng pagkakabangga ng puting sasakyang iyon.
Malinaw na malinaw ang tunay niyang memorya. Pero ang hindi malinaw ay ang katawan na kinaroroonan niya.
Nasa ganoong sitwasyon siya nang muling bumukas ang pintuan, at niluwa roon ang mag-asawang nagpapakilala sa kanya na magulang ni Ara.
Si Richard Delos Santos, ang ama ni Ara na kasalukuyang Presidente ng Lyrica Company.
Si Amanda Delos Santos, ang ina naman ni Ara. Hmmmm.. wala siyang alam sa background ng babaeng ito.
Napadako ang paningin ni Lou sa binatilyong parang emo kung manamit. May nakapasak pang headset sa magkabilang tenga nito. Napakunot ang noo niya nang mapansin niyang tinitignan siya nito na tagos hanggang kaluluwa niya.
"Who are you?" Seryosong tanong nito.
Natigilan siya.
Pero binatukan lang iyon ni Mrs. Amanda, "Anong who are you? Ate mo iyan!" Saway nito.
"She is not my sister!" Diin nito.
"Anong hindi! Titigan mo ngang mabuti! Ate mo iyan!" Diin ni Mrs. Amanda sa anak nito.
"Tama na' yan," saway na ni Mr. Richard sa dalawa.
Tumalima naman ang mag-ina. Pero hindi mapatid-patid ang pagkakatingin ni Lou sa binatilyo.
"I'm Aether," pagpapakilalala nito, "Ikaw ano'ng real name mo?"
Muli namang natigilan si Lou. Bakit pakiramdam niya may alam ang batang ito kung sino talaga siya?
"Aether, stop it!" Saway na ni Mr. Richard.
💛💛💛💛💛💛💛
BINABASA MO ANG
The Song Of Us
RomanceFirst love ni Lou si Taru. Naudlot ang kanilang love story dahil bigla na lang nawala si Taru na parang bula. Dalawang taon ang lilipas, isang malaking balita ang nakarating sa kanya. Ikakasal na pala si Taru sa sikat ring singer na si Ara. Ang in...