Chapter #21

5 1 0
                                    

Muhehehe Hi guys!!!
Pasensya na kayo at di ako ganon ka galing mag lahad ng kwento... Hahaha.... Sorry at parang nakita nyo na ito sa ibang palabas o kaya nabasa. Huhuhu Pasensya naaaa!
Pero anyway may karugtong pa ang kwentong ito... Maraming salamt sa nag cha chaga! Thank you!

🐬🐬🐬🐬🐬🐬🐬🐬🐬🐬🐬

THIRD PERSON'S POV

"Ano?! Anong nangyari sa anak ko?!" Sigaw ng nag aalalang ina ni Sum.

"A-ang apo ko.." Bigla namang hinimatay ang Lola nito, walang nagawa ang mga kawal kung hindi ay saluhin ang hinimatay na matanda.

"Mama!" Tanging tawag nito sa Ina. Binuhat sya ng isa sa kawal at dinala sa kotse gayun din sa anak nitong hindi na alam ang gagawin.

"Ipapaliwanag ni Mr. Daizierrielle ang mga nangyari ngunit sa ngayon po ay dahil natin ang iyong Ina sa ospital." Sabi ng isa sa kawal. Tumango lamang si Mrs. Culiex.

☁️☁️☁️☁️☁️☁️☁️☁️☁️☁️☁️

"S-si Sum?! Pinatay?! Nino?! Bakit?! Saan?!" Sigaw ng kanyang mga kaibigan.

"I'm sorry." Tanging sabi ni Sun sa kanila.

"Paano nangyari yon?! Bakit hindi mo sya prinotektahan?! Nagtiwala kami sayo! Nagtiwala kami kasi pinagkakatiwalaan ka nya! At ngayon sasabihin mong pinatay sya at wala kang nagawa?!" Gigil na sigaw ni Stevhen kay Sun. Aambahan sana sya ng suntok pero pinigilan sya ng iba pa.

"Si-si Sum? Bakit sya pinatay? Wala naman syang nagiging kaaway eh. Sya ang lumalayo sa kaaway, pero , pero bakit nangyari to?" Bulong ni Syllvia sa sarili habang tumutulo ang luha.Agad syang dinaluhang ng yakap ni Retsel. Tuluyan nang nagiyakan ang kanyang mga kaibigan, mapa lalake man o babae dahil para sa kanila, nabawasan sila ng isang pagkatao na noon nabuo dahil naging magkakaibigan sila.

"I'm inviting you all in our home, there are cars that will get you later, my Father want to have a word with you all." Sabi ng Prinsipe at agad tumalikod.

"Please, remember her in your hearts, please don't forget her good deeds, her sweet voice, her cuteness and clumsiness, her face and her height and most of all her love for all of you because even in her last words i know she's pertaining to all of you that she loves." Ito ang mga salitang lalong nakapag hagulgol sa kanila. Tuluyang umalis ang Prinsipe.

Samantala, ang mga nakakataas na mardon ay patuloy paring hinahanap ang katawan ng babaeng kasalukuyang nag mamayari ng mahiwagang perlas.

Ngunit hindi nila alam ay kanina pa sya kinuha ng mga dolphins. Ang mga dolphins ay ang una sa pinaka matulunging nilalang sa dagat at sila rin ay pinaniniwalaang alagad ng Diyos upang tumulong sa sino man.

Ang mga dolphins na ito ay dinala sya sa isang kweba nakung saan nagtatago ang isang nilalang na pinaniniwalaang patay na, si Reyna Kiarrah.

"Sino ang binibining ito? At bakit nyo sya dinala dito sa aking yungib gayong hindi naman sya dito makakahinga?" Alalang sabi ng Reyna sa mga dolphins. Kinausap sya nito gamit ang isip, at sinabi nilang nasa kanya ang perlas. Agad nya itong pinahiga sa malambot na mga seaweed na pinagsama sama. Nakita nyang naghihilom ng kusa ang kanyang mga sugat sa katawan.

"Totoo nga mga kaibigan, sya ang nakakuha ng kulay rosas na perlas. Sa wakas! Matatapos narin ang aking misyon!" Bulalas ng Reyna na tuwang tuwa.

Nagulat sila pare parehas ng biglang umilaw ang perlas nito, sa sobrang liwanag ay napapikit sila. Mga ilang segundo lang ay nawala din ito at nakita nilang ang paa ng munting binibini ngayon ay buntot na. Sa hindi malamang dahilan ang kulay nito ay katulad ng kanyang perlas at ang buhok nito ay purong itim na kakulay ng gabi.

"Mukhang may bago nang Reyna ang Brineasia."

Dinala ito ng Reyna sa Brineasia gamit ang kanyang kakayahang ipinagkaloob ng Bathala sa kanya.

Dumating sila sa palasyo na nagkakagulong mga sireno't sirena. Nagkaroon na naman ng hindi pagkakaunawaan sa mga dapat nilang gawin.

"Huminahon kayong lahat." Tinig ng Reyna na umabot hanggang sa dulo ng Brinesia.

"Ang mahal na Reyna Kiarrah! Nag balik sya!" Yumuko ang lahat ng sireno't sirena sa kanya.

"Nandito ang aking ispirito upang ihatid sa inyo ang napagandang balita." Nakangiti nitong sabi, marami ang nagbulungan at nag tataka sa tinuran ng kanilang reyna.

"Naririto sa aking tabi, ang inyong susunod na Reyna. Nais kong ipamana sa kanya ang aking trono at ang buong kaharian ng Brineasia." Agad na natuwa ang lahat sapagkat matagal na nila itong nais na may tatayong pinuno sa kanila.

"Mahal kong kaibigan, nan dito ka!" Bulalas ng Babaylan sa kanya at sila'y nagyakap.

"Sya, sya ang..." Sambit ng babaylan ng makita ang tulog na si Sum.

"Kilala mo sya aking kaibigan?" Tanong ng Reyna sa kanya.

"Hi-hindi sa ganon, parang nakita ko na sya ngunit hindi malinaw kung saan." Pagsisinungaling nito.

"Kung ganon ibinibilin ko ang pangangalaga nya sayo. Sya ang nais kong magpatuloy na magmalasakit at pagsilbihan ang buong kaharian. Lalo na ngayon at sigurado akong hahanapin yan ng nakakataas na Mardon na gahaman sa lahat ng bagay." Sabi nya at niyakap ulit ang kaibigan.

"Makakaasa po kayo mahal na Reyna." Sabi nito.

"Aasahan ko yan. Ako'y nagpapaalam na sa inyong lahat aking mahal na Brineasia, sa susunod na pagkikita." Tuluyang nawala ang kaluluwa ng Reyna na parang bula.

Ipinasok nila ang binibini sa kwarto at duon inihiga sa malambot na kama.

"Nakakatuwa babaylan! Nandito ulit ang binibini! Ngunit ngayon ay hindi na natin sya dapat ibalik sa lupa, hindi natin yan magagawa sapagkat wala na ang portal na lagusan patungong mundo ng tao." Komento ni Shelia ang dating dalagang sirena na nais magkupkop sa batang sirena noon. Sa ngayon ay mayroon na itong asawa at isang anak.

"Kailangan nating mag handa sa pag gising ng bagong Prinsesa." Seryosong sabi ng Babaylan sa dama ng palasyo.

"Naku! Sasabihan ko na ang mga manlilikha ng mga disenyo na kailangan ng bagong reyna ng palamuti sa kanyang magandang buntot." Tuwang tuwa na sabi ng dama.

"Maari bang wag kang maingay? Baka sya ay magisi–" Nahinto sya ng pagsasalita dahil bumangon sa kama ang bagong reyna.

"Ah! Ang bagong reyna! Gising na! Mahal na reyna! Kamusta po ang inyong pakiramdam?"
Ngunit wala syang nakuhang sagot dito.

"Mahal na Reyna? Ayos lang po ba kayo?" Tanong ulit ng dama ngunit hindi parin sya sinagot nito.

"Babaylan, hindi sumasagot ang bagong reyna, tila hindi rin sya nagulat nang nakita nyang nasa isa syang palasyo." Bulong ng dama.

"Hindi rin ako sigurado sa nangyayari sa kanya." Turan ng babaylan.

From the Other World Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon