Chapter #12

6 1 0
                                    

S.A.C POV

"Mag kakaron tayo ng Artist Trip sa susunod na linggo and medyo matagal tayo doon mga 3 days. Ang purpose nito ay pagtibayin ang samahan ng section nyo." Sabi ni Ma'am. Napa 'Huh?' Kaming lahat kasi Artist Trip tapos pagtitibayin naman pala ang samahan ng klase namin?

"Eh ma'am parang wala naman pong connect yun sa pagiging Fine Arts student namin eh" Angal ng isa naming lalaking kaklase.

Nagsimula na ang kumusyon sa loob ng room.

"Hush! Okay Hush!
Meron itong connection students! Ang pagpapatibay ng samahan sa iba ay parang pag gawa lang ng painting yan. Kung hindi naman pala compatible ang kulay na gusto mo sa tema ng painting edi maguguluhan ka, o hindi kaya gusto mong gawin yung isang bagay sa painting mo pero naiiba yung lumalabas"
Tuloy nyang sabi. Aba parang humuhugot na si Ma'am ah? Pero actually may point naman sya.

"Para lang yung pagpapatibay ng samahan ng mga tao, nyo!  Pano kung may dalawa kang kaibigan na sobrang magkaiba pano mo magagawan ng paraan maging magkasundo sila? O kaya naman gusto mo makipag kaibigan sa isang tao pero dahil sa kilos mo na mi miss interrupt nila yun?
O kaya naman may isang tao na gustong makipag close sayo pero ayaw mo sa kanya kahit wala naman syang ginagawang masama... Guys! Artist kayo! Dapat maintindihan nyo lahat ng bagay ng sa ganoon hindi kayo mahirapan sa buhay nyo." Napanganga nalang kami kay Ma'am at sabay pinalakpakan sya.

"So, 3 days yon and sa Restro Ancestral House mag baon na kayo ng damit at mahahalagang gamit na kailangan nyo. That's all for to day, God bless us!" Sabay labas ni Ma'am.

Nagligpit na ako ng gamit at tinignan kung nag text ba si Farreih o si Stevhen. Wala naman kaya pa diretso na ako palabas.

"Wait" Napatigil ako dahil doon. Paktay na .

"..." Di ako nagsalita. Sorry naman kinakabahan na ako eh.

"Aijia turn around " Takte! Bakit ba sa tuwing tinatawag nya akong ganon eh naghuhumirantado itong puso ko?! (_\\\_) 💘💘💘
Napaikot naman ako sa utos nya. Aaarrrghh! Nakatungo lang ako ayaw kong tignan sya.

"Look at me" Noooooo~~
Bigla nyang hinawakan ang baba ko at itiningala sa kanya. Aray ha! Stiff neck!

"You look terrible, do you take drugs?" Haneeeeep!
Mukha ba akong sabog?! Aaam siguro medyo? Sorry ha! Natural yan eh!

"Pwede ba? Kung manlalait ka wag ngayon! Oo na mukha na akong sabog ikaw na mukha paring fresh kahit uwian n—" Napatigil ako ng bigla nya akong niyakap.

Tug!💘💘💘💘 Waaaaa!!!
(T/////T) Di ko alam i rereact ko eh. Para tuloy akong na stroke dito.

"God I missed you " Bulong nya sa tenga ko.

Para akong binuhusan ng malamig na tubig. Para kasing nararamdaman kong sobrang frutrated, pagod at kung ano ano pa ang naraamdaman nya. Na guilty ako bigla. Bakit ko nga ba sya nilayuan? Masama ba yung sinabi nya? Hindi ko rin alam eh pero ang alam ko lang mali yung ginawa kong paglayo.

Nasabi nya kasi sakin dati na wala syang ka close miski isa sa school okay sige sabihin nating close sila ni Sandy-malandi pero yung babaeng yun daw eh parang tuko at hindi kaibigan ang approach. If you know what I mean.

Hirap din syang makahanap ng kakaibiganin, sabi kasi nya fake lahat ng nag a approach sa kanyang kumakaibigan.

"Haay... Sorry naman Sun.
Para ka kasing tanga! Kung ano ano sinasabi mo! Pwede ba?! Wag kanang magsalita nang ganon? Kaloka eh!" Sabi ko sa kanya.
Alam kong nakangiti na sya nyan at tumatawa ng mahina.

"Sige pigilan mo pa ang pagtawa baka sa iba pa lumabas yan" Sabi ko sabay cross arms.

Humagalpak naman sya ng tawa, hayan at sobrang agaw atensyon na kaming dalawa.
Pero in fairness! Lalo syang gumagwapo pagtumatawa di ko tuloy maiwasang ngumiti.

From the Other World Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon