S. A. C POV
Dumaan kami ni Rose sa mahabang hallway at mahabang hagdan, hagard na hagard nga ako pagbaba eh! Tatlong floor din yun!
Sayang outfit ko dito! Papagprosisyon lang pala ako sa mahaba nilang hagdan!Pag baba namin sa isang floor, tandaan sabi ni Rose hindi daw first floor ang pupuntahan namin. Naloka naman ako! Ilang floor ba meron to?!
Pumasok kami sa dinning area na may mahabang lamesa pero sa mag kabilang dulo lang namang merong upuan. Pang Royal!
Nasa dulo non yung Tatay nina Sun at Quell! Napansin kong yumuko si Rose pero hindi ko ginawa, aba! Kidnapin daw ba ako?! Tapos yuyuko pa sa harap nya?! Neknek nya!
"Nandito na po sya, Panginoon." Sabi ni Rose pero nakayuko parin.
"Have a sit" Medyo malakas nitong sabi sakin at di pinansin si Rose.
Nagdadalawang isip ako kung uupo ako, Una dahil ayokong makipag usap sa kanya at pangalawa ang layo layo namin no? Magkakaintindihan kaya kami? Wait, In the second thought, naenganyo ako sa pagkaing nasa hapag. Ang bango eh!Napagpasyahan kong umupo nalang, para sa pagkain! (*Q*)
Nang Umupo ako eh hindi ko muna ginalaw ang pagkain, nakayuko lang ako at hinihintay na magsalita sya.
"You can eat now Ms. Culiex, it's all yours." Sabi nito. Nagduda tuloy ako! Baka lasunin nya ako o kaya aaaargh! Ang praning ko!
"Salamat po, pero bakit nyo po ako dinala dito? Papatayin nyo po ba ako? Kung oo eh pakibilisan nalang po kasi alam kong masakit yun, pero bago yun paki sabi sa pamilya ko mahal ko sila pati narin sa mga kaibigan ko tapos yung mga art work ko ibenta na nila lahat pati yung mga gamit ko tapos yung isda ko pakawalan sana nila sa dagat at paki sabi kay Sun, salamat at nakilala ko sya. Yun lang po." Dire diretso kong sabi, sorry naman kinakabahan ako eh!
Pero kinagulat ko ang tawa nya."Pfffft! Hahahaha What the hahhaha! I'm sorry hahaha wait okay okay... Ehem! Sorry pero hindi kita papatayin, ganon ba ako nakakatakot? I just have to do that, you see Ms. Culiex i like you for my son.
Pero bago yun pakinggan mo muna ang side ko."
Napanganga naman ako.
Anong nangyayari?"What do you mean po?" Tanong ko.
"I'm just acting, walang alam sina Kairzzo at Quell dito, ginawa ko ito dahil may matang nakabantay satin lalo na sayo." Makahulugan nyang sabi.
"Huh? Wala po akong maintindihan bakit po kayo umaarte lang? At sino po yung naka bantay?" Tanong ko.
"Sisimulan ko nang naging hari ako ng aming kaharian, ako ang nagiisang tagapag mana ng mga Mardon at noong namatay ang aking Ama ay inilipat na nila ang korona sa akin, ngunit hindi ibig sabihin na hari na ako ay kotrolado ko na lahat. Ang matataas na opisyal ng aming kaharian ay mga magagaling na salamangkero kaya madalas ang mga desisyon na nais ko ay hinaharang nila kahit pati sa pagpili ng aking magiging reyna. Ang ina ng kambal ay ang reyna ng kaharian ng Brineasia. Ngunit isang araw pagkatapos lamang ng ika anim na kaarawan ng kambal ay pinatay sya at ang tinuturong salarin ay ang kanyang matalik na kaibigan na si Babaylang Merna. Alam kong hindi iyon gagawin ni Merna sapagkat itinuring nyang kapatid ang aking asawa, nag imbestiga ako mag isa at sigurado akong ang mga nasataas na Mardon ang may gawa non sa kanya. Dahil din doon naungkat na naman ang hidwaan sa pagitan ng Tarchannen at Brineasia. You see, your like their mother, maalalahanin at mapagmahal sa mga tao." Bigla akong na flattered. Di naman po, slight lang. Choss.
"Aaaam, kung ganon po bakit nyo ako kinuha?" Tanong ko.
"Dahil bukod sa katulad mo si Kiarrah na once nakapagpabago ng perspective ng mga Mardon ay nasa iyo din ang pinakamakapangyarihang perlas sa lahat." Sabi nya. Wait... Ano daw?
BINABASA MO ANG
From the Other World
FantasyKung may mga gusto kayong sabihin go lang po. Kahit murahin nyo kwento ko okay lang po salamat po sa pag babasa. May mga kinuha rin po ako sa paborito kong Anime nung bata pa ako na hanggang ngayon fav ko parin pero di na gaano. Pichi Pichi Pitch Me...