Chapter 15 - New Work To Do!

1.6K 40 0
                                    


Time check : 6:00am

Okay, kailangan ko ng bumangon, para simulan ang bago kong trabaho... pagkatapos kong iligpit ang higaan ko, at sa pag aayos ng sarili ko ay,, tinawag ako ng matandang lalaki, di ko kasi alam pangalan nya..

  "Pumunta ka sa labas, at dun tayo mag uusap tungkol sa gagawin mo dito sa bahay.." sabi nya.

  " ok po.. " sagot ko at pumunta na sa labas, pagkalabas ko, nakita ko na nandoon ang matandang babae,,

  "good morning po.. "bati ko sa kanya.

   "umupo ka na dito! " sabi nya at umupo naman ako..

"Ang gagawin mo sa umaga, ay ipagluto kami ng almusal, pagkatapos nun, kakain kana din, para maligpit ang pinagkainan, namin.. pero, pagkatapos naming kumain, dun ka lang kakain! gets mo?!"

   " opo.."

  "at pagkatapos nun,, maglinis ka ng buong bahay,, dahil malaki ang bahay nato,, hati hatiin mo lang, una, dito sa sala, pangalawa, sa kusina at cr, pangatlo, sa kwarto namin, pang-apat, dito sa labas, and lastly, yung garahe.. yan ang kailangan mong linisin! at araw araw mong dapat gawin yan!! para walang alikabok!! dahil bawal ako dun!! pagkatapos mong maglinis, magprepare ka na para sa tanghalian, at matapos mong gawin yun,, kakain na kami,  pagkatapos naming kumain, iligpit mo na ang pinagkainan namin, at pagkatapos nun, pwede kanang magpahinga, at babalik ka sa pagtatrabaho kapag alas tres na!!  sa ganon, diligan mo ang lahat ng halaman, mula dito, hanggang sa labas,  naiintindihan mo??

     "opo..."

"maglaba ka din kapag nakita mong may labahan, at kapag maliligo ka, wag kang maligo sa banyo.. dun ka sa likod ng bahay, sa may nilalabhan..  at wag mo ihalo ang plato mo sa amin.. may sarili kang plato, at wag na wag mong gagamitin ang plato namin! 3k every month, day off mo linggo..  at dahil pumapasok ka tuwing sabado, gagawin kong sabado ang day off mo.. ok??"

"okay po.."

"at ayoko na nagpapapunta dito ng kaibigan, classmates, or boyfriend... kapag araw ng trabaho mo, bawal kang lumabas, lalabas ka lang kapag uutusan ka namin, at kapag papasok ka! gets?? yun lang! makaka alis kana, at simulan mo na ang trabaho mo!! "

  "ok po.." sagot ko at nagsimula ng magtrabaho.. grabe, ang daming bawal.. pero naiintindihan ko naman, at para walang gulo, dapat kong sundin lahat yun!

  First, lutuan sila ng pagkain, so, nagluto na ako ng almusal nila, at inihanda sa lamesa..

  Tinawag ko na sila para kumain, dahil nakahanda na ang kakainin nila.. Kumain naman na sila, habang kumakain sila, nagulat ako ng sumigaw si old woman..

" bat ganito ang lasa ng itlog?! " sigaw nya.

  "uhh, bakit po mam?!  "

"ang alat!! pwede wag mo damihan ng asin o anomang nilagay mo sa itlog nato?! bawal ako sa maaalat na pagkain kaya, matutu kang, mag timpla, ng konting asin lang ang ginagamit!! naiintindihan mo?! " sigaw nya.. konti lang naman nilagay ko ahh, magic sarap lang naman nilagay ko at hindi asin... tsaka konti lang nilagay ko dun sa itlog!! hmm,, siguro nasanay sila sa konting lasa lang,,

   "at itong kanin,, basain mo na konti,, kasi ang tigas!! ano ba to!! nick, ikaw nalang kaya magluto! ayoko ng luto nya!!  ang pangit!!"

  "osige... basta kumain kana!! "

 " Ayoko nito!!!.. ipakain mo lahat sa kanya yan!!! ayaw ko ng kumain!! " galit na sabi nya at ibinalibag ang pagkain nya, kaya natapon ang pagkain nya...  grabe,, ganito ba talaga ang matatanda?!  parang bata lang umasta?!

   "kainin mo yang niluto mo!!  ayaw na namin kainin yan!! " sabi ni sir..  and yes! mam and sir nalang itatawag ko sa kanila.. pero wait,,  ano daw?! kakainin ko lahat ng hinanda ko?! bakit??

  "uhh, sir bakit po?? "

"bingi ka ba?! syempre ayaw namin ng luto mo! kaya, ikaw nalang kumain nyan!!" sigaw ni sir sakin.. ganon ba kapangit ang luto ko, kaya grabe sila makagalit sakin?! di ko naman alam na bawal sa kanila ang maalat, tsaka di naman maalat yun, konti lang naman nilagay ko dun eh, hayy...

  Wala na pala sila, siguro pumasok na sa kwarto nila.. hayy.. sorry po.. first day ko pa man din sa kanila.. first day palang napagalitan na ako agad...

  Wala akong nagawa kondi kainin ang mga pagkain na hinanda ko sa kanila,, sayang naman kasi yun!!  Pagtikim ko ng itlog, di naman maalat ahh,, as in hindi talaga!!  ano yung gusto nila?! walang asin?? siguro ganon, lite lang na pagkakaluto...

Pagkatapos kong kumain, niligpit ko na ang mga plato, at pagkaing kumalat dahil sa pag tapon ni mam..  Kaya ng matapos ko yun,  nagsimula na akong maglinis..

  Una daw sa sala,, kaya nilinisan ko na, nagmop, nag punas ng, bintana, tables, tv, figurines, at iba pa!!  Next! sa kusina, kaya nilinisan ko na din yon! next! sa kwarto nila ni mam and sir! 

  So, kumatok muna ako, at binuksan naman nila yun!

"yung  cr mo na linisin mo! " sabi ni mam.

   "ok po, at tinungo ang cr!  grabe ang ganda! pero madumi at makalat! kaya nilinis ko na at niligpit!  matapos sa banyo, nagmop ako, nagpunas punas! at shinggg!! natapos na! aalis na sana ako ng magsalita si mam,

    " kapag nalilinis ka pwede pakitali ng buhok mo, kung ayaw mo, ako ang gugupit nyan! wag mong ipakita ang muhka mong nakalugay dahil ako mismo ang gugupit nyan!! naiintindihan mo?! "

  "opo.. sorry po,. di na mauulit!!" sabi ko at tuluyan na akong umalis!! 

Pagkalabas ko, tinali ko agad ang buhok ko, at nagpatuloy na sa mga gawain!!

~~~~~

Ngayon? gabi na!! at tinutulongan ko si sir magluto, at ng pinagmasdan ko ang ginawa nya,  sobrang konti lang ang nilagay nya,  1/4 lang ng kutsara.. grabe!! may lasa pa kaya yang sinigang??!  and yes!! sinigang ang niluluto nya! nung naglagay din sya ng sinigang mix, 1/4 lang din ng kutsara, may lasa pa kaya ang ganon??!

So, natapos na ang pagluluto ni sir, na dapat ako ang nagluto,, pero, ano ang magagawa ko, kong ayaw nila ng luto ko?! kaya, tinulongan ko nalang si sir.. 

Ng matapos na, kumain na sila.. At Nung matapos na silang kumain,, niligpit ko na ang pinagkainan nila..

So, ito ako ngayon, kumakain, tinikman ko ang sinigang na niluto ni sir,,, O_O  shocks,,,  grabe! ang tabang!! kaya kumuha ako ng asin, yun pala ang lasa na gusto nila! ngayon, alam ko na..

******
   Nandito na ako sa kwarto,, gabi na kasi,, magpapahinga na ako.. Grabe, kapagod,, hayy,, pero teka?? ilang araw ko na palang hindi nakikita ang cellphone ko,, asan na kaya yun??! ilang araw na ding di ako nakakacellphone,, busy kasi ako sa pagtatrabaho eh,, pero, teka, asan na ba talaga yun?!  Hinanap ko na pero wala talaga,, luh,, pano na ako nito?! di ko na makakausap si tita, o si donna,, oo nga,, speaking of donna? namimiss ko na sya!! sobra!! huhuhu,, kamusta na kaya sya?! hayy,, makatulog na nga lang,,, antok na ako eh,,, ano na naman kaya mangyayari bukas?! Ah,, basta bahala na,, si god nalang bahala,,  Hindi ko namalayan naka tulog na pala ako...

        * LOVELOTS READERS*



         •Starlight Princess•






 









My Time To RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon