Pasukan na ulit. Sabay sabay kaming pumasok nila Garet, at ate Cherisse. Nakasakay na kami sa limousine at pinaguusapan namin ang plano namin or more on nila.
“Clerisse…” Napalingon naman ako dahil tinawag ako ni ate Che.
“Nasa tapat na tayo ng school. Tandaan mo ang plano natin. Unang una, wag kang magpapaapekto kay Irish. Pangalawa, gawin mo ang operation niyo. Dalawa na lang yun, kaya wag mo ng sukuan.” Sabi niya. Tumango naman ako. Actually, hinde ko alam ang dapat kong iasta ngayong nasa school ako. Hinde ko alam ang dapat kong gawin pag nakita ko si Tyrone.. Si Irish. Hayy.
Huminto na ang limousine sa tapat ng school. Eto na, Woooohh, way to go, Ang! You can do it! Fighting! Aja!
Bumaba na kami ng limousine at sabay sabay kaming naglakad papasok ng SPC. Yeah, as usual, walang pinagbago.
“Hi!” Except sa pagbati sa amin ni Irish. Nakangiti siya, pekeng ngiti. Inirapan lang siya ni Garet habang si ate Che.. well, let’s just say na magaling din sa plastikan yun. Remember, pinakisamahan niya noon si Shaina? Well, papakita niya ang natutunan niya kay Shaina kay Irish.
“Hello, sweetie. Do you know us pala? Haven’t see you before. Ang pagkakaalam ko kasi, this school is exclusive for beautiful women only. Why did you enroll anyway?” Tanong ni ate Che kay Irish.
“Kasi, I believe I’m one of those.” Sabi ni Irish sabay ngiti. Tumaas ang kilay ni ate Che tapos ay ngumiti. Ibig sabihin lang nun, ay naiinis na siya sa kausap niya.
“You do? Trust me sweetie, it’s not comfortable when you’re accepting a lie.” Sabi ni ate Cherrie sabay tapik sa balikat ni Irish. Nilagpasan na namin siya pero lumingon ako para tignan siya. Inirapan lang niya ako at naglakad na rin palayo.
“Oh siya..” Sabi ni ate Che. Ngayon ko lang napansin, papasok na siya sa gate ng college. Magkahiwalay kasi ng compound ang high school at college dito sa SPC.
“Mauuna na ako. Can’t believe na makapal talaga ang pagmumukha ng Irish na yun. Letche siya. Wag na wag na niyang tatangkain na banggain ulit kayo. Ako na mismo ang makakaharap niya.” Sabi ni ate Che. Nag-agree naman sa kanya si Garet at nagpaalam na sa amin. Naglakad na kami ni Garet papasok ng room. Ang tahimik niya ngayon, BH kasi siya eh. Hayy, mag bestfriend talaga kami. Parehas broken hearted.
Pumasok na kami ng classroom and as usual, magulo pa rin. Nakita ko na nakaupo si Tyrone at natutulog. Si Allen naman, nakaheadset at malamang, nakikinig ng music. Hinde pa kasi dumadating ang first subject teacher namin. Baka naman, nakipagdate ulit. Tsk, landi amp.
Umupo na ako. Inilabas ko na lang ang physics book ko at nagreview. Baka kasi, magkaroon ng recitation kahit na pasukan na. Ganun kasi si Sir Lim, nagpaparecitation agad kahit na kakapasok pa lang.
“Good morning, class!” Nagulat ako sa nagsalitang yun. Buti naman at naisipan pa ni sir Lim na pumasok. Akala ko, cutting ulit siya eh. Abuso amp.
Bumalik na sa kani-kaniyang upuan ang mga kaklase ko. Ay, si Heath na nga pala ang katabi ko ngayon sa time ni sir Lim.
BINABASA MO ANG
Operation: Stealing My Crush's Heart (Self Published)
Fiksi RemajaKung magkakaroon ka ng crush, what would you do para mapa-saiyo siya? Si Clerisse? Gagawin niya ang lahat para lang mapa-sakanya si Tyrone, ang lalaking matagal niya ng pinapangarap. (Started: June 16, 2013 - Ended: December 25, 2013) FINISHED || UN...