QUEEN OF BRINEASIA'S POV
Maraming panauhin ang pumunta dito sa palasyo, akala ko ba ang hari lang ang pupunta? Bakit maraming maharlikang mga Sireno't Sirena ang dumadalo? Siguradong si babaylang Merna ang nag imbita sa kanila.
Binabati ko sila at nakikipag kwentuhan ng konti, ganoon naman lagi sa mga gantong pagtitipon. Maya maya pa ay dumating na ang karwahe ng hari. Normal na karwahe ito sa lupa. Tingin ko ay ginamitan nila ito ng mahika.
Bumukas ang pinto ng karwahe kaya aga akong yumuko upang gumalang.
"Maligayang pagdating sa kaharian ng Brinesia mahal na hari–?" Natigilan ako, isang magandang babae ang nasa harap ko at nag dadalang nilalang. Wala syang kahit na anong nakalagay sa ulo upang makahinga, ano kayang mahika ang ginamit nila?
"Hahahaha, mukha ba akong hari? Pffft, anyway salamat sa pagbati. Ikinalulungkot ko ang balita na hindi makakadalo ang hari ng South Kingdom, ang totoo papunta na sana sya kanina pero bigla kasing nadisgrasya ang anak nya. Kaya naisip kong ako nalang ang pupunta, tulong nalang sa kanya. Ako nga pala si Zachi. Nice to meet you!" Sabi nya at nakipag kamay sakin.
"O My Galunggong! Parehas tayo mag salita!" Natutuwa kongabi.
"Huh? Bakit iba ba ang salita ng mga Sirena at Sireno?" Tanong nya sakin.
"Hindi naman, ang lalim lang nakaka nosebleed." Bulong ko sa kanya.
"Hahaha, ganyan din dati sa Other World. Pero nakapagtataka ha, pano ka nakakapag salita ng english kung puro kasama mo dito ay pure tagalog?" Taka nyang tanong.
"Hindi ko din alam, lahat ng mga salita na nabibigkas ko ay nasa utak ko na para bang dati ko na yung ginagamit." Sabi ko sa kanya.
"Maligayang pag dating Ginang Za–" Bigla syang pina tigil ni Ms. Zachi.
"Halaaaaaa. Wag nyo po akong tawaging Ginang! Feeling ko ang tanda ko na, 25 palang po ako no? Tawagin nyo nalang akong Zachi o Lady Z hahaha ang astig pakinggan nun eh." Natatawa nyang sabi, ang astig naman nya!
"Kung ganon Lady Z ay halina kayo sa aming palasyo. May nakahandang salo salo para sa ating lahat." Sabi nya at tumalikod na.
"Feeling ko, sobrang strict ng babaylan nyo. Wait, ano nga palang pangalan mo?" Tanong nya. Bigla akong natigilan, a-anong pangalan ko?
Napansin nya sigurong natigilan ako kaya humarap sya sakin at sinuri ako."Wa-wala akong pangalan. Tanging 'Mahal na Reyna' lang ang tinatawag nila sakin. Kaya pasensya na at wala akong mabibigay na pangalan sa iyo." Sabi ko, nang tumingin ako sa kanya at kakaiba ang mukha nya.
"Wahuhuhuhu, nakakaiyak ka naman eeeh! Hindi ka ba nila binigyan ng pangalan? Huhuhu grabe naman silaaaaa!!!" Sigaw nya na. Galit ba sya? Anong ginagawa nya?
"Prinsesa Guianna, tahan na po huwag po kayong umiyak dito makakasama po yan sa inyong anak." Sabi ng babae sa tabi nya.
"Huhuhuhu kasi eh! Bakit hindi nyo sya binigyan ng pangalan?! Di ba Reyna nyo sya? Panong ngangyaring wala syang pangalan?! Huhuhuhu" Iyak nya. Kung ganoon ganyan pala umiyak? Bakit ang sabi sakin may luha na dadaloy sa mata kapag umiiyak. Hindi kaya dahil nasa tubig kami? Siguro nga!
"Naku Lady Z! Walang kaso sakin yon. Tahan na po" sabi ko sa kanya.
"Tignan mo! Huhuhu ang bait mo pa! Don't worry ako mag iisip ng pangalan para sayo!" Sabi nya at biglang tumahan. Ngayon ko lang napansin, halos lahat na pala ay nakatingin samin.
Galit na ang mukha ni babaylang Merna.🐚🐚🐚🐚〰〰〰〰〰〰
Habang nasa hapag ang lahat ay kanya kanyang chika ang lahat. Pero napansin kong hindi kumakain si Lady Z.
BINABASA MO ANG
From the Other World
FantasyKung may mga gusto kayong sabihin go lang po. Kahit murahin nyo kwento ko okay lang po salamat po sa pag babasa. May mga kinuha rin po ako sa paborito kong Anime nung bata pa ako na hanggang ngayon fav ko parin pero di na gaano. Pichi Pichi Pitch Me...