Nakatingin lang ako sa kanilang dalawa. Ano bang nangyayari dito?
“Nag-aaway ba kayo?” Tanong ko.
“Hinde, nagkakasiyahan kami. Nagsisigawan na nga kami dito sa sobrang saya eh.” Pilosopong sagot ni Allen. Psh, masama bang magtanong?
“Wow ha. Thank you.” Sarcastic kong sagot. Aalis na sana ako nang may biglang humawak sa braso ko dahilan para mapalingon ako sa pumigil sakin na yun.
“Tyrone?” Hinde siya sumagot bagkus hinila niya ako palayo kay Allen… at palabas ng bahay.
“H-huy! S-saan ba tayo pupunta?” Tanong ko. Akala ko hinde na siya sasagot sa tanong kong yun pero narinig ko siyang nagsalita at hinde yun nakalagpas sa pandinig ko.
“Sa malayo. Kung saan hinde ka maaagaw sakin ni Allen.”
Pakiramdam ko, tumigil ang mundo ko. Naginit na nga yata ang mukha ko eh. A-ano ba ang ibig sabihin niya dun?! AT ANONG KABABALAGHAN ANG NANGYARI AT NAGTAGALOG SI LABS KO!?
“Hey. Did you hear me? I said, hop on.” Nagbalik na lang ang katinuan ko nang nagsnap ng daliri si Tyrone sa harap ko.
“Ay, sorry.” Sabi ko sabay sakay sa sasakyan niya. Seriously, high school pa lang si Labs at marunong na siyang magdrive?! Amp, baka mahuli kami sa ginagawa niyang kalokohan, nako! Ayoko pang makulong sa murang edad!
Tahimik lang ang buong byahe namin. Iniisip ko kasi kung totoo or baka naman nabigla lang siya o baka naman binatukan siya ni Allen or baka naman nahulog siya hagdanan.. ah basta ewan! Nalilito ako! Jusko.
Biglang umulan ng malakas. Nilamig ako kaya plano kong patayin ang aircon. Pero nang papatayin ko na, bigla namang nagkasabay ang kamay namin pareho.
*dug dug dug dug*
WILD PALPITATIONS ALERT! EVACUATE NOW!
*Awkward silence.*
Sabay namang inalis namin ang kamay namin. Napaka-awkard kasi eh. Pagkatapos niya akong kaladkarin palabas ng bahay ng bestfriend niya, ngayon hinde naman niya sinasabi sakin kung saan kami pupunta. Baka naman ite-take home na niya ako? Hehehe.
Dahil masarap ang panahon ngayon, ipinikit ko muna ang aking mga mata. Naramdaman ko na lang na parang kumakaldag. Eh? Mabato ba ang daanan at parang makaldag? Ngek?
*Dilat isang mata. Sarado ulit.*
*Dilat kabilang mata, sarado ulit.*
*Bukas parehong mata*
AT BAKIT AKO NAKANGKAS SA LIKOD NI LABS KO?! Lord, eto na po ba yung birthday gift Niyo po para sakin? Huhuh, thank You po talaga. Thank You Lord, super duper saya ko po!
“T-tyrone?”
“Hush. We’re in our garage.” Garage? Sa bahay niya mismo?!
BINABASA MO ANG
Operation: Stealing My Crush's Heart (Self Published)
Novela JuvenilKung magkakaroon ka ng crush, what would you do para mapa-saiyo siya? Si Clerisse? Gagawin niya ang lahat para lang mapa-sakanya si Tyrone, ang lalaking matagal niya ng pinapangarap. (Started: June 16, 2013 - Ended: December 25, 2013) FINISHED || UN...