10 Years After
SUMMER AIJIA CULIEX"Summeeeeeeeeer!!! Ang ganda nitooo! O my gash! Mag kano to ha?! Ako nalang bibili nito!" Tiling sabi ng kaibigan ko, hahaha sabi na eh may magugustuhan sya sa mga painting ko.
"Loka loka! Sorry ka naka reserve na yan sa mga international clients" sabi ko sa kanya, namlumo naman yung mukha nya.
"Grabe ka! Ikaw na! Sikat kana oh! Di kapa graduate nyan! Tapos hindi pa tapos mga gawa mo bayad na agad!" Parang ewan nyang sabi, mapag tripan nga to.
"Syempre ako pa?! Sa gandang kong to?!" Nag smile ako ng todo sa kanya sabay taas ng kilay.
"Ay teh san ang gandang sinasabi mo? At excuse me! Talent mo binibili hindi ang ganda kahit wala ka non!" Asar nya sakin.
"*Pout* Grabe sya minsan na ngalang mangarap na maganda ako eh! Panira ka!" Asar kong sabi sabay tawa.
"Haha ano bayan kulang na nga sa ganda pati pa sa height nag kulang din! Buti nalang talaga talented ka!" Asar pa nya.
"Hahaha oo nga pati kulang sa talino haay... Hoy! Ang dami mong asar sakin ngayon ha! Di kita i re reserve ng isa sige!" Bawi ko namang asar sa kanya, bigla naman syang kumabit sa braso ko at dumikit ng parang pusa.
"Yeeees ang ganda, ang tangkad at ang tali talino talaga ng kaibigan ko yieeee bibigyan na ako nyan ng obra nya yieee" ewan ko ba kung nang aasar to o ano eh hahaha.
"Joke lang syempre may reserve akong isa para sayo! Happy Birthday! Gurang ka nga talaga!" Sabi ko sa kanya sabay pakita ng Painting na may kalakihan. Naka paint doon ang buong family nila at syempre nasa gitna sya.
"Kyaaaaaa!!! Summer! Matutuwa sina Mama nito!!! Aaawtss thank youuuu!!!" Sabay yakap nya sakin ng mahigpit at dahil maliit ako at matangkad sya ayun di ako nakahinga.
"I-I can't breathe " ipit kong sabi kaya agad nya akong binitawan.
"Ay sorry naman, so? Libre kita?" Ayan! Narinig ko na ang magic word nya.
"Kwek kwek! Here i come!" Sabi ko naman sabay hila sa kanya.
"Eee wait! Pano yung painting???" Agad nyang tanong.
"Hay naku jan lang yan no! Tara na babalikan natin yan mamaya" Hinila ko ulit sya.
Hiiiiiiiiiiiii!!!! Konnichi wa!!! Summer Aijia Culiex nga pala 17 years of age, First Year College na ako at Fine Arts ang kinuha ko obvious naman diba? Hhhmmm
Panget pala ako , i have black hair na hanggang ibaba ng pwet ko dahil di ako pwedeng gupitan, sinubukan namin yun dati pero bigla akong nilagnat pagkatapos noon sinugod pa ako sa ospital kaya di na ulit namin ginupitan, kayumanggi ang balat ko at di po ako matangkad okay medyo bata pa kasi ako sa age ko dumaan pa kami ng K-12 no? Kaya tingin ko tama lang din naman sa katawan ko, may makapal akong kilay at tuyo ang mga labi bakit ba? Di ko trip yang mga lipstick or lipgloss na mga yan eh, hassle lang pag kumain and a pair of blue eyes ang totoo dark brown yang mata ko pero biglang nagbago ng pumasok ako sa tinatawag nating puberty at di rin malaman ng mga docktor kung pano ako nag karon nito, may tawag panga sa ganung sakit eh kaso di ko tanda yung tawag ang haba kaya tapos scientific pa, basta nakita nalang namin ganto na sya. Aaam at di po ako matalino, nakakakuha nga po ako ng line of seven nung high school at sana wala nang bagsak ngayong college. Lagi kasing lumilipad ang isip ko kaya ganto hehe, i have my Mama and my Lola, my Father died when i was one years old due to a plane crash. Oooy English yun ha! Injernes! Pero anyway sya ang piloto non kaso may bagyong dumating na hindi manlang na pre predict ng pag asa yun , tinamaan ng malakas na kidlat ang pakpak ng eroplano at lumubog ito, pero at least payapa na si Papa sa langit.
BINABASA MO ANG
From the Other World
FantasyKung may mga gusto kayong sabihin go lang po. Kahit murahin nyo kwento ko okay lang po salamat po sa pag babasa. May mga kinuha rin po ako sa paborito kong Anime nung bata pa ako na hanggang ngayon fav ko parin pero di na gaano. Pichi Pichi Pitch Me...