Operation #21.

495 10 0
                                    

“Ikaw?” Gulat kong tanong.

Ngumiti siya sa akin sabay sabing, “Are you surprised? Well, Philip and I fixed some problems but.. We’re in good terms now. So, what’s up?”

Sumimangot naman ako sabay sabing, “Wala akong pake kung nagkaayos kayo ni Allen. Ang saakin lang ay nasaan si Allen?”

Nawala ang mga ngiti niya pero sinagot niya pa rin ang tanong ko, “He’s outside. Maybe he will go home,”

Nilagpasan ko na siya pero hinawakan niya ako sa braso. Napatingin naman ako sa kanya pero mas ikinagulat ko ang pagsasalita niya, “Don’t leave me. Please, wag ka ng bumalik sa kanya. Andito naman ako eh,”

“Bakit nagtagalog ka? Hinde ba, hinde ka marunong?” Sabi ko.

“For you. I forced myself to learn this things for you. Para hinde ka mahirapan kausapin ako,” Sabi niya. Medyo slang pa ang pagkakasabi niya ng mga tagalog words pero natuwa ako. Para sa akin? Naappreciate ko yun pero si Allen. Nagaalala ako sa kanya.

“Hinde mo naman ako mahal diba? Sabi mo, hinde ka magkakagusto sakin? Then why are you doing this? Is it really making you happy when you see me get hurt? What do you think of me, masochist?” Sabi ko sa kanya. Natataasan ko na ang boses ko dahil sa inis.

“Clerisse, I’m sorry. I only did that for you. For your safety,” Sabi niya.

“Para sakin? Wow ah. Para sa kaligtasan ko ang pananakit mo? Tyrone, please lang. Wag ka ng maghanap ng excuse. Una palang, wala ka ng gusto sakin. Wag mo naman akong paasahin. Utang na loob,” Sabi ko sa kanya. Unti-unting namumuo na ang mga luha sa mata ko. Leshe ka naman kasi, Tyrone! Lagi mo na lang akong pinapaiyak! Ano bang element ka ng buhay at lagi ka na lang nagpapaiyak!?

“Hush, don’t cry,” Sabi niya at akmang pupunasan na niya ang mga mata ko nang bigla ko itong tinapik.

“Wag mo ng punasan. Ikaw ang nagpaiyak pero ayokong ikaw ang magpatahan sakin. Hahanapin ko na si Allen,” Sabi ko.

“Okay. I will let you talk to him if you will listen to me first,” Sabi niya.

“Bakit? Boss ba kita? Wag kang magsalita ng ganyan. Ayoko na. Please, stop breaking hearts,” Sabi ko sa kanya. Nilagpasan ko na siya pero hinde pa ako nakakalayo ay sumigaw siya.

“It’s all a lie!” Napatigil ako sa paglalakad. Anong kasinugalingan ang sinasabi niya? Napalingon ako sa kanya.

“My relationship with Irish… is a lie,” Nanlaki ang mga mata ko nang marinig ko yun. So, he really likes breaking hearts? WTF? Kaibigan ko si Irish at oo, maaari ngang pinagtaksilan niya ako pero hinde niya dapat ginawa yun! Sa sobrang inis ko, bumalik ako sa kanya at sinampal siya.

“Pano mo nagawa sa kanya to ha?! Talaga bang nasisiyahan kang may umiiyak na babae dahil sayo?! Saan ba hinugot ang kasamaan mo, Tyrone?! Lagi ka na lang ganyan!” Sabi ko.

“I did that for purpose, Clerisse! It’s all because of you!” Sigaw niya sa akin. Nagulat ako. Hinde dahil sa first time niya akong sinigawan kundi dahil sa reason niya. Ako? Ako pa? Bakit ang hilig niyang isisi sa iba ang kasalanan niya? Bakit ba lagi na lang niya akong pinagtitripan?!

Operation: Stealing My Crush's Heart (Self Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon