Chapter # 2

14 1 1
                                    

3rd person's POV

Kinabukasan bumalik si Sumai sa lugar na yon at nag laro sila ni Sun ng buhangin nagdala din sya ng iba't ibang laruan. Minsan dina dalahan nya si Sun ng mga tinapay mula sa bahay ng kanyang lola at binibigyan si Sun. Naging malapit sila at ang batang di ngumingiti ay unti unting nag bago. Natuto na itong ngumiti at makipag biruan sa kaibigan ngunit mas madalas itong siryoso.

"Oo nga pala Sun, malapit na kaming bumalik sa manila mga tatlong araw nalang siguro" malungkot na sabi nito

"When can you visit here again?" Tanong naman nito

"Di ko pa alam eh, baka sa susunod na bakasyon pa. Sa susunod na taon yon" naiiyak nitong sabi

"Ssshhh, don't cry if ever you can't come back here and forget about me then i will find you and we will be together again." Naka ngiti nitong sabi habang pinupunasan ang mulha ng kaibigan.

"Talaga? Malayo kaya yung manila! Nakakatulog nga ako pag pupunta dito e, pano mo gagawin yun? Tsaka pano kung iba na itsura ko pag nahanap mo ko? Pano mo masasabing ako yun?" Maraming tanong nito.

"Then i will give you this" inilabas ng bata ang isang bagay mula sa kanyang bulsa.

Isa itong maliit na kabibe ngunit mukhang dyamante na kulay rosas at makikita mong may laman itong perlas na kulay rosas din.
Isinuot nya ito sa kaibigan.

"Ang ganda naman nito! Baka mahal to ha? Magkano to?" Tanong ni Sumai

"I didn't buy it, I made it for you. I hope you like it " nakangiti nitong sabi

"Kyaaa! Sun thank you thank you! Wala manlang akong mabigay sayo!hmmm... Aha! Ito nga palang bracelet ko! Gawa ko nga pala yan puro beads at shells na maliliit, di naman sya mukhang pangbabae masyado kaya ito naman bigay ko sayo" sinuot nya naman ito kay Sun

"Just remember, don't freak out if it can't remove because I'm only one can take that off ha? I use magic for that " biro nito.

"Talaga? Astig!" Nag tatatalon pa ito

"Do you know what's the most coolest magic i will do?" Nakangiti nyang hamon kay Sumai

"Oo naman!" Excited nyang sabi

"Come" Hinila nya si Sumai papunta sa tubig hanggang lumubog sila hanggang sa kalahati ng kanilang katawan.

"Tapos tapos???" Paulit ulit nyang sabi.

"What is your greatest wish that you've told me?"

"I wish to be a mermaid!" Nagulat na lamang sya ng halikan ni Sun ang kwintas nya.

"Wish granted" nabalot sya ng isang liwanag na kanyang ikinabahala ngunit agad itong nawala at ang kanyang munting paa ay naging isang buntot.

"Kyaaaaaaaaaaaa!!!!!
Suuuuuun!!!! Totoo to?! Sirena na ako!" Bigla syang tumalon at lumusong sa tubig tawa lang ng tawa ang kanyang kaibigan sa kanyang asal. Mag kahalong kaba, saya at tanong ang kanyang nararamdaman.

Sa una ay nalulunod sya dahil hindi nya alam kung paano lumangoy ng katulad sa mga sirena.

"Su-sun! Nalulunod ako!" Ngunit di sya tinulungan ng kaibigan sa takot nya ay nakahigop sya ng tubig ngunit nagulat sya ng nakahinga sya sa ilalim.

"Now? Are you happy that you're a mermaid?" Nanlaki ang mata nya nang nakita nyang nakakapagsalita si Sun sa ilalim ng tubig.

"Pano?! Ah! Ako rin!Waa!! Nakakapag salita ako sa tubig kyaaaa!!!" Tuwang tuwa sya.

"Of course, I haven't told you yet" doon tumigil si Sumai sa pag ka tuwa.

"Isa kabang......SHOKOY?!" Biglang sumimangot si Sun at tinaasan sya ng kilay.

From the Other World Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon