Operation #18.

449 11 0
                                    

“Is Miss Ecomodelo 2013, Clerisse Ang exclusively dating Mister Ecomodelo 2013, Philip Allen Gonzales?” Nabasa ko ang nasa bulletin board namin. Kala nila nagdate talaga kami ni Allen noon. Psh, okay I admit. Date siya, kasi inaya ako ni Allen na magstar city pero sa tingin ko, friendly date lang naman yun eh.

“Totoo ba yan, Miss Clerisse?” Tanong nung babaeng katabi ko.

“Ah eh…” Ano ba sasabihin ko? Psh.

“No comment.” Sabi ko sabay ngiti. Umalis na kaagad ako pero sinusundan pa rin ako ng mga estudyante. Yung totoo, artista ba ako? Pagkakatanda ko lang, nanalo lang ako sa Miss Ecomodelo noh.

Napahinto ako sa paglalakad ng biglang may bumangga sa akin.

“Sorry.” Napatingin ako sa nagsalita. Si Tyrone. Eto na naman ako. Bumibilis na naman ang tibok ng puso ko. Para akong nasa game na nakasulat ay: Moving on failed. Try again.

“H-hey, Rissy.” Sabi niya sabay smile. No no no… don’t do this to me, Tyrone. May girlfriend ka na, may suitor na ako. Bestfriend mo ang suitor ko, don’t screw things up.

“H-hello.. U-uhm, m-may g-gagawin pa ako eh. Bye.” Sabi ko at akmang aalis na ako nang bigla niya akong hatakin pabalik sa kanya.

“All of them are asking the same question, Rissy. Talk to them, now,” Sabi niya. Wala na akong nagawa kundi ang humarap sa mga students na kanina pa kami pinagtitinginan.

“Miss Ang, totoo ba na nagdedate kayo ni Mister Gonzales?” Tanong nila. Tumingin ako kay Tyrone at sa kanila. Ano ba ang dapat kong isagot?

“Oo, totoo yun. Actually, kami na nga eh.” Sinabi ko yun ng nakatingin kay Tyrone. Gusto ko siyang masaktan, gusto kong maranasan niya ang sakit. Kaso, paano nga ba siya masasaktan kung hinde naman niya ako gusto?

Umalis na ako pagtapos kong sabihin yun. Bumungad sa akin si Allen na may dalang kape pagpasok ko ng room. Nakangiti siya sa akin kaya naman ngumiti din ako sa kanya. Binigay niya ang kapeng yun sa akin.

Dahil wala pa ang teacher namin, tumabi muna ako kay Allen at nakipagkwentuhan sa kanya nang biglang may bumatok sa akin.

“Uyy, ang sweet niyo ah. Nilalangam na kayo oh,” Lumingon naman ako sa epalogs na yun at hinde na ako magtataka na si Margaret Nicole Galvez ang bumatok na iyon.

“Ang sweet ni Mister and Miss ecomodelo oh,” Sabi pa niya. Ngumiti lang si Allen samantalang ako, tumingin ako kay Tyrone. Alam ko nagkukunwarian lang siya na walang pakelam pero kita ko na ang gilid ng mata niya ay nakatutok sa amin.

“Ganyan talaga, mahal ko eh,” Sabi ni Allen sa akin sabay ngiti. Ningitian ko rin siya pero deep inside, pinapanalangin ko na sana kahit one percent lang, makaramdam ng selos si Tyrone. Pero, mukhang hinde effective. Hinde nga kasi ako gusto tapos lumihis na rin ng tingin. Hay buhay!

After ng 5 classes namin, finally, lunch na. Alam niyo ung gutom? Ako yun eh! So, nagdecide kami na pumunta na kaagad ng canfeteria. Pero ang hinde ko inaasahan na mangyayari ay pinaupo na lang ako ni Allen sa isang table at siya na daw bibili lahat ng pagkain namin.

Operation: Stealing My Crush's Heart (Self Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon