Chapter # 1

28 1 3
                                    

3rd Person's POV

"Apo gusto mo ba ng kwento?" Tanong ni Lola Nita sa batang nakaupo sa harapan nya.

"Kwento po? Sige po lola! Ano pong kwento?" Takhang sabi ng munting bata.

"Tungkol sa iba't ibang nilalang sa mundo" turan ng matanda, tahimik na nakikinig ang paslit sa harap nito.

"Maraming na mangingisda ang nag sasabi na kapag sa gabi at namamalaot pa sila, makakarinig ka ng isang magandang tinig na kumakanta. Ito ay ang mga sirena" paliwanag ni Lola Nita.

"Sirena po?! Wow! Gusto ko po maging sirena!" Natutuwa nitong tinuran, napatawa nalang ang matanda.

"Apo, kasama ka sa uri ng mga tao kaya't hindi maaari ang gusto mo. Itutuloy ko na, ang mga sirena at sireno ay may magagandang mukha at kalahati ng katawan nila ay buntot ng isda. Ang mga shokoy naman ay may mga paa ngunit nababalot ang katawan nila ng kaliskis at may tenga ng seahorse. Bukod ang lahi nila sa mga sireno't sirena dahil mga tuso ang mga shokoy."

"Eh lola alam ko na po yan sila daw po ang nangangalaga ng karagatan"
Sabi ng kanyang apo.

"May hindi kapa alam apo, ang mga Mardon" sabi nito

"Mardon po? Ano po yon? Ngayon ko lang po narinig yon" nagtataka nyang sabi

"Hindi kilala ang mga Mardon dahil wala pang nakakakita sa kanila ngunit may sabi sabi na mukha silang tao simula sa ulo hanggang paa ngunit nakakahinga sila sa tubig ng walang hasang ng tulad sa isda at lahat ng Mardon ay may itsura tulad ng mga sireno't sirena" masaya nitong sabi sa batang manghang mangha.

"Ang galing naman po nila! Gusto ko silang makilala lahat! Tapos magiging friends kami tapos ipapasyal nila ako sa kingdom nila! Yehey!" Tuwang tuwa nitong sabi.

"Hay Sumai gabi na aba? Halina't matulog, kayo rin Ma gabi na po" sabi naman ni Ayyah sa kanyang ina.

"O sya sige, Sumai apo matulog na ha? Good night na anak" nagtungo na ang mantanda sa kanyang silid.

"Mama, totoo po ba yong sabi ni lola?" Tanong ni Sumai sa kanyang ina

"Siguro? Alam mo kung totoo naman sila o hindi kasama parin sila sa kultura natin at alam mo ba kung bakit maganda dito sa pilipinas?
Dahil yun sa malilikhain nating isip kaya ikaw diba gusto matutong mag paint? So dapat palawakin mo ang isip mo at gawin mo yung gusto pag marunong kana okay?" Nakangiti nitong sabi sa anak

"Opo!"

Kinabukasan masayang nag lalaro ang batang si Sumai sa dalampasigan ng hapong iyon, may dala dala syang iba't ibang seashells na kanyang pinulot.

Hanggang na padpad sya sa dulo ng kanilang lugar kung saan ipinagbabawal puntahan ng nag iisa sapagkat may mga elementong nakatira sa lugar na iyon.

Ngunit nakalimutan iyon ng pitong taong si Sumai, naaaliw sya sa makikinis na muwebles na nagkalat sa paligid.

"Here take this, i picked this by myself " biglang sabi ng isang batang lalaki na may kulay berde na mga mata at blonde na buhok.

"Huh? Aaam thank you! Aaam English you?" Ilang na sabi ni Sumai.
'Ano ba yan? Di naman ako magaling sa English e, parang mayaman pa naman tong bata' isip isip nya at napakamaot nalang ng ulo.

"Yeah I'm sorry I can't talk like the way you do but i can understand you" walang emosyong sabi nito

"Haha kala ko mag e english ako sayo eh, di kasi pa ako marunong noon. Ako nga pala si Summer Aijia Culiex, tawag sakin samin Sumai, ikaw anong pangalan mo?"
Tanong ng munting si Sumai sa bata.

"I'm Prince Kairzzo Rieull Lhoirre Quene Zeise Ferrio Daizierrielle call me anything you want, Aijia" mahaba nitong sabi.

"Grabe! Ang haba naman ng pangalan mo! Hindi kaba nahihirapang isulat yon sa papel mo?" Di makapaniwalang sabi ni Sumai

"No, I don't write on a piece of paper" seryoso pa rin nitong sabi.

"Huh? Aah baka lagi kang naka tablet ganon pala talaga pag mayaman, hmmmm...
Ano kayang itatawag ko sayo? Aha!!!Sun! Sun nalang itatawag ko sayo! Tignan mo buhok mo oh! Kakulay ng araw yellow kasi"
Nakangiting sabi ni Sumai

"I have so many name and you choose the Sun? I guess it's unique" may manghangha sa pananalita nya na wala sa mukha nya.

"Di ka ba marunong ngumiti? Sabi ng Mama ko tatanda ka ka agad pag di ka ngumiti" tukso nito

"We usually do this because fun is not the answer to the problems" sabi nito na kinakunot ng noo ni Sumai.

"Aaam di ko na gets pero kung yan gusto mo? Gusto mo ba nito? Ay ilang taon ka nga pala? Ako 7 palang ikaw?"

"I'm 9 years old will you go back here tomorrow? I want to play with you"
May saya sa tono nya nang sinabi nya yon.

"Maglalaro tayo? Sige! Friends na tayo Sun ha?"

"Yeah don't forget "

"Di no! Sige ba bay Sun bukas ulit mag gagabi na eh ba bay!" Naka ngiting paalam ni Sumai sa bagong kaibigan.

•••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••

Alam ko pong sabaw sorry po pero pwede nyo po bang pagtiisan? Thank you po.
Sorry din po pag may wrong grammar at wrong spelling.
Salamat sa pagbabasa!

From the Other World Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon