Chapter 52

4 0 0
                                    

💛 Chapter Fifty-Two 💛

NANG IDINILAT NI LOU AY kanyang mga mata ay natagpuan niya ang kanyang sarili na nakatayo sa isang madilim na lugar.

"Lou..."

Sinubukan niyang lumingon para alamin kung sino ang tumatawag sa kanya. At sa kanyang paglingon ay nakita niya ang katawan ni Ara na nakatayo sa harapan niya.

"Ara?!" Gulat niya saka niya sinubukan tignan ang sarili niyang kamay, "Nagbalik na ako? Nagbalik na ba ako sa sarili kong katawan?"

"Lou..." Tawag sa kanya ni Ara saka nito hinawakan ang kanyang kamay.

Gulat siyang napatingin rito.

Nagsimulang gumuhit ang ngiti sa mga labi nito, "Thank you and sorry for everything!"

"A-Ano'ng sinasabi mo?" Naguguluhan niyang tanong rito.

"Sorry kasi pinagtangkaan kitang patayin! Sorry talaga kasi ang laki ng inggit ko sa'yo! Pakiramdam ko kasi inaagaw mo ang lahat sa akin! Kaya hiniling ko na sana ay magkapalit tayo ng katawan!"

Natigilan si Lou sa kanyang mga marinig.

"Ang buong akala ko, kapag nagpalit tayo ng katawan ay makukuha na akong mahalin ni Taru! Pero nagkamali ako! Kasi kahit nasa katawan kita, nakuha ka pa rin niyang makilala!" Nagsimulang tumulo ang mga luha nito.

Nakaramdaman ng awa si Lou para kanyang kapatid kaya naman ay nagawa na niyang yakapin ito.

"Sorry talaga!"

"Shhh..." Saway niya rito, "...wala na sa akin iyon. Sa totoo lang gusto kitang pasalamatan dahil natupad ang mga pangarap ko gamit ang katawan mo! Tinupad ko ang pangako ko kay Aether, hindi ko sinira ang pangalan mo. Dahil ang totoo, idol kita! Matagal mo na akong fan!"

"Lou," mariin siyang tinitigan nito, "Sa totoo lang binigyan lang ako ng chance ni God para ayusin ang lahat, at habang nasa katawan mo ako marami akong narealize. Naramdaman ko ang tunay na pagmamahal sa'yo ng Mama mo! At nakita ko kung paano mo rin pakisamahan ang Mommy ko."

"Si Mama namimiss ko na siya!" Pag-amin niya.

"Don't worry...." Tinapik ni Ara ang kamay niya, "...makakasama mo na siya."

Gulat siyang napatingin rito, "Babalik na ba sa dati ang lahat? Babalik na ba ako sa katawan ko?"

Tumango ito.

"Paano ang baby ko-- I mean..." hindi na niya naituloy ang kanyang sasabihin nang maalala niya ang kanyang anak, "--Ang b-baby...."

"Ang baby ninyo ni Taru," agaw nito sabay ito ngumiti, "Lou, nasa katawan ko siya pero ikaw ang ina niya."

Natigilan siya.

"Ingatan mo siya, Lou!" Ngumiti si Ara.

"S-Sandali, hindi kita maintindihan!" Aniya pero nagawa na siyang bitawan ni Ara, "Ara!"

"Yung gabing iyon, sa ating dalawa ako talaga ang naging kritikal ang lagay dahil pagkatapos kitang masagasaan ay dumiretso ang sasakyan ko sa poste ng kuryente sanhi para napitpit ang unahan ng sasakyan ko!" Muling tumulo ang luha nito, "Pero binigyan ako chance para iayos ang lahat. Tapos muli kong hiniling kung sakaling mabubuhay ako muli gusto ko kasama ko na kayong dalawa ni Taru."

The Song Of UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon