“Iniiwasan mo ba ako?” Tanong niya sa akin. Patuloy pa rin ako sa paglalakad. Hinde ko pa rin siya pinapansin.
“Clerisse Ang! Kanina pa ako nagsasalita dito kaya pansinin mo ako!” Sigaw niya. Lalo kong binilisan ang paglalakad ko. Hinde ko pa rin siya pinapansin hanggang sa hinatak niya ako kaya napatigil ako sa paglalakad.
“Allen, bakit mo nagawa sakin yun?” tanong ko sa kanya. Yumuko lang siya sabay sabing “I’m sorry.”
“Explain Allen or else, magkakalimutan tayo.” Banta ko.
“K-kasi…”
“Kasi ano?”
“K-kasi…”
“Ano nga eh?”
“A-ano k-kasi…
M-mahal kita..”
O____________O
“HINDEEEE!!!” “WAHHH!” Napamulat agad ako. Wew, panaginip lang pala! Sana wag naman totoo. Tae, natatakot tuloy ako kay Allen. Napatingin ako sa side table ng kama ko at tinignan ang cellphone ko. 2 missed calls from Garet, 3 messages galing kay Allen at one message galing kay Tyrone.
O_______O
Galing kay Tyrone?!
Una kong tinignan ang text ni Labs.
From: My only hope <3
Hi My Rissy. Good morning.
Pinigilan ko muna ang kilig ko saka ko itinakip ang unan ko sa mukha ko at dun nagsisigaw.
“Humayghaadd! Help me, mamamatay na ako sa kilig, eek!” Sigaw ko pa. Sunod kong binuksan ang message ni Allen.
From: Allen G.
Huy, Clerisse. Miss na kita. Ilang araw tayong hinde nagkakausap ah.
Medyo nakaramdam ako ng guilt. Tama kaya ang pagiwas na ginagawa ko sa kanya? Aish, nakakainis. Ako pa ang may ganang makaramdam ng guilt.
From: Allen G.
Goodmorning, Clerisse. I miss you.
Huuu, nagiguilty talaga ako. Aish, dapat umamin muna siya bago ako makipagbati sa kanya!
From: Allen G.
Sat naman ngayon kaya, will you meet me? Bestfriend? Pretty please?
Ang lakas naman ng panghatak ng guilt tong si Allen! Hinde ko matiis. Pero, hinde ayoko. Gagawa na lang ako ng paraan para hinde makipagkita sa kanya.
BINABASA MO ANG
Operation: Stealing My Crush's Heart (Self Published)
Teen FictionKung magkakaroon ka ng crush, what would you do para mapa-saiyo siya? Si Clerisse? Gagawin niya ang lahat para lang mapa-sakanya si Tyrone, ang lalaking matagal niya ng pinapangarap. (Started: June 16, 2013 - Ended: December 25, 2013) FINISHED || UN...