Debbie, Beatrisse, & Lyn at the multimedia..
8:30am
Nang magising si Beatrisse, agad siyang bumangon para makapag-ayos.. Pupunta kasi siya sa mga kaibigan niya..
Gustong gusto niya na itong makasama at makakulitan.. Miss na miss niya na ang mga ito.. Matapos niya kasing marinig na wala naman palang kasalanan ang mga kaibigan niya, agad na lumambot ang dibdib niya para sa mga kaibigan niya...
Nang matapos na siyang makapag ayos, agad siyang bumaba at nakita niyang nasa kusina ang ina niya, kumakain..
"Good morning mommy!.." masayang bati niya sa kanyang ina..
"Good morning din! Halatang good talaga ang morning mo.." pabirong sabi ng kanyang ina.. Kaya umupo nalang siya, para makakain..
"Akala ko pa nga, tulog kapa! Kaya, kumain na ako.. Ayoko namang isturbohin ka, kasi mukha kang pagod na pagod kahapon.. Iniwan mo pa ako sa probinsya!! Hindi ka manlang nagpaalam sakin! Buti nalang tinawagan ko si Tita Laida mo.. Kung hindi? naku! Mababaliw na ako kakahanap sayo!!.." mahabang sabi ng ina ni Beatrisse na ikinagulat niya..
"Hehe,, sorry mommy! Nakalimutan ko eh! Tsaka, kabang kaba talaga ako ng araw nayun.. Kaya, di ko na nagawang magpaalam.. Sorry.." malumanay na sabi niya sa kanyang ina at napayuko..
"Sus! Ayos lang yun! Teka, saan ka nga pala pupunta?? Bakit bihis na bihis ka?.." gulat na tanong ng kanyang ina.. Ngayon lang kasi niya napansin na nakabihis si Beatrisse..
"ahh,, pupuntahan ko mga kaibigan ko.. You know? Forgiveness?.." nakangiting sabi ni Beatrisse sa kanyang ina..
"ah, okay.. Good luck! Sana magkaayos na kayo!.." masayang sabi ng kanyang ina..
"ay teka mommy!! Asan nga pala si Tita?.." gulat na tanong ni Beatrisse sa kanyang ina..
"uhm.. Umuwi na kahapon.. May gagawin daw siya eh!" sagot ng kanyang ina na kumakain..
"okay.. ah, mommy, una na ako.." pagpapaalam niya sa kanyang ina.. Tila excited siyang makausap ang kanyang mga kaibigan.. Kaya, naman agad siyang tumayo..
"okay! Good luck! Ingat ka!.." sagot naman ng ina sa kanyang anak na nagmamadali..
Nang makalabas si Beatrisse sa kanilang bahay, agad siyang pumunta sa grahe at kinuha ang kanyang sasakyan..
Alam naman kasi niya papunta sa kompanya ng kanyang mga kaibigan.. Kaya, agad niyang pinaandar ang kanyang sasakyan papunta sa kanyang mga kaibigan...
Nang makadating siya sa kompanya ng kanyang mga kaibigan, nakitang niyang may tatlong babae na palabas na nanlulumong nakayuko...
Agad niyang kinuha ang kanyang cellphone at tinawagan ang kanyang assistant..
"The DAL Company, let them buy the materials they need for their company.. I'm now releasing their names, okay?.."
"yes Miss.." sagot agad ng kanyang assistant kaya, pinatay niya na ang linya at kabadong bumaba sa kanyang sasakyan.. Naisip niya kasi, papatawarin kaya siya ng mga kaibigan niya?.. 50% OO! At 50% HINDI! Kaya kabado din siya..
Nang makababa siya, agad siyang napansin ng tatlong babae, kaya medyo lumapit ito sa kanya.. Nang maaninag nila na si Dallanciey iyon, napahinto sila..
"Anong ginagawa mo dito?!.." sigaw agad na sabi ng isang babae na si Debbie.. Agad naman siyang pinigilan ng kasama niyang babae para huminahon..
Lumapit sa kanila si Beatrisse at ngumiti.. Medyo kinakabahan siya kaya, hindi niya alam ang sasabihin niya..
"Anong kailangan mo Miss Beatrisse?.." tanong naman ng isang babae na may edad na si Analie..