Chapter # 6

16 1 1
                                    

SUMMER AIJIA CULIEX

"Anak kumain kana at anong oras pa ang pasok mo" sabi ni mama kaya nagsandok n ako ng pagkain ko.

"Aaam Ma? Si Lola po?" Tanong ko

" Naku tulog pa dahil pagod daw sya , alam mo namang mabilis mapagod na ang lola mo" sabi nya habang kumakain

"Eh ikaw ma? Ayos kalang ba sa trabaho mo? Di ka naman ba nahihirapan?" Tanong ko naman

"Ano ka ba naman Sumai wag ka ngang mag alala, madali lang naman mag tinda ng kung ano ano sa palengke eh! Kaya wag kanang mag alala at mag aral ka nalang mabuti." Sabi nya at uminom na ng tubig.

"Okay po medyo mahuhuli po pala ako mamaya kasi mag papart time ako sa 7/11 nag apply ako nung nakaraan  para may maidagdag manlang sa bill dito sa bahay" sabi ko naman

"Talaga anak? E anong oras ba ang pasok at uwi mo?"

"Eh diba po 6 o'clock ang uwi sa school kaya sabi nung manager pwede daw akong pumasok ng mga 7 o'clock at uwi ko daw ay 11 nang gabi mabuti nga po at solid na 12:00 to 6:00 ang oras ko, salamat sa Diyos " sabi ko naman at uminom ng tubig

"O sya! Wag kang aanga anga sa trabaho baka mapaalis ka ng wala sa oras . Mauuna narin ako at nang maagang makapagbukas ng tindahan. Mag ingat ka" sabi nito at hinalikan ako sa pisnge at saka sya pumasok sa kwarto at kay Lola naman nagpaalam.

ARTFORD UNIVERSITY

From the word ART nga diba? Kaya pinapaalala ko lang isang art school tong napasukan ko pati narin pala si Farreih. Bukod sa talented ang mga nandito mayayaman din at wala kang makikitang panget. Yep! Ako lang ang panget dito, astig no? (- " -)

Maaga akong pumunta ngayon dito sa school kasi manonood ako sa Orchestra namin dito. Naastigan din kasi ako sa violin kaya nahiligan ko na silang panuorin. Mababait naman yung ibang taga Orchestra kaya may mga kasundo ako sa kanila.

"Uuuy! Good morning Sum! Manonood ka ulit?" Tanong ni Patrick sakin.

"Oo sana ano bang i pa praktis nyo ngayon?" Tanong ko sa kanila.

"Folk song, yung taga Drama club kasi kailangan kami sa susunod na araw kaya ayan mag pa praktis kami." Sabi nito at nilinis ang violin nya.

Mag uumpisa na sana sila ng may dumating. Si Eivah, yung  isa sa pinakamagaling na violinist sa kanila. O bat late to?

"Oh Eivah? Himala atang na late ka? Anong meron?" Tanong ni Racy nag fu flute sya.

"Eeeeeeeeh!!!! May dumating kasing gwapo! O My Gaaaash talaga! Nag kukunpulan nga sila doon sa main gate eh! Kaya na late ako kasi nakakalaglag panty yung ka gwapuhan nya eh!"  (>///w///<)/ taray naman kung maka laglagpanty to parang Greek god yung dumating.

Ang akala ko itutuloy na nila yung pagtugtog pero biglang tumunog ang speaker.

"Attention Everyone, all students may proceed to gymnasium immediately. Again please proceed to gymnasium immediately." Rinig naming lahat kaya ayun tumayo nalang kami at pumunta sa gym.

Nauna ako sa kanila dahil nagligpit pa sila at agad kong nakita si Farreih, marami kasing lalaki ang naka paligid  dyan lagi. Alam nyo na pretty, matalino at mabait kaya habulin. Pumunta ako sa harap nila at halata mong iritado sya sa mga lalaking kumukulit sa kanya.

"Ano ba?! Di nyo ba ako titigilan?! Ipapakausap ko kayo sa boyfriend ko?! Ano?!" Sabi nya naman. Di ko tuloy mapigilang tumawa, hahaha madalas nilang sabihin yan ng barkada naming babae at pag sinabi nilang oo edi tatawagan nila yung boys namin, para sila ang kakaisap at mananakot sa mga ito. Hahaha sila din ang nakaisip nyan eh kasi protective silang lahat samin kahit wala namang manliligaw sakin haha.

From the Other World Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon