Chapter 60 - Ending

1.9K 34 2
                                    

2 Months Later...

  Nandito kami ngayon sa isang lugar na kung saan pini-picnikan.. Gusto kasi nila Tita  Analie na bago ako umalis, mag-bonding daw muna kami..

Babalik na kasi kami ni mommy sa America, kailangan na ako doon ng mga kompanya ko..

Kaya, bago daw muna ako bumalik sa America, mag-picnic daw muna kami, at ito na kami ngayon.. Nagpi-picnic..

  "bago ang lahat! Picture picture muna tayo!!"  sigaw ni Debbie at kinuha ang camera niya.. At dahil may kasama kaming isang katulong, ang katulong na ang nag-picture sa amin..

Ang daming caption din yun! Si Debbie pa.. Pero, okay lang din naman.. Para may mga remembrance..

Pagkatapos naming magpa-picture ng napakadami,, kumain na kami.. Ang saya na naman ngayon, magkasama na naman kami,, siguradong mapupuno ka sa tawa..

Pero kahit malayo kami ni mommy sa kanila, tatawag padin kami.. Pwedeng kami ang pumunta dito at pwedeng sila ang pumunta doon..

Kaya, hindi naman siguro sila malulungkot.. At ang kompanya nila Tita Analie ay nabalik na.. Naiangat na nila ulit..

Habang kumakain kami at nagtatawanan, nahagip ng mata ko ang isang puno na may tao na nakatingin sakin.. At alam na alam ko kung sino yun..

Si Ethan.. Ngumiti siya sakin kaya ngumiti ako.. Pagkatapos nun, unti unti siyang naglaho.. Kahit nasaan pala ako, nandoon din siya..

Alam kong binabantayan niya ako.. Kaya, kahit wala kana Ethan, nakatatak ka padin sa puso ko.. Hinding hindi kita makakalimutan..

******

  "Beatrisse, halika na.."   sabi ni mommy. Nginitian ko nalang siya at hinila na ang maleta ko..

Ngayon na ang flight namin papuntang America.. At hindi namin alam kung kelan kami makakabalik dito.. Sobrang mami-miss ko ang pilipinas...

Nang makasakay na kami sa sasakyan na maghahatid samin, agad na itong umandar at tinungo ang airport..

Pagkadating namin sa airport, nakita ko sila Tita Laida doon kasama sila Tita Analie.. Pagkababa namin sa kotse, ito na naman ang mga flash ng camera, hindi nawawala..

Syempre, aalis na kami, kaya, yung mga reporters, hindi magpapahuli..

"huhuhu,, mami-miss ka namin.."  naiiyak na sabi ni Debbie.. Kulit talaga nito.. Haha..

"Syempre ako din nu!.."  sabi ko naman.. Parang maiiyak pa ako sa kanila ah?!.. Ang drama kasi..

"Ingat ka doon Beatrisse ah?.. Mami-miss kita.."   sabi naman ni Tita Analie at niyakap ako.. Huhuhu. Kaiyak!

  "Ba-bye Beatrisse.. Ingat ka doon!.. Sobrang mami-miss din kita.."  naiiyak din na sabi ni Lyn..

"hahaha!!.. Ano ba?!.. Magkikita pa naman tayo! Makapag-react naman kayo, parang hindi na ako makakabalik..."   sabi ko at pinunasan ang luha na lumabas sa mata ko.. Kita niyo? Napaiyak tuloy ako sa drama nila..

"ah! basta mami-miss ka namin!!.. Huhuhu.."  sabay na sabi nila Tita Analie...

"Uuwi pa naman ako dito! Yun nga lang di ko alam! Busy kasi doon eh! Marami akong inaasikaso... Kayo nalang din, pumunta kayo doon!.."  sabi ko at ngumiti..

"osige ba!!.."  sabi ni  Debbie at pinunasan ang luha niya..

"Ano ba!! Tama na nga tong drama natin!! Magkikita pa naman tayo eh!! Makita pa tayo ng mga reporters dito eh! Muntanga tayo dito!!.."   pabirong sabi ni Lyn, kaya napatawa nalang kaming lahat...

Nakita ko namang wala si Mommy at Tita  Laida kaya nagulat ako..

"asan sila mommy at Tita Laida?.."  tanong ko kila Tita Analie pero hindi nila alam..

Pumasok kami sa loob nitong airport at hinanap sila mommy, pero hindi namin sila nahanap.. Asan na sila..

Maya maya, habang naglalakad kami, nakita namin sila Tita Laida.. Umiinom ngcoffee habang nagtatawanan... Kita mo tong mga to! Nagsosolo ng kaligayahan...

Nang makita namin sila,, agad kaming pumunta at humarap sa kanila..

"nagsosolo na kayo!! Ganon?!.."  pagalit kong sabi at sumimangot.. Pero, sila? Tumawa lang.. Hala! Anong nangyari sa kanila?..

"natapos na kayo sa drama scene niyo?!."   sabi ni mommy at tumawa na naman sila ni Tita Laida..

"eh? Kesa mami-miss namin ang isat isa eh!! Bakit ba?!.."   singhal naman ni Debbie kaya lalong natawa sila mommy..

"kaya kami nagsolo dito, eh dahil sa ang drama niyo!. Magkikita pa naman kayo, tas kung maka-react kayo, kala niyo forever na kaming hindi uuwi.."   sabi ni mommy at uminom ng coffee..

"so, dapat nagsosolo ganon?.."   sabi ko at umupo sa tabi nila..

"Oo! Hahaha!..  Tingnan niyo kami, kahit hindi namin alam kung kelan kami magkikita ulit, eh masaya kami at hindi malungkot.. Kasi, lalo lang namin mami-miss ang isat isa!.."  paliwanag ni Tita Laida at tumawa na naman sila.. Hindi kaya ma-over laugh na sila?.. Naku! Baka mabaliw pa sila.. Tsk! tsk!

"alam mo Beatrisse,, bumalik kana sa dati,, yung Dallanciey noon??.. Kahit may konting naiba, atleast bumalik ang dating ikaw!. Hindi yung Fierce na Beatrisse na nakakatakot.. "  sabi ni Tita Laida, kaya napaisip ako.. Oo nga nu?!.. Hindi ko namalayan.. Ako na ulit ang masiyahin na Dallanciey...

"Osiya, halika na! Nandiyan na yung airplane natin!.."  sabi ni mommy at tumayo na sa pagkakaupo niya..

"oh bye bye na!.. Magkikita pa naman tayo eh!.. Yun nga lang, hindi natin alam!.."  sabi ni mommy at ngumiti..

"sige! Alis na kami!.."  sabi ko at tumayo na..

"paalam! mag ingat kayo!.."   sabay na sabi nila at kumaway kaway.. Kaya, ngumiti kami at kumaway kaway..

Kahit saan man kami mapadpad, alam naming hindi namin makakalimutan ang bawat isa..

Kung aalis man kami ngayon, hindi ibig sabihin na iiwan na namin sila.. May dapat lang kaming aasikasohin, pero magkikita kita padin kami..

At kahit malayo kami sa isat isa, nandito padin ang magmamahal na hindi nakakalimutan o nabubura sa puso at isipan namin... Kagaya sa mga sumakabilang buhay kong mga mahal din sa buhay,, kahit wala na sila, nandito padin nakatatak sa puso at isipan ko ang pagmamahal sa kanila... 

Hinding hindi na iyon nabubura.. At kahit sa paglisan namin ngayon, hindi namin makakalimutan ang mga masasayang alala na pinagdaanan namin...  Palagi namin itong panghahawakan kahit na mawala na kami sa mundong ito.....


                    ➡The  End⬅


               •Starlight  Princess•

My Time To RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon