QUEEN OF BRINEASIA'S POV
"May gusto nga palang iparating ang hari. He said that if you want to break some rules in your kingdom." Seryoso nyang sabi habang inaayos ang buhok ng kanyang asawa na busy sa cellphone.
"Huh? Tulad ng?" Tanong ko.
"Merman and mermaids can now go around the Other World. Even in the land, pwede na kayong pumunta sa lupa ng walang inaalala." Seryoso nya paring sabi.
"Wait, totoo ba yan? Sigurado kaba na ang hari ang may sabi nyan?" Taranta kong tanong.
"Syempre naman! Hihihi kami kaya ang representative ni Kuya Eizen! Hihi ano? Gusto mong gumala sa lupa?" Nakangiting sabi ni Lady Z.
"O-oo! OO! Payag ako sa balitang yan! Pero may kapalit ba yan?" Alala kong tanong.
"Uuum hindi naman mabigat. Basta maging allowed lang ang iba pang taga Other World sa pagbisita sa Brinesia." Sabi ni Lady Z.
"Yun lang ba?! Oo gusto ko, kelan ba ang simula? Bukas na ba? Sa susunod na araw? Pero wait mag hahanda muna kami! Medyo marami pa akong aasikasuhin eh! Pero kung gusto ng hari ay bukas na bukas na eh walang problema." Masaya kong sabi.
"Hihihi ang cute mo talaga Ki! Sana sayo nalang ako naglihi!" Bigla syang sinamaan ng tingin ni kuya Z.
"Hey, i want our child to have my traits." Sabi nito sa asawa.
"Hihihi sigurado naman yun eh! Ikaw kaya lagi kong hinahanap sa umaga!" Sabi nito.
"Edi kung ganon i announce kaya natin?" Excited na sabi ni Lady Z.
"If that's what you want." Sabi ni Kuya Z sa asawa nya. Agad nya itong inalalayan at naglakad sila papuntang pintuan kaya sumunod na rin ako. Yeeeeeeeeesss!!! Makakaakyat na din kamiiiii!!! Nakakatuwa!
🎊🎉🎊🎉🎊🎉🎊🎉🎊🎉🎊
"Makinig ang lahat!" Bungad na salita ko sa lahat. Mukha namang makikinig sila dahil tumahimik na. Huminga ako ng malalalim bago ulit mag salita.
"Ang hari ng South Kingdom ay binigyan ako ng pagkakataon na magdesisyon tungkol sa isang magandang balita. Ang Brineasia na matagal nakakulong lang ay magkakaroon na ng karapatang lumaya, hindi ba't marami sa atin ang nag tatanong o na ngangarap na maka punta sa ibang lugar o kahit manlang sa lupa. Ano bang itsura ng mundo sa taas? Ano bang mga gamit doon na wala tayo? At ano ano pabang uri ng nilalang ang nandoon?
Nais ng hari na tayong mga taga Brineasia ay makalaya at makipagsapalaran sa lupa. Nang marinig ko ang balitang ito ay talaga namang nakakatuwa at sa tingin ko, hindi lang dapat ang mundong ito ang ating napupuntahan kung hindi ay sa labas pa upang ating kaalaman ay mas lumawak tulad ng iba." Masaya kong balita sa lahat. Marami ang nagpalakpakan ngunit biglang natigil ito ng may sumigaw.
"Ano?! Pumayag ka na maari nang makapunta ang mga sireno't sirena sa mundo sa taas?! Hahayaan mong magbukas ulit ng isa pang portal dito sa Brineasia?! Isa yang kabaliwan! Paano ang mga Mardon?! Nakalimutan mo na ba ang kasakiman nila?! Kapag tayo ay muli nilang mapasok ay siguradong wala na tayong kawala! Mga bata pa ang mga mandirigma at wala ka pa ngang ginagawa upang mapatunayan ang iyong sarili?! Tumututol ako sa iyong pasya! Ako ang nag iisang babaylan ng kahariaang ito at ako din ang may alam kung ano ang makabubuti sa Brineasia!" Gigil na gigil na sigaw nya. Napayuko nalang ako, tama nga naman sya. Sarili ko lang talaga ang iniisip ko eh. Ang mga Mardon nga pala, problema din sila.
"Hindi aalis ng Brineasia ang mga sireno't sirena. Iyan ang huling pagayag ngayong gabi." Sabi nito ng nakataas noo.
Pero biglang napatigil ang mga bisita ng mag salita si Lady Z kasama ang asawa nya.
"Wait lang ha! Axon ko wag mo akong pigilan tignan mo may makakatikim talaga ng gomu gomu fist ko!" Gigil na sabi nito.
"Pfft... Of course, hindi kita pipigilan. Pero please stay calm." Sabi nito sa asawa.
"Okay okay, wait lang guys ha? Miss Merna ang babaylan ng Brineasia may isa akong tanong sayo." Nakangiti pa nitong sabi.
"Ano po iyon? Handa ko itong sagutin." Abang na abang parin ang mga bisita.
Titig na titig nga sila eh."Ikaw ba ng REYNA ng kahariang ito?" Sabi nito at pinagdiinan pa ang Reyna.
"Hindi po, kasasabi ko lamang kanina na ako ang BABAYLAN at hindi ang REYNA." Gigil din nyang sabi. Parang nagkakaroon na ng kuryente sa mga mata nila.
"Exactly my point! Hindi ikaw ang REYNA, ikaw ang BABAYLAN at ang trabaho mo lang ay pagsilbihan ang REYNA at sya ang gagawa ng desisyon at hindi ikaw." Nakataas kilay nyang sabi. Madaming nagtawanan, at ikinapula iyon ng babaylan.
"My wife is right. If the security of the portal is your problem then you can trust to the witch and wizards." Sabi ni Kuya Z. Napatahimik naman ang lahat na para bang tulala lang sa lalaki.
"Baka kasi nakakalimutan nyo? South Kingdom is the center of magic in the whole Other World." Sabi nito ng naka smirk. Wala nang nakasabat pa, kaya ayun nag walkout si mama.
BINABASA MO ANG
From the Other World
ФэнтезиKung may mga gusto kayong sabihin go lang po. Kahit murahin nyo kwento ko okay lang po salamat po sa pag babasa. May mga kinuha rin po ako sa paborito kong Anime nung bata pa ako na hanggang ngayon fav ko parin pero di na gaano. Pichi Pichi Pitch Me...