Nang makadating na ang tricycle sa harap namin ay nakahinga ako ng maluwag.. Akala ko yung mga demonyo na.."saan kayo pupunta mga ining?? sa bayan ba??!..." tanong ni manong driver.. Natuwa naman ako,, ibig sabihin may bayan na dito??
Siguro malalaman ko na ang papuntang bahay kung may bayan..
"ahh,, opo manong eh,, pero wala kaming pangbayad..." nahihiyang sabi ko... Ngumiti naman siya...
"naku ayos lang yun iha,,, pupunta din naman ako sa bayan..." nakangiting sabi ni manong driver... Natuwa naman ako at sa wakas,, makakaalis na kami dito...
Tiningnan ko naman si phanie,, at bakas sa muhka niya ang takot at kaba.. Nang tumingin ako sa tinitingnan niya,,,, nakita ko sila meril,, naglalakad kasama ang isang sasakyan....
Hinila ko si phanie at sumakay sa tricycle,, pero bago kami makasakay,, nakita kami ni meril....
"kuya,, pakibilisan ho,,, kasi may humahabol samin na mga demonyo!! dali ho baka maabutan tayo!!!" panic na sigaw ni phanie... Loko to,, demonyo talaga??! Well,,, parehas lang kami ng pag iisip!! Masabayan nga...
"opo manong!! delikado na ho tayo... Binisan niyo po..." sabi ko,, pero kabang kaba na ako... Pano pag naabutan kami?? Eh lagot kami!!..
Kahit nagugulohan si manong driver sinunod nalang kami at pinaandar ang tricycle ng sobrang bilis!!...
"teka nga lang iha,,, ano ba talaga ang nangyayari sa inyo??!!!.." tanong ni manong driver....
"may humahabol po sa amin at gusto nila kaming patayin,, kaya tumakas kami!!!!..." pasigaw kong sabi para marinig ni manong driver....
"Ate!! Si kuya jeff nasa bintana may baril!!!.." panic na sigaw ni phanie...
"Ano??!!.." sigaw namin ni manong driver...
Third Person's PoV
At dahil sa inis nila meril ay inutusan nito si jeff na kumuha ng baril para barilin ang tricycle driver!!..
Nagpapanic na ang tatlo sa tricycle dahil kapag tinamaan sila mayayari sila...
"iha,, kumalma lang kayo ha,, humawak kayo ng mabuti..." panic na sabi ng tricycle driver at pinatakbo ng sobrang bilis ang tricycle... Halos full speed na ito...
At dahil highway,, di sila mahihirapan... Habang sila ay palayo ng palayo,,, palapit ng palapit naman ang sasakyan nila meril...
BANG!!! BANG!!!!
"Ahhhh!!!! ate!! malapit na sila!!.." sigaw ni phanie...
Pinakalma naman ni dallanciey ang kanyang kapatid at tinanong ang tricycle driver,, pero maayos ang lagay nito at tutok na tutok sa pag mamaneho kaya nanatiling kalmado siya...
Halos manggigil na silang lahat dahil hindi nila natamaan ang tricycle driver,, dahil sobrang mailap ang tricycle driver sa pagmamaneho....
"bwiset!!!" bulalas ni jeff... Binaril niya pa uli ang tricycle pero ang bilis ng pag kailag nito...
Malapit na sila sa bayan at madami ng tao doon at mga sasakyan...
Nang makadating ang magkakapatid sa bayan ay agad silang bumaba at nagpaalam sa tricycle driver....