S. A. C. POV
Ito na yung araw na yun! Yipeeeeeeeee!!! Hahaha pupunta na kami doon sa ancestral house!!! Nandito na ako sa school kasama ng iba pa naming kaklase, hinihintay namin yung bus na magsusundo samin.
Hmmmm bakit parang hindi pa dumadating si Sun? Huh? Hoy! Hindi ko sya hinahanap ah! Asa! (- 3 -)Maya maya, sa wakas!!! Dumating din ang bus na sasakyan namin. Inayos ko ang salamin ko sabay buhat ng bag. Mabuti nalang at may bakanteng upuan pa sa dulo! Yung apatang tao? Yon nalang kasi ang available kaya agad akong umupo.
Huling dumating si Sandy-malandi at nag reklamo agad kay ma'am. Kesyo wala na syang maupuan at nag ta tantrums na ang maldita.
May isa kasi kaming kaklase na kasama ang kapatid nya, nasa probinsya daw ang magulang nila at mga kamag anak kaya wala silang kasama at hindi naman pwedeng iwan yung kapatid nya dahil babae ito at high school narin kaya baka kung anong mangyari. Sakto lang kasi samin itong bus at narinig kong hindi naman matangihan ni ma'am yung kaklase namin kasi nga bata yun tsaka mag do double pay nalang daw yung kaklase namin.Habang nag so sorry si ma'am sa kanya ay nilibot nya ang tingin nya at dumapo sakin.
"Hey little ugly nerd! Umalis ka dyan! Ako ang uupo!" Asar nyang sabi sabay hila sakin kaya ayun lagappak ako sa sahig. May mga tumanggol naman sakin.
Wow! First time yun, ah?!
Tinulungan din ako ng iba tumayo."Naku naasar na talaga kami sa kanya. Like eeeew! Porket may kapit sya kela Prince Kairzzo! Hmmp! Pasensya kana kung ngayon lang kami nag approach sayo. Kala ko kasi weird kang nerd pero tingin ko di naman.
You can now call me Lia. Friends na tayo ha?" Binigyan nya ako ng isang ngiti. Nakipag handshake ako sa kanya."Salamat. Pero tingin ko wala na akong uupuan." Sabi ko saka lumingon lingon.
"Pwede ka naman dito sa tabi namin ni Keith, di ba?" Sabi nya kay Keith na kaklase din namin.
"Huh? Oo okay lang, seksi naman tayong tatlo kaya kasyang kasya!" Sabi nya naman sabay ngiti.
Waaaaaa~~~
Totoo ba to?! May kaibigan na ako dito sa school!
Umupo ako sa tabi ni Keith kaya ako ang medyo nasa dulo, sakto ngalang kami kaya okay na."Okay na ba lahat?" Tanong ni Maam samin. Agad naman silang sumagot ng yes.
Tumango lang ako sabay patong ko ng bag sa binti ko dahil gusto ko sanang matulog pero naudlot yun ng may pumasok sa loob ng bus. Everyone stared at him."Where is she?!" Sigaw nya na umalingaw ngaw sa buong bus. Takte naman to! Kung maka sigaw dinaig pa ang hari!
Biglang tumayo si Sandy-malandi at nag flip pa ng hair."Oh I'm so sorry my prince, dapat nag text kamuna kasi sakin eh... Sa car mo pala tayo okay le–" Bigla syang sinigawan ni Sun.
"Shut the f*ck up!
AIJIA! Get out of this bus now!" Sigaw nya sabay hila sakin. Hindi naman ako nakalaban at nagpadala nalang sa kanya. Bago kami makalabas nakita ko ang mga mukha nilang di mawari ang itsura.My gosh! Ano bang meron sa mokong na to?! Parang galit na galit sya?
Tumigil kami sa isang kotse, ang ganda ng kulay nya! Kulay pula ito at kumikintab sa liwanag ng araw! (*0*)
Hindi ako mahilig sa kotse pero ang ganda talaga nito!Nahimas masan naman ako sa pagtitig ng buksan ni Sun ang pinto nito sa front sit at agad akong ipinasok. Sinara nya agad ang pinto at pumunta sa likod para ilagay ang bag ko sa back seat at pumunta sa pwesto nya at inis start ang kotse.
"Waaaaaaw.... Ang ganda at ang bango naman ng kotse mo, Sun! Wait bakit mo ako sinakay dito?" Tanong ko sa kanya. Hindi pa kami umaalis kaya di ako natakot ng nilingon nya ako.
BINABASA MO ANG
From the Other World
FantasyKung may mga gusto kayong sabihin go lang po. Kahit murahin nyo kwento ko okay lang po salamat po sa pag babasa. May mga kinuha rin po ako sa paborito kong Anime nung bata pa ako na hanggang ngayon fav ko parin pero di na gaano. Pichi Pichi Pitch Me...