Chapter #19

4 1 0
                                    

Sorry wala yung kwintas nya... Wala kasing accessories yung anime maker eh... Si Sum nga pala! ⬆️⬆️⬆️ 🙄🙄🙄🙄
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

S. A. C. POV

"Huhuhu Gutom na akooo!" Reklamo ko sa sarili ko. Pano! Kahit saan nakabuntot sya! Mabuti nalang walang mga Proff ngayon dahil may mga meeting, ngayon nagtatago na ako dito sa bodega, hindi naman madumi dito ngunit walang ilaw. Mabuti nalang may pom dito kaya ngayon nakahiga ako, hindi ko alam kung bakit pero feeling ko pagod na pagod ako.

"Haaay! Oooy! Jusko! Ano ba naman ito diba?! Takte na! Nag mukha akong shunga! Pinaasa nya lang akoooo!" Kanta kong ewan dito, hahaha wala namang makakarinig dahil liblib na masyado dito.

"At sino naman yung lalaking yun?"

"Malay k– Sino ka?" Medyo nagulat ako dun ha? Madilim kaya di ko sya kita pero ng lumapit sya sa liwanag.

"Sun? Hi-hindi, hindi ka si Sun, kung ganon sino ka?"
Tanong ko sa kanya. Napabangon ako at tinignan syang mabuti.

"Hahaha, ang galing mo naman. Totoong hindi ako si Rieull oh kung ano mang awag mo sa kanya, I'm Prince Keinzzo Rieune Lhoille Quell Zaise Ferrou Daizierrielle pwede mo akong tawaging Quell sanay kasi ako dun and nice to finally meet you." Sabi nya. Hmmm... Kadudaduda, never nagsabing may kakambal si Sun.

"Pano ako makakasigurong kambal kayo?" Tumawa sya ng parang baliw, ang creepy nya.

"Hindi paba halata sa mukha? Oh well sabagay mag kaiba kami ng buhok at mata but here look." Sabay pakita nya sakin ng picture nilang dalawa. Naka akbay si Quell kay Sun habang naka peace sign, hindi na sana ako maniniwala dahil baka edit lang yan pero parehas silang nakangiti, ganyan ang lagi kong nakikitang ngit ni Sun.

"Oh ano? Naniniwala kana?
I'm his older brother and ang mag mamana nitong university! Hahahahaha!" Tawa nya ulit na parang baliw, okay! Kabaliktaran nya ang kapatid nya. SOBRA!

"Eh, Bakit ka nandito?" Tanong ko sa kanya.

"Diba dapat mag pakilala ka muna? Haha wag na pala, kilala naman na kita.
Kung bakit ako nandito? Wala lang nakakatamad mag aral dito sa mundo ng tao, paulit ulit nalang. Tsaka tambayan ko to dito eh at kung nagtataka ka kung bakit hindi mo pa ako nakita miski isang beses dahil ayokong magpakita sayo, tsaka ang hirap maging gwapo no!"
Ang weird nya sobra, kabaliktaran ng ugali ni Sun. Pero kung kambal nga sila, edi Mardon din sya? Edi lahat ng tanong ko masasagot nya?

"Mardon ka din ganon ba?" Tanong ko, agad syang napalingon sakin.

"Alam mo na? Pano mo nalaman?" Tanong nya agad.

"Yung mga isda ko, sinabi nila ang sikreto ng karagatan. Don't worry wala akong balak ikalat yun, naniniwala kasi akong dapat manatiling lihim ang mga ganyang bagay." Sabi ko sa kanya.

"Hahaha, Cool! Kung ganon sasagutin ko ang tanong mo." Sabi nya na kina ngiti ko.

"Alam mo ba kung ano to?" Tanong ko. Nanlaki ang mata nya at lumapit pa dito.

"Ang Promise necklace! Aha! Kaya pala! Hahahaha, magaling ka talaga kambal! Pero isang malaking baliw din! Okay okay, Ang promise necklace ay katumbas ng singsing dito sa mundo nyo, ang pinagkaiba lang ay pag nakipag kasundo kana sa isang Mardon habang buhay na kayong nakatali sa isa't isa."
Napanganga ako sa sinabi nya, ku-kung ganon paano ko nakuha to?! At sinong Mardon naman ang nakatadhana sakin?!

"Eh sino nama–"

"There you are! Why are you here?! Le– Quell? Why are you here too?" Tanong nya kay Sun.

From the Other World Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon