Third Person's POV
Isang buwan ang lumipas nang dumating ang bagong reyna ng mga sirena sa kaharian ng Brinesia. Sa unang mga araw ay hindi nila magawang kausapin ang reyna, hindi ito marunong ng kahit ano at tila isang bagong silang na sanggol ang kanilang inaalagaan. Kapag ito'y tinanong kung ano, sino o masaya ba ito ay tanging ngiti lang ang kaya nitong ibigay. Pagkalipas ng isang buwan at unti unti itong nakapag salita at natuto ng anong nangyayari sa kanilang kaharian. Labis na natuwa ang mga Sireno't sirena dahil alam na alam nya ang mga dapat gawin sa lahat ng bagay, tila ba ilang taon nya nang pinagaaralan ito.
May mga limitasyong ginawa ang babaylang si Merna pag dating sa bagong reyna. Hindi nya ito inapalabas ng palasyo. Hindi rin nito hinahayaang makipagkaibigan ito sa iba pang sirena o sireno pwera sa mga kawal nito. Sila ang tangging nakakausap ng matino ng reyna.
Kaya madalas silang tinatakasan ng reyna at pumupunta sa isang lugar, ang kweba na mayroong higanteng pusit. Kaibigan nya ito at tangging sya lang ang pinapayagang pumasok dito. Pinununo nya ito ng ibat ibang likhang sining na nasa kanyang isip, mga makukulay na kabibe, kristal, shells at kung ano ano pang mga bagay na makikita sa ilalim ng karagatan. Mayroon ding mga gamit na itinapon ng mga tao sa dagat o kaya naman ay yung mga nahuhulog ng hindi sinasadya.
Samantala, sa mundo ng mga tao. Tuloy tuloy lang ang daloy ng buhay ng bawat isa, ngunit hindi maipagkakailang puno ito ng pagsubok.
FARREIH 's POV
"Kailan mo ba ako titigilan?!" Irita kong sabi sa shokoy na 'to.
"Until... Aaah... Uuuum.. I don't know, maybe..... Uuumm...Never?" Sabay kindat nya sakin at kinain ang burger na nasa lamesa ko which is sakin.
"Ano ba?! Pagkain ko yun eh! If you're going to eat all my food then I don't have a choice, you will pay big time!" Kasabay non kinurot ko ng todo ang tenga nya.
"A-aray! Wait! Okay okay! Ouch! Reiyi naman!" Reklamo nya sakin.
"Hoy! Wag mo nga akong tawaging Reiyi! Hindi ko naman pangalan yun!" Kurot ko parin tenga nya.
"Ayoko nga, ang cute kaya. Reiyi-tabachi" asar nya pa.
Hinila ko lalo ang tenga nya."Mag dusa ka!"
•••••••••••••••••••••
"Bakit hanggang dito sinusundan mo ako?" Irita kong tanong.
"Wala lang, naalala ko lang. Na mi miss mo na ba ang kaibigan mo?" Bigla akong napahinto nang sinabi nya yon.
"Ibabalik ko sayo ang tanong, kung naputol yang daliri mo sa kamay, hindi mo ba ma mi miss? O kaya yang ulo mo hindi mo ma mi miss?" Sabay irap ko sa kanya.
"How cruel, of course I will miss my head and my finger." Komportable nya pang sagot. Hinampas ko sya ng bag.
"Wala kang pakiramdam no?! Jan ka na nga!" Sabay lakad ko ng mabilis pero agad nya akong hinawakan sa braso.
"Masyado kang sadista Reiyi ha, anyway may sasabihin akong magandang balita para sa inyong lahat." Seryoso nya saking sabi. Humarap sya sakin at inangat ang baba ko paharap sa kanya.
"A-anong balita yan?" Taka kong tanong pero ngumise lang sya.
"Balitang buhay pa ang kaibigan nyo."
Pero imbis na maniwala ako eh tinulak ko nalang sya.
BINABASA MO ANG
From the Other World
FantasyKung may mga gusto kayong sabihin go lang po. Kahit murahin nyo kwento ko okay lang po salamat po sa pag babasa. May mga kinuha rin po ako sa paborito kong Anime nung bata pa ako na hanggang ngayon fav ko parin pero di na gaano. Pichi Pichi Pitch Me...