Chpater 49

4 0 0
                                    

💛 Chapter Fourty-Nine 💛

KINABUKASAN, NAGISING SI LOU NA yakap-yakap ni Taru. Kapwa rin silang walang suot na mga damit kaya damang-dama niya ang pagkakadikit ng kanilang mga balat. Hindi na alam ni Lou kung ilang beses na nila ni Taru narating ang paraiso. Kakaiba rin ang nararamdaman niya ngayong umaga..

Dahan-dahan siyang napabangon, at bahagya niyang nilihis ang kanyang katawan kung saan nakita niya ang pulang mantsang naiwan niya. Palatandaan ng kanyang pagsuko.

Malinaw sa kanyang alaala ang mga nangyari. Naramdaman niya ang bawat haplos at halik sa kanya ni Taru kagabi. Maski ang kirot nang maramdaman niya ang pagpunit ng kung anong bagay sa kanyang kalooban.

Ibig sabihin siya talaga ang nakaranas iyon.

Siya na ba talaga ang nagmamay-ari ng katawan nito? Kailangan na ba niyang tanggapin ang lahat?

"A-Ano'ng problema?" Sita sa kanya ni Taru.

"Ang mga nangyari kagabi, malinaw na malinaw sa alaala ko. Ibig sabihin ako iyon, at hindi si Ara," tugon niya, "Kasi may napanuod akong Kdrama. Nangyari ang eksenang bedscene, pero hindi iyon naalala ng bida."

Napapakamot ng ulong bumangon si Taru, "Hindi ko gets. Pero ang alam ko lang, hindi mukha ni Ara ang nakita ko kagabi, kungdi ang mukha mo, Lou."

"Seryoso ka?"

"Akala ko nga namalik-mata ako," katwiran nito.

"Talaga ba? Mukha ko talaga ang nakita mo kagabi? Hindi mukha ni Ara?" Mariin niyang tinitigan ito, sabay ang paghawak sa mga braso nito. Pero dahil sa ginawa niya ay nahulog lang ang kumot na pinagtatapis niya sa kanyang katawan.

"Siguro kung ano ang pinagsasalamat ko? Hindi ka sa katawan ng lalaki, lumipat!" Anito habang titig na titig sa katawan niya.

Natigilan siya, "Sira ulo ka!" Aniya saka niya dinampot ulit ang kumot para itapis ulit sa kanyang katawan. Pero nagulat siya nang hawiin iyon ni Taru, at mabilis siya nitong kinabig pahiga ulit sa kama.  Pagkaraan ay muli siya nitong hinalikan sa kanyang mga labi.

"S-Sandali..." Awat niya rito, "...wala ka bang pasok ngayon sa Lyrica?"

"Mayroon pero aabsent ako! Dahil ngayong araw, maghapon tayong magkukulong sa kuwartong ito!" Pilyong turan nito.

Muli namang napaliyad si Lou nang maramdam niya ang pagpasok ng sandata ni Taru sa kanyang kayamanan. Naramdaman niya kung gaano ito katigas nang umagang iyon.

Sa muling pagkakataon ay muling sinuko ni Lou ang kanyang sarili kay Taru. Susulitin na niya ang pagkakataong ito habang nasa katawan pa siya ni Ara. Kung ganitong paraan na lang niya ipaparamdam kay Taru kung gaano niya ito kamahal ay gagawin niya.

Halos kapwa na sila humahangos nang muli nilang narating ang paraisong pagmamay-ari nilang dalawa.

Dinig na dinig na rin ni Lou ang malakas na pagkabog ng dibdib ni Taru habang mahigpit siyang yakap nito.

"Lou, mahal na mahal kita!" Bulong nito.

"Mahal na mahal din kita!" Turan niya.

Nasa ganoong silang senaryo nang makarinig sila ng sunud-sunod na pagkatok sa pintuan.

"Ma'am Ara! Ma'am Ara! Andito po ngayon ang Daddy ninyo!" Biglang sabi ni Inday.

Dahil sa kanilang narinig ay dali-dali na silang kumilos ni Taru. Nagmamadali nilang inayos ang kani-kanilang sarili.

"Ano'ng ginagawa ng Daddy mo ngayon rito?" Nagtatakang tanong ni Taru habang nagmamadali itong nagbibihis.

"H-Hindi ko alam!" Natatarantang tugon na rin niya habang pinupunasan niya ng baby wipes ang kanyang mukha.

Nang makompirma nilang okay na silang dalawa ay kapwa na sila lumabas ng kuwarto ni Taru. Magkahawak pa nga ang mga kamay nila nang humarap sa Presidente ng Lyrica.

"Dad, A-Ano po ang ginagawa po ninyo rito?" Kinakabahang tanong ni Lou. At kahit alam na niya ang katotoohanan ay naiilang pa rin siyang tawag itong Daddy.

"Ano ba ang pinaggagawa mo nitong mga nakaraang araw, ha? Ara? Hindi mo ba na ilang beses na kitang tinatawagan?" Galit na tanong nito.

"S-Sorry po, kasi hindi ko po nacheck ang cellphone ko simula pa kahapon," katwiran niya, "P-Pasensya na po."

Napakunot ang noo ng lalaki sabay ang tingin nito kay Taru, "Alam n'yo ba kung ano ang kumakalat na issue ngayon?"

Nagtatakang nagkatinginan silang dalawang ni Taru dahil wala silang ideya kung anong isyu ang tinutukoy nito.

Inabot na lang ni Mr. Richard ang hawak nitong cellphone. Nagtatakang kinuha naman iyon ni Taru.

Nakisilip na rin roon si Lou. At ganoon na lang gulat niya nang mabasa ang isang article tungkol sa kantang kakarelease lang ni Ara.

Napakuyom ang kamao ni Lou. Dahil sa sunud-sunod na nangyari kahapon sa kanya kaya nakalimutan na niya ang mission na pinagawa niya kay Marivic.

"Totoo bang, hindi ikaw ang sumulat ng kantang iyan? Ara?" May himig na galit na tanong ni Mr. Richard sa anak, "Nakalahad sa comment ng unknown person na iyan kung paano nagawa ang kantang iyan! At ang totoong sumulat ng kantang iyan ay si Lou!"

Hindi nakakibo si Lou. Diba, ito naman ang plano niya? Ilabas ang katotohanan tungkol sa kantang iyon. Bakit parang nakaramdam siya ngayon ng takot?

"Paano mo nakuha ang kantang iyon?" Seryosong tanong nito.

"Ang totoo po iyan, Dad--"

Naputol ang pagsasalita dapat ni Taru nang biglang lumuhod si Lou. Na siyang kinagulat ng dalawang lalaki.

"Sorry po! Pero ang totoo po iyan, ninakaw ko ang kantang iyon kay Taru!" Pag-amin niya.

Natigilan naman si Mr. Richard at saka ito napakunot ng noo. At saka muli itong tumingin kay Taru, "T-Totoo ba ang sinasabi niya?"

Tumingin muna si Taru kay Lou.

Pero sinenyasan lang ni Lou si Taru na sabihin ang totoo.

"Opo," tugon ni Taru, "Noong panahon iyon, nakatago ang pyesa ng kantang iyon sa music room ko. Tapos nagulat na lang ako na bigla itong nawala. Nagsumbong sa akin ang isa kong kasambahay na si Ate Openg na pumasok roon si Ara."

Nanlaki ang mga mata ni Lou sa kanyang narinig.

"Kaya rin niya pinatalsik si Ate Openg dahil sa pagsusumbong nito sa akin," dagdag ni Taru na lalong kinagulat ni Lou.

"So, iyon pala ang totoo?" Bulong niya sa kanyang isipan, "Napakasalbahe naman talaga nitong babaeng ito eh! Saka--"

Hindi na natuloy ni Lou ang pag-iisip tungkol sa dating kasambahay ni Taru na si Ate Openg dahil binigyan siya bigla ng malutong na sampal ng kanyang Daddy. At dahil sa pagkabigla, napasubsob siya sa sahig.

"Dad!" Gulat din ni Taru saka siya nilapitan nito.

💛💛💛💛💛💛💛

The Song Of UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon