💛 Chapter Thirty-Four 💛
HALOS ISANG ORAS LANG DIN ANG lumipas nang sabihin ni Marivic na dadarating si Jaypee sa hospital kasama ang mama niya. Halos hindi niya maipaliwanag ang kabang nararamdaman niya habang tinatanaw niya sa malayo ang kanyang Mama. Gustong-gusto na niyang yakapin ito dahil sa sobrang pagkamiss niya. Halos dalawang taon niya itong hindi nakita, tapos sa ganito sitwasyon pa. Hindi na rin niya mapigilan ang maiyak nang makita at marinig niya ang paghagulgol ng Mama niya.
"Anak, andito na si Mama! Gumising ka na!" Humahagulgol na sabi ng Mama niya.
"Mama..." Bulong niya. May nagtutulak sa kanya na sabihin rito ang totoo pero hindi niya alam kung magiging maganda ba ang maidudulot nito.
Hindi na kaya pa ni Lou ang kanyang nakikita kaya naman nagdesisyon na siyang umalis sa lugar na iyon. Natatakot siya na baka hindi na siya makapagpigil, at yakapin niya ito ng mahigpit.
"Sorry, Mama!" Bulong niya habang malalaking hakbang ang nilalaan niya papalabas sa naturang hospital.
Kasalukuyan na siyang naghihintay ng taxi nang may isang kulay pulang kotse ang biglang huminto sa harapan niya. At napakunot na lang ang noo niya nang makita niya ang nakakabatang kapatid ni Ara.
"Sabi na nga, dito ka pumunta!" Bungad nito sa kanya.
"Ha?" Maang tinignan niya ito.
"Sakay na!" Mariin nitong utos sa kanya.
"S-Sige..." Wala na siyang nagawa pa kungdi ang sumunod rito. Pagkasakay niya ay may nakita siyang isang babae na mukhang nerd!
"Madam Ara, bakit naman naisipang bumalik ng hospital?" May pag-aalalang tanong nito sa kanya.
"S-Sandali, sino ka?" Nagtatakang tanong niya rito.
"Siya si Miss Carla, ang manager mo," si Aether ang sumagot.
"Manager?" Nagtatakang tanong niya saka muli niyang tinignan ang naturang lalaki na siyang nagmamaneho ng sasakyan.
"Wala pa kasi akong lisensya kaya siya ang pinakiusapan kong magdrive sa akin," paliwanag ni Aether, "Kung hindi ko pa nakita na trending ka sa social media, hindi ko malalaman na umalis kan na pala ng bahay. At mukhang wala pang alam si Taru."
"Trending?" Maang tanong pa rin niya.
"Trending ang pagsakay mo ng Jeep, Madam Ara!" Si Miss Carla naman ang sumagot.
Nagpakawala ng marahas na hininga si Aether saka napasandal ito sa kinauupuan.
"Paano mo naman nalaman na nasa hospital ako?" Tanong niya rito.
"Basta alam ko!" Minsan pa siyang tinignan nito.
Napalunok si Lou dahil para kasing nagtayuan ang mga balahibo niya sa katawan dahil sa pagkakatingin na iyon ni Aether sa kanya. Para rin siyang may nababasa na kung ano sa mga mata nito.
"Alam mo?" Tanong niya rito.
"Oo," tugon nito.
Natigilan siya.
"Kaya magpakatino ka!" Banta nito sa kanya.
"Grabe, pinagbabantaan ako ng mas bata pa sa akin?" Siya naman ang napasandal sa kinauupuan niya.
Nakuha na siyang ihatid ni Aether at ni Miss Carla sa bahay nila ni Taru. Pero nagdesisyon na lang ang mga ito na hindi na papasok sa loob. Pero bago pa siyang pumasok sa loob ng kanilang bakuran ay nagawa pa siyang kausapin ni Aether.
"Paano mo nalaman?" Nagtatakang tanong niya rito.
"Hindi kasi ganyan ang mga tingin ni Ate kaya alam ko," tugon nito.
"Siya? Alam niya?" Tanong niya rito na ang tinutukoy niya ay ang manager ni Ara.
"Hindi," umaling ito, "Hindi ko alam kung paano nangyari. At anong rason kung bakit napunta ka sa katawan ng Ate ko. Pero nakikiusap ako sa'yo, habang nasa katawan ka niya, huwag kang gagawa ng anumang ikakasira niya."
Hindi siya kumibo.
"Lou Miranda ang real name mo diba?" Paniniguro nito.
Tumango siya, "Paano mo nalaman?"
"Iyon kasi ang pangalan ng babaeng nasagasaan ni Ate," tugon nito.
"So, alam mo na rin pala! Hindi ko akalain na hindi ka lang pala basta bata lang," komento niya.
"Sige na. Pumasok ka na sa loob," utos na nito sa kanya.
Nagawa na niyang pumasok sa loob. Pero bigla siyang napakislot nang bumungad sa kanyang paningin ang nakasimangot na mukha ni Taru.
"Where have you been?!"
"Ano'ng where have you been? Himala hinanap mo ako?" May halong panunubat niya rito.
"Alam mo bang pumunta rito ang Daddy at Mommy mo? Kakalabas mo lang ng hospital, pero gumawa ka na agad ng paraan para magpapansin!" Galit pa ring turan nito.
Natigilan siya, "A-Ano'ng sinasabi mo?"
"Attention seeker ka naman talaga," inis nitong turan saka siya nito mariin na tinitigan.
Napakuyom ang kamao niya dahil sa inis. Kung masungit na si Taru noong nasa highschool palang sila, parang naging triple pa ang kasungitan nito ngayon. Kahit pa hindi niya ito katawan na kinalalagyan niya, bakit parang nakakaramdam siya ng awa para kay Ara?
Hindi niya alam kung gaano na niya katagal tinitigan ng diretso sa mata si Taru hanggang mapansin niya ang pagbabago ng repleksyon ng mukha nito. Para bigla itong maguluhan.
"Sino ka?" Tanong bigla nito.
"Ano'ng sino ako?" Gulat rin niyang tanong rito, at nagsimulang kumabog ang dibdib niya.
"Parang ang laki ng pinagbago mo simula nang aksidenteng iyon!" Tanging nasabi nito.
Natigilan naman siya.
"Ah basta!" Bawi na lang nito, "Sa susunod, matuto kang magpaalam kung aalis ka ng bahay!"
Aktong magsasalita pa sana si Lou nang dinampot ni Taru ang isang kahon. Pagkaraan ay pabalang na inabot nito sa kanya.
"Teka, ano ito?" Gulat na tanong niya.
"Mga gamit mo!" Tugon nito saka na siya tuluyang tinalikuran.
Nagtatakang napatingin si Lou sa loob ng kahon. At nakita niya ang tatlong cellphone, isa ipad, at may laptop pa.
"Grabe, obsessed ba ang babaeng ito sa gadget? At tatlo-tatlo pa ang cellphone?" Gulat na gulat na sabi niya, at minsan pa siyang napangiwi nang makita niya ang kulay ng mga phone nito.
Pink?
"Masyado namang pabebe!" Bulong niya.
💛💛💛💛💛💛💛
BINABASA MO ANG
The Song Of Us
RomanceFirst love ni Lou si Taru. Naudlot ang kanilang love story dahil bigla na lang nawala si Taru na parang bula. Dalawang taon ang lilipas, isang malaking balita ang nakarating sa kanya. Ikakasal na pala si Taru sa sikat ring singer na si Ara. Ang in...