💛 Chapter Fifty-Three 💛
"NASAAN ANG BABY KO? PLEASE, tell me? Nasaan siya?" Nagmamakaawang tanong ni Lou sa kanyang kaibigan. Nagawa pa niyang hawakan ang mga braso ni Marivic.
"Kumuha ng private room si Taru para sa baby ninyo," tugon ni Fatima, "Naka incubator siya ngayon."
"Sabihin ninyo, saang hospital? Dito rin ba?" Tanong niya rito.
Tumango si Marivic, "Nasa second floor! Room 209."
Pagkarinig niya ng Room Number kung nasaan ang kanyang anak ay dali-dali na siyang tumayo. Pero sadyang nanghihina pa rin siya. Akala niya ay muli siyang babagsak pero naging maagap ang kanyang Mama.
"Gusto kong makita ang anak ko, Ma!" Umiiyak na pakiusap niya.
"Sige," tumango ito.
Kahit wala pa silang pahintulot ng doctor ay nagawa na siyang alalayan ng kanyang Mama papalabas ng kanyang kuwarto.
Kumuha naman si Fatima ng wheel chair para maging madali sa kanila ang pagpunta nila sa private room ng kanyang anak
Nang marating na nila ang nasabing kuwarto ay hindi na nagdalawang-isip si Lou na pumasok roon. Nakita niya si Aether na kasalukuyang nagbabantay roon.
"Ate Lou..." Gulat nito nang makita siya.
"Aether!" Gulat din niya at hindi siya nagdalawang-isip na yakapin ito.
"Wala na si Ate Ara! Iniwan na niya tayo!" Umiiyak na sabi nito.
Tinapik-tapik niya ang balikat ng kapatid bilang pag-alo rito. Sa muling pagkakataon ay tumulo ang kanyang luha. Pero napukaw ng kanyang atensyon ang isang incubator.
Kumabog ng malakas ang dibdib niya. Tama ang sinabi ni Ara, siya ang ina ang bata kahit sa katawan nito ito inilabas. Nakaramdam siya kagaad ng kakaibang kaba nang masilayan niya ang maliit na sanggol sa loob nito.
"Ang anak ko!" Umiiyak niyang sabi habang may ngiti na sa kanyang mga labi. Nakaramdam agad siya ng tinatawag na lukso ng dugo.
"Babae siya, ate..." Turan ni Aether, "...Napaginipan daw ni Kuya Taru si Ate Ara bago ito tuluyang nawala. Sinabi ni Ate na isunod sa kanyang pangalan ang bata."
"Bago rin ako nagising napaginipan siya," kwento niya, "Hiniling niya na kung magkakaroon siya ng panibagong buhay, gusto niyang kasama niya kaming dalawa ni Taru. Sinabi rin niya na magkikita ulit kaming dalawa."
"I'm sure, ito na ang tinutukoy ni Ate..." Ani Aether, "Siya si Ate Ara. Alam mo kung bakit? Yung balat sa kaliwang tagiliran ni Ate, kuhang-kuha niya!"
Muling tumulo ang luha niya, "Tama ka! Si Ara nga ito!" Pagsang-ayon naman niya dahil nakita rin niya ang naturang balat na tinutukoy ng kapatid.
"Hindi talaga tayo iniwan ni Ate," tinapik-tapik ni Aether ang kanyang balikat.
Nasa ganoon silang senaryo ni Aether nang bumukas ang pintuan. At iniluwa roon si Taru. At tulad ng naging reaksyon ni Arther kanina, nagulat rin ito nang makita siya.
"Bumalik na ako sa tunay kong katawan," nakangiting turan niya rito.
"Lou?!" paniniguro pa nito.
"Ako nga!" Ngumiti siya, "At malinaw na malinaw sa alaala ko ang lahat ng nangyari! Kaya si Baby, anak ko si--" hindi na niya natapos ang kanyang sasabihin nang bigla siyang niyakap ni Taru.
"I'm glad you're awake!" Mangiyak-ngiyak na turan nito, "Thanks God bumalik ka na!"
"Hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala sa mga nangyari," aniya.
"Maski ako!" Nakangiting turan ni Taru.
"Hindi ko naiintindihan kung anong nangyayari. Pero masaya akong nakikita kong masaya ang anak ko," nakangiting turan ni Mrs. Lily.
Lumipas ang ilang mga araw, himalang naging mabilis ang recovery ni Lou. Kaya naman wala pang isang buwan ay nadischarge na siya sa hospital. Pero halos araw-araw pa rin siyang bumibisita sa hospital para sa kanyang anak. Ginaganapan niya ang pagiging ina nito. Sa katunayan, siya ang nagpapabreast feed rito.
Nagawa na rin niyang kausapin ang kanyang Mama sa isang restaurant. At pinagtapat niya rito ang mga nangyari. Ayaw pa sana nitong maniwala.
"Iyon ang katotohanan, Ma..." Aniya matapos niyang ipaliwag rito ang mga nangyari sa kanya, "...kaya kahit hindi ako ang nagluwal sa bata, ako pa rin ang ina niya."
"Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala!" Komento nito sabay ang pag-inom ang tubig.
"Maniniwala pa po ba kayo kung sabihin kong kilala ko na ang tunay kong ama?" May himig na paghahamon niyang tanong rito.
Napakunot ang noo ng kanyang mama.
"Actually, andyan na siya ngayon!" Nakangiting sabi niya saka siya napatingin sa main entrance.
Napalingon na rin roon ang kanyang Mama. At bumakas ang gulat sa mukha nito nang makita ang pagpasok ng Presidente ng Lyrica Company.
Pormal na lumapit sa kanila ang lalaki, "Pasensya na late ako."
"Okay lang po, Papa!" Nakangiting sabi niya na siyanh kinagulat ng dalawa, "Alam ko na po ang katotohanan. Maupo po kayo Papa!"
Pinaunlakan naman iyon ng kanyang Papa.
"Masaya ako na nabigyan ako ng pagkakataon na malaman ang katotohanan," ngumiti siya, "Thank you po Papa..." Nakangiting tinignan niya ang kanyang ama, "...ang buong akala ko, inabanduna mo ako. Nalaman ko, lihim mo pa rin po pala akong sinusuportahan."
Tumikhim naman ang kanyang ama. Hindi niya alam pero nahalata niyang nahiya ito bigla, "Pero paano mo nalaman?" Nagtatakang tanong nito.
"Si Ara," tugon niya, "Siya ang nagsabi sa akin."
Hindi nakakibo ang lalaki, at bumakas sa mukha nito ang lungkot nang marinig nito ang pumanaw na anak.
"Papa..." Nagawa niyang hawakan ang kamay nito, "...kaya rin ako naglakas-loob na sabihin sa iyo ang totoo dahil gusto ko sanang ituloy ang pangarap ng kapatid ko. Gusto ko rin pong sumunod sa yapak ng kapatid ko."
"Pero..." Pagtutol ng kanyang Mama
"Please, Mama..." Nakikiusap niyang tinignan ito, "...alam kong hindi magiging madali, pero gagawin ko ang lahat."
Nagpakawala na lang marahas na hininga ang Mama niya, "Sige, gagawin ko rin ang lahat ng makakaya ko para suportahan ka!"
"Salamat po Mama!" Ngumiti siya.
"Susuportahan rin kita sa mga pangarap mo, anak!" Segunda ng kanyang Papa at saka siya nito nginitian.
💛💛💛💛💛💛💛
BINABASA MO ANG
The Song Of Us
RomansaFirst love ni Lou si Taru. Naudlot ang kanilang love story dahil bigla na lang nawala si Taru na parang bula. Dalawang taon ang lilipas, isang malaking balita ang nakarating sa kanya. Ikakasal na pala si Taru sa sikat ring singer na si Ara. Ang in...