S.A.C POV
"Hi Everyone! I'm Sandy Chelpt 19 years old and ow! Prince Kairzzo is mine! So back off!" Sabi nito habang kumakaway pa, yung mga lalaki nakanganga sa kanya yung girls naman iniirapan na sya.
"Hmp! Mas maganda naman tayo jan no?!" Bulong ng mga babae sa harapan ko.
"Oo nga mas may pag asa pa tayo kay Prince kesa jan " Bulong pa ng isa. Bumuntong hininga nalang ako at nag sulat sa notebook ko.
"Okay Ms. Chelpt you can sit now" sabi ni Proff JR. Mabait yan isa sa favorite kong proff.
Ang akala ko uupo na si Sandy-malandi pero hindi, pumunta sya sa harap ko kaya tumingala ako sa kanya, edi wow sya na matangkad, hmp!
"Excuse me nerd, pwede bang umalis ka jan? You know naman si Prince lang ang kilala ko here kaya I should stick to him, right Proff?" Malambing nyang sabi sa Proff namin at dahil nga mabait si Proff JR .
"Ms. Culiex? Can you please transfer at the back? Pansamantala lang naman dahil di ko pa nagagawa ang arrangement ng upuan, thank you." Naka ngiti nitong transfer, tatayo na ako pero bigla akong hinawakan sa braso ni Sun.
"This is where you sit so–" di ko sya pinatapos at tinanggal ang kamay nya sa braso ko.
"Sa likod nalang ako" sabi ko sa kanya at tumuloy na sa likod.
Magdamag akong nag paka busy sa mga lecture namin, sa sobrang dami nakaka frustrate pero maganda narin dahil hindi ko na mapansin si ingliserong tukmol dahil doon.
Uwian na at dali dali akong nag ayos at lumabas na, buti nalang at wala nang istorbo.
Pero bakit parang may kulang, parang bumagsak yung sigla ko? Sus, gutom lang to.Hindi ko inaasahan ng may biglang may nagtakip ng mata ko pero na disappoint ako nang malamang hindi si Sun yun. Aaarggh?!! Bakit ako na disappoint?!
Injernes naloka din ako sa ginawa nya, may takip daw ng mata ng taong may salamin."Oh! Stev ikaw pala" sabi ko, tinignan nya ako ng may ngiti.
"Hahaha parang malungkot ka? Di bale may good news ako" sabi nito.
"Huh? Sige nga ano yun?!" Excited kong tanong, inakbayan nya ako at may pinakita syang papel sakin.
"Nag transfer ako dito at look! May kaparehas tayong sched!"
Nanlaki ang mata ko at tumalon talon."Weee?! Hahha congrats! Buti nakapasa ka?" Sabi ko, may ilang exam pa kasi bago ka makakapasok.
"Ako pa ba?!" Maloko nitong sabi kaya medyo sinapak ko sya.
"Yabang! Eh bakit ka lumipat dito?" Tanong ko sabay harap sa kanya.
"Aaam... Kasi.... Totoo to ha? Satingin ko hindi ko talaga kaya yung unang course na kinuha ko. Then, my parent said that pag di ko talaga kaya magpalit na ako habang maaga pa." Sabi nya sabay himas sa batok.
"Eh ba't dito? Ano bang course ang kinuha mo?"
Tanong ko."BA Film ang kinuha ko, you know how much i love movies." Sabi nya, sabagay gustong gusto nya yun at sa dami ba naman ng mga cd and such nya sa bahay nila eh baka malula ka!
"Good for you! So kelan start mo?" Tanong ko at naglakad na kami.
"As soon as possible daw, kaya sa monday nalang at dahil pasado ako ililibre kita!" Sabi nya. Yes! Narinig ko na naman ang favorite word ko.
"Heey! Maduga kayong dalawa! Di nyo manlang ba ako isasama?" Tanong ng isang nagtatampong babae.
"Syempre kasama ka! Hinihintay ka nga namin eh!" Sabi ni Stev.
BINABASA MO ANG
From the Other World
FantasyKung may mga gusto kayong sabihin go lang po. Kahit murahin nyo kwento ko okay lang po salamat po sa pag babasa. May mga kinuha rin po ako sa paborito kong Anime nung bata pa ako na hanggang ngayon fav ko parin pero di na gaano. Pichi Pichi Pitch Me...