S. A. C POV
"Miss Sandy Chelpt! Sasama kaba sa tour?" Tanong ni Ma'am kay Sandy-malandi.
"Of course ma'am! Sasama si Prince kaya sasama din ako! Pero kawawa naman yung iba jan, rinig ko dahil pulubi sya di sya makakasama. Hahahahaha I pity you naman" Sabi nya ng may panguuyam na tono. Tsss mabuti nalang hindi sya lumingon dahil babatuhin ko talaga sya ng encyclopedia sa mukha! Hmp!
Napairap nalang ako sa hangin."Miss Aijia Summer Culiex, ikaw sasama kaba? Sinusulat ko na kasi ang sasama sa hindi para masabihan ko yung caretaker ng bahay. So sasama kaba?" Mabait na sabi ni Ma'am.
"Aaah ma'am hindi po muna ngayon" Kamot ulo kong sabi.
"Ha? Bakit naman? May mga ilang Artist din kasi ang pupunta doon sayang naman kung di ka pupunta"
Sabi nya. Huhuhuhu kung may money lang ma'am eh! Edi gorabells ang peg ng lola nyo pero hindi eh! (T A T)"Eeeh kasi po may pro–"
Napatigil ako ng may sumabat."She'll go with us"
Siryosong sabi ni Sun."Hu-huy! Ano kaba! Wala nga akong pera eh! Gusto mo ba akong lumubog sa utang?!" Medyo pabulong ko sa kanyang sabi, nilalakihan ko pa sya ng mata para masindak pero ang loko matibay.
"You don't have to worry, it's already paid." Bulong nya pabalik. Di na ako nakaimik.
Hanep talaga 'tong lalaking 'to! Kung magdesisyon walang pasabi!Pagkatapos ng klase ay agad ko syang kinausap.
"Babayaran ko nalang! Di ba 3000 din yun lahat? Okay sige pero hindi ko mababayaran ng buo mga siguro linggohan kaya salamat sa pagpapahiram ng per—" Bigla nyang inilapit yung hintuturo nya sa labi ko.
"Shhhh... I don't want your money, i will have Five wishes from you and of course you should do all what i want"
Pa cool nyang sabi. Hanep! Ginawa pa akong genie! Kala ko clown lang genie din pala! Grrrr!Sinimangutan ko sya at sisigawan sana dahil hindi ako payag pero.
"No but's! And call me Master" The heck!
"Yuck ha! Laos na yan! Pwede ba wag kang choosy?!" Sabi ko sabay irap.
"Tsss.. Yeah whatever " Irap nya at tsaka sya umalis. Aba aba! Ang tarush ng mokong na yun ah?! Bakit sya gwapo pagumirap? Samantalang ako tumirik lang parang sinaniban.
(— _ —)7Pag uwi ko nang bahay (pagkatapos ng trabaho) agad akong humilata sa kama.
'Magandang gabi sayo Sum!' Bati ni Sea sakin.
"Good evening din, teka gutom na ba kayo?" Tanong ko habang inaayos yung gamit ko.
'Oo! Gutom na gutom na nga ako eh, yung mama mo kasi konti lang binigay samin' Reklamo ni Corr.
'Mahal lagi ka talagang gutom, pasensya kana sa asal ng mahal ko, Sum ha?'
Malambing namang sabi ni Clamy."Haha ayos lang, oh ito medyo dadamihan ko para di kana mag reklamo pa"
Sabi ko kaya nagsikain na sila.Habang pinapanood ko silang kumain nasagi sa isip ko ang kwintas. Kung konektado ang lahat ng nilalang sa dagat edi bawat sikreto nila pwede kong malaman?! Waaaaw!!!
"Aaaaaaam.... Guys"
Tawag ko sa kanila.'Bakit Sum?' Sagot naman nila.
"Diba marami kayong alam sa mundo ng karagatan?" Tanong ko sa kanila. Sabay sabay naman silang tumango.
"Kung ganon alam nyo ba kung ano ito?" Sabay pakita ko sa kanila ng kwintas.
Biglang namilog ang mata nila at tumingin sa isa't isa.'Isa yang promise necklace!!! Ang mga mahaharlikang Mardon lang ang nakakagawa ng ganyang bagay at binibigay nila ito sa kanilang mapapangasawa! Bakit ka may ganyan?!" Panic nilang sabi. What?! Ano daw?
"Eeh bago kayo mag panic, ano muna yung Mardon? Ay wait! Naikwento na sakin yan ni Lola! Diba sila yung mga magician ng dagat? Pero diba kwento lang yan? Gawa gawa lang yan ng mga mangingisda at matatanda para sa mga bata?" Tanong ko sa kanila.
'Nagkakamali ka Sum! Kaming anim ay nakatira sa kaharian na tinatawag na Brineasia kung saan na ninirahan ang mga sireno't sirena at sa Tarchannen naman ang kaharian ng mga Mardon. Hindi ganon kalayo ang kaharian nila sa amin kaya't nangangamba ang kami kung sasakupin kami.'
Malungkot na kwento ni Shelly."Bakit naman kayo sasakupin kung may sarili silang kaharian?" Tanong ko naman.
'Kilala kasi sila bilang sakim, totoo yun dahil nais nila sila ang maghari sa buong karagatan. Mabuti na lamang at handa ang mga sirenong protektahan ang mga sirena at ang buong kaharian.
Sa ngayon usap usapan na baka lumusob na at magdeklara ng digmaan ang mga Mardon. Medyo matagal na kasing walang namumuno sa Brineasia." Malungkot namang sabi ni Sea."Huh? Anong connect kung walang hari o reyna o sino mang na mamahala?" Tanong ko naman.
'Sa sinauna kasing propesiya iisang kaharian lang ang maaaring mamuno sa buong karagatan. Ngunit alam naman nating lahat na ang magkakauri ang nagsasama sama kaya't gumawa sila ng sariling kaharian. Tingin ko nasa dalawangpu ang mga kaharian sa buong mundo. Kaya malamang magkakaroon na nang gera sa karagatan." Kwento naman ni Clamy.
'Mabuti nalang nandirito tayo sa lupa!' Proud namang sabi ni Wave.
'Tumigil ka nga mahal! Nag aalala na nga ako sa mga kauri natin eh! Baka pati mga isda sa dagat magkagulo din no?!' Sermon naman ni Sea kay Wave.
"Grabe naman pala, eeeh wait! Sinabi nyo bang binibigay ito ng mga mahaharlikang Mardon sa kanilang mapapangasawa? Eh pano yun wala naman akong matandaang may nagbigay sakin nito eh."
Sabi ko naman.'Hindi rin namin yan masasagot, Sum' Tugon ni San.
"Ayos lang no! Eeh pano naman ang mga shokoy? Mapapanget ba talaga sila? Iniimagine ko kasi sila at mukha silang palaka sa isip ko." Bigla naman silang tumawa.
'Isa rin yan sa pagkakamali ng mga tao! Hahaha hindi sila panget o mukhang palaka sa katunayan tinatago nila ang kanilang totoong itsura sa mga tao para matakot ito. Mga matitipunong nilalang ang mga shokoy ngunit mga pilyo, mahilig silang mangulekta ng iba't ibang gamit at kinakalakal nila ito sa iba pang nilalang.
Madalas sa mga kweba sila nakatira kasama ang mga kauri nila ngunit hindi tulad ng iba sila kung magsama sama ay kakaunti, tradisyon na nila yun"
Paliwanag ni Shelly."Wooow! Ang astig naman! Gusto ko tuloy makakita ng isa sa kanila! (* 0 *)" Namamangha kong sabi.
Agad akong humiga pagkatapos ng kwentuhan namin. Parang di kapanipaniwala pero nakakamangha kung totoo man sila!
Pero ang dapat kong problemahin ay yung Trip namin! Sasama nga ako pero pano sina mama at lola dito? Tatlong araw din yun at baka naman magkaproblema sila dito tapos nasa kabilang ibayo ako ng pilipinas! Pano naman ako lilipad papunta doon? Sabi kasi nasa Tagaytay daw yun. Okay sorry naman kung OA yung kabilang ibayo ng pilipinas.
Nag aalala lang talaga ako.
Sa kakaisip nakatulog na ako.
BINABASA MO ANG
From the Other World
FantasyKung may mga gusto kayong sabihin go lang po. Kahit murahin nyo kwento ko okay lang po salamat po sa pag babasa. May mga kinuha rin po ako sa paborito kong Anime nung bata pa ako na hanggang ngayon fav ko parin pero di na gaano. Pichi Pichi Pitch Me...