Tama ba ang pagkakarinig ko? Tila para akong nabingi dahil sa sinabi niya..
“Huy. Narinig mo ba ako?” Napatingin ako sa kanya at medyo nakakunot ang noo niya.
“Ah eh. Sino po ulit? Ano po pangalan niya?” Tanong ko. Magsasalita na sana siya kaso biglang dumating si Tyrone.
“Trina, she’s my visitor. Don’t you think it’s rude that you stole her from me?” Sabi ni Labs. Weh? Ayiee, kinilig aketch. Hehehe.
“Hinde ko siya ibibigay sayo unless tatawagin mo akong ate. Manigas ka.” Sabi ni ate Trina sabay behlat. Omo, so cute! Totally opposite talaga sila ni Tyrone. Si ate Trina, nagtatagalog samantalang si Tyrone, englishero.
“Ate Trina. Contented? Now, give her to me or else I will complain you to Tristan.” Nagchuckle ako dahil sa nagtagalog si Tyrone. Jusme, ang cute ng accent niya. *o*
“Good. But.. I won’t let you have her. Let me spend some quality time with her ha? Pretty please? Para sa pretty mong ate?” Sabi ni ate Trina sabay pout. Wahh, ako lang ang kakaibang nilalang dito sa bahay nila. Puro magaganda’t pogi at sexy ang nasa bahay na to. Samantalang ako, hinde ko alam kung saan hinugot ang mukha ko. -______-
“So you think you’re really pretty huh?” Pangaasar ni Tyrone sa kanya sabay harap dun sa butler niya. “Mr. Go, call Tristan. I would like to watch action movie in real life.” Sabi ni Tyrone. Eh? Action movie? Tumango naman ang butler sa kanya at umalis na.
“A-anong ginawa mo?!” Sigaw ni ate Trina kay Tyrone. Ngumisi lang si Tyrone sa kanya. Kaya naman naghabulan sila na parang bata. Hayy, sana ganyan kami kasweet ni Cherrie. Nagkabati nga kami, hinde naman kami sweet. Tsk.
“What’s happening?” Napatingin kami sa bagong dating na lalaki.
“Hey Tristan. How are you?” Tanong ni Tyrone. Kasalukuyan kasing sinasabunutan ni ate Trina si Tyrone nang biglang dumating kasi ang lalaking to.
“Ate Trina, ano na naman ba tong ginagawa mo kay Tyrone? Tsk. Isip bata ka parin.” Sabi niya sabay iling pa. Napatingin naman siya sakin at ngumiti naman ako ng kaunti.
“And you are?” Tanong niya.
“Ah eh. Ako po pala si Clerisse Ang. Kai---” “Soon-to-be my sister-in-law.” Napatingin ako kay ate Trina na siyang nagsabi nun tapos inakbayan niya ako sabay ngiti at kindat sakin.
“So you mean, you’re my baby bro’s girlfriend?” Tanong niya.
“HAH?! Hinde ho! Kaibigan niya lang po ako.” Sabi ko sabay wave ng kamay ko.
*puk*
“Aray!” Bigla ba naman akong batukan ni ate Trina. Sinong matinong tao ang babatukan ka ng basta-basta?!
“Hey, you’re hurting her!” Sabi ni Tyrone sa kanya.
BINABASA MO ANG
Operation: Stealing My Crush's Heart (Self Published)
Novela JuvenilKung magkakaroon ka ng crush, what would you do para mapa-saiyo siya? Si Clerisse? Gagawin niya ang lahat para lang mapa-sakanya si Tyrone, ang lalaking matagal niya ng pinapangarap. (Started: June 16, 2013 - Ended: December 25, 2013) FINISHED || UN...