Operation #19.

438 9 0
                                    

“Clerisse,” Sabi ni Allen na halatang gulat na gulat.

“Nice to see you again, Irish. Wag ka munang umalis. It’ll be fun kung isasali niyo ako sa kwentuhan niyo. Don’t you think so?” Sabi ko sabay ngiti kahit deep inside nag-aalboroto na ako sa galit. Si Allen na pinagkatiwalaan ko ulit, muling sinira ang tiwala na binigay ko sa kanya. Alam mo ung feeling na nagtiwala ka ulit sa isang tao kasi akala mo deserve niya yun pero hinde pala dahil ang mismong mga actions niya na ang nagsasabi? Pakshet.

“No, Stop it Clerisse,” Sabi ni Allen sa akin sabay hawak sa kamay ko, “Go now, Irish,” Sabi niya kay Irish. Umalis naman kaagad ang letsugas na babaeng yun.

Pumiglas ako sa pagkakahawak sa akin ni Allen pero masyado siyang malakas, “Ano ba, Clerisse! Wag ka ngang gumanyan! Date natin to kaya wag mo namang sirain!” Sabi pa niya sa akin, halos pasigaw.

“Wow naman, Allen! So, ako pa ang may kasalanan ganon? Tindi mo naman. Narinig ko lahat ng pinag-usapan niyo. So, ako pa talaga? Ako pa?!” Sigaw ko sa kanya. Nanlaki naman ang mga mata niya sa sinabi ko. Guilty to, halata sa mukha niya.

“Alam mo ba, Allen? Pinagkatiwalaan ulit kita matapos kang magsinungaling sa akin noon tungkol kay Rissy. Binigay ko ulit ang tiwala ko sayo! Kasi naniniwala akong deserve mo ang second chance, akala ko deserve mong pagkatiwalaan ka ulit. But I guess, no one deserves second chances. Hah, ang tanga tanga kong pinagkatiwalaan kita ulit, Allen. Tapos niloko mo ulit ako. Congrats, Allen. Ikaw na ang matalino, ako na bobo.” Sabi ko at tumalikod na ulit.

“Wait,” Sabi niya sabay hawak sa braso ko. Pumiglas ako ng malakas dahilan para mapabitaw siya.

“Allen, bitawan mo ako at baka hinde kita matantya. Allen, nagpipigil na lang ako ng galit dito kaya wag mo na akong hawakan pang muli,”

“No, Clerisse. Listen, I’m sorry. Hinde ko alam na ganito kahahantungan ng plano namin. Ginawa ko yun kasi takot ako na mawala ka sakin,”

“Takot? Ha ha ha. Nakakatawa ka. Ni hinde pa nga tayo eh. Tapos ganyan ka na umasta? Ha ha, I’m not yours, Allen. I will never be, ngayong alam ko na totoong ugali mo? Hinde na ako magpapaloko for the third time, screw you.” Sabi ko sabay lakad na palayo.

Ayoko ng magtiwala pang muli. Ayoko na. I had enough. First si Irish, ngayon si Allen. Ayoko na, pagod na akong magtiwala pa sa mga tao.

***

Trust issues.

Yan ang dahilan kung bakit iniiwasan ko na ang mga tao. Except kay Garet. Si Garet, for four years, subok na ang friendship namin.

Tapos na ang entrance exam ko sa SPC. Three months na lang at graduation na. Tapos na rin ang Christmas party namin. Pero, hinde ako umattend. Kasabayan kasi yun ng exam. Bahala na, ayokong Makita si Tyrone, Allen at Irish. Pinaattend ko na si Garet ng Party para maipahatid ko na rin sa kanya ang regalo ko sa kaexchange gift ko. Si Tyrone kasi ang kaexchange ko. Niregaluhan ko na lang siya ng isang t-shirt ng tribal. May nakita kasi ako noon nung pumunta ako ng mall na isang t-shirt sa tribal na bagay na bagay sa kanya. Kaya naman, binili ko yun.

Naglalakad na ako sa corridor ng SPC college building. Andami ko ring nakasabay na mga estudyante ng SPC high school, lahat sila umaasa ding pumasa ng SPC. Mahirap din kasi ang entrance exam ng college nito. Buti na lang at nireview akong maigi ni ate Che. All thanks to her talaga.

Operation: Stealing My Crush's Heart (Self Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon