Operation #12.

471 10 1
                                    

“Gising na.” Isang malambing na boses ang narinig ko. Dinilat ko ang mga mata ko at nakita ko na nasa harapan ko si Tyrone at nakangiti. Ang ganda ganda tuloy ng umaga ko, hihi.

“Good morning. How’s your sleep?” Tanong niya. Umupo ako para makausap ko pa siyang maigi.

“Masarap, hehe. Teka, nagtagalog ka ba kanina?” Tanong ko. Umiling siya. Ah, baka naman panaginip ko lang yun.

“Ah, baka nanaginip lang ako. Tsk, anyway, anong oras na?” Tanong ko.

“10 am, miss sleepyhead.” Sabi niya sabay ngisi. Tignan mo to. Sleepyhead daw, psh. Inirapan ko lang siya sabay kapa sa bulsa ko.

“Teka, nasan na ba yun…” Bulong ko.

“What is it?” Tanong niya. “Nawawala kasi cellphone ko. Wala kasi dito sa bulsa ko eh.” Sabi ko sa kanya.

“Oh. Maybe you forgot it in the car. I’ll check it for you. Stay here.” Sabi niya sabay alis na. Nako, pano na to? Baka mamaya, nagtext na sakin si Garet tapos papagalitan ako nung luka-lukang yun. Aish, bakit kasi nakalimutan ko pa eh. Katangahan alert.

*tok tok*

Napatingin naman ako sa kumatok na yun sabay sabing “Pasok,” Pagpasensyahan niyo na. Feeling nakatira sa bahay na to. Hehe, soon-to-be my house na rin naman pala to kaya no need to say na pagpasensyahan.

Pumasok siya and to my surprise.. si Kuya Tristan pala ang kumatok.

“Uhm, May I?” Tanong niya sabay turo sa sarili niya. Tumango naman ako. Kinabahan kasi ako sa kanya. Masyadong pormal kasi ang pagkakatanong niya sakin. Iba talaga pag galing military. Parang ang KJ na tignan.

Umupo siya sa upuan na malapit sa kama ni Tyrone. Binuksan niya ang TV para makacreate ng ingay.

“So, kung mapapansin mo, magkamukha kami ni Ate Trina. Kakambal niya kasi ako.” Sabi niya na para bang ngayon ko lang napansin na magkamukha sila.

“Honestly,” Napatigil siya saglit. “Hinde ko alam ang dapat kong ikilos sa iyo ngayon. Ang kapatid ko kasi ay masyadong excited magkaroon agad ng sister-in-law.” Patuloy niya pa.

“Isa lang ang masasabi ko sayo,” Sabay tingin sa mga mata ko, “Kilalanin mo pang maigi ang baby bro ko. Hinde mo pa alam ang nakaraan niya.” Ngumiti siya sakin, isang ngiting makahulugan.

Tumayo na siya at naglakad na palabas ng kwarto pero bago lumabas, “I like you for my brother. But, isipin mong maigi ang ipinayo ko sayo. Baka sa huli, ikaw rin ang magsisi.”

Nashock ako sa sinabi ni kuya Tristan. Ano ba ang ibig niyang sabihin dun? Na dapat magresearch pa ako about Tyrone? Naalala ko na naman ang sinabi ni ate Trina sakin. Na kababata daw ni Tyrone si Irish. Tama ba kaya ang pagkakarinig ko? Nagulat ako nang biglang bumukas ulit ang pintuan.

“Hi, baby sis! Goodmorning!” Bati ni ate Trina sakin. Ningitian ko rin siya sabay sabing, “Good morning din po, ate Trina,” Kasabay nun ang pagpasok ni Tyrone na dala ang cellphone ko. Binigay niya iyon sakin at dali-dali kong binuksan iyon.

Operation: Stealing My Crush's Heart (Self Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon