SUMMER AIJIA CULIEX
Ako lang ba?! O ako lang talaga?! Bakit
lahat ng klase ko nan don sya?!!!
Huhuhuhuhu!!!! Wala naman akong ginagawang masama sa kanya ah?!!! Bakit parang ang laki ng atraso ko sa kanya???Lahat kasi ng klase ko sa araw na to ay klase nya rin, pati oras ng break nandoon din sya. Nagkataon lang ba o talagang feeling gerang paranoid lang ako?
Tsssss... Kung makatingin pa kala mo may ginawa akong masama, karumaldumal at di makataong gawain!(-A-)?
Nasa last period na kami ng klase, hay salamat! Nag slouch ako sa upuan ko dahilan para malaglag yung cellphone kong de keypad lang sa paahan ni Sun. Saktong may tumatawag pa! Anak naman talaga ng butiki o oh?!
Stevhen Calling.....Wrong timing talaga tong lokong to! Ma konyatan nga mamaya!
"Kanino ang cellphone na yon? Paki patay muna at nag ka klase ako" sabi ng Prof naming mabait, buti nalang!
"Sorry po Ma'am!" Sabi ko naman sa kanya.
Kukunin ko na sana yung cellphone ng bigla itong kinuha ni Sun, akala ko ibibigay nya pabalik but i was wrong. Anong ginagawa nya?! Sinagot nya ang tawag! Naloko na talaga!
"We currently have a class so stop calling her, you're a disturbance " siryoso nitong sagot at pinatay yung cp ko. Bastos! Bigla namang binato yung cp ko kaya ayun lasog lasog.
"Bakit mo sinira?! Adik kaba ha?!!!" Bigla ko tuloy syang nasigawan.
"What happened? Mr. Daizierrielle, why did you throw her cellphone?" Pag uusisa ni Ma'am.
"It's not my responsibility to tell you the reason of it. I will excuse myself 'cause it's time to go " basto talga at umalis na nga kasabay noon ang pag tunog ng bell.
Kinagat ko naman ang ibabang labi ko at isa isang pinulot ang parte ng basag at sira sira kong cellphone.
Di ko matiis na hindi umiyak, regalo kasi sakin to nila mama at lola ng 16th birthday ko.
Nang matapos kong pulutin lahat ay inilagay ko sa bag at pinunasan ang luha tsaka umalis.Natanaw ko si Farreih at Stev sa gate ng school.
"Oh? Anyare sayo , Sum? Ayos kalang ba?" Tanong bi Farreih.
"Ah oo medyo banggag lang sa lesson namin" matamlay kong sabi.
"Sino yung lalaking sumagot? Bastos yun ah bat nasa kanya yung cp mo?" Tanong ni Stev.
"Nalaglag ko kasi ng hindi sadya kaya na dampot nya saktong tumatawag ka lero pagtapos hinagis nya yun kaya ayun dedo na ang cellphone ko" pag susumbong ko sa kanila.
"What?! Eh bastos naman pala talaga! Sino ba kasi yan??!" Galit na sabi ni Stev.
"Aaam wala, tara na sa 7/11 baka ma late ako. Farreih sasama kaba?" Tanong ko dito.
"Nope ,sorry i have things to do pa. Next time nalang ha? Stev ingatan mo yan! Bye!" Sabi nya sabay sakay na sa kotse nila.
"Bakit ayaw mong sabihin?! Binu bully kaba nya ha?" Inis nitong sabi.
"Hindi naman, na gulat nga rin ako ng itapon nya. Okay lang mag iipon nalang ako pang bili ulit ayaw ko lang talaga ng gulo baka maka apekto pa sa scholarship ko"sabi ko habang naglalakad na kami.
"Tssssss... Sobrang bait mo naman talaga. Don't worry I'll buy you a new cellphone " alok nya na agad kong tinanggihan.
"Naku wag nalang, mas magagalit sina mama kapag nalaman nilang binilhan mo ako isa pa may mga mura na ngayong cp kaya don't worry" nakangiti kong sabi sa kanya.
BINABASA MO ANG
From the Other World
خيال (فانتازيا)Kung may mga gusto kayong sabihin go lang po. Kahit murahin nyo kwento ko okay lang po salamat po sa pag babasa. May mga kinuha rin po ako sa paborito kong Anime nung bata pa ako na hanggang ngayon fav ko parin pero di na gaano. Pichi Pichi Pitch Me...