Matapos kong iwish yun, binato ko na yung bato hanggang sa abot ng aking makakaya.
“Anong niwish mo?” Tanong ni Allen. Ngumiti ako at binehlatan lang siya. “ Secret na yun, siyempre. Pag sinabi ko sayo yun, baka hinde matupad. Diba ganun daw pagnagwiwish?” Sabi ko.
“Kung sabagay, alam mo ba kung ano niwish ko?” Sabi niya. Umiling ako bilang sagot. Ngumiti ulit siya.
“Sana makamit mo na ang totoong kaligayahan. Alam kong, ilang araw ka ng malungkot dahil dun sa nakita mo. Alam kong… hinde ka okay. Wala akong ibang magawa para sumaya ka kaya… ganito na lang ang ginawa ko. Nagwish na lang ako.” Sabi niya. Napatingin lang ako sa kanya tapos ay ngumiti.
Niyakap ko siya dahil sa ginawa niyang iyon. Kahit papano, nabawasan ang lungkot at sakit na nadarama ko, “Salamat.. salamat bestfriend.” Sabi ko. Niyakap niya din ako pabalik.
Kumuha ulit ako ng bato saka nagwish ulit, “Sana, wag ng umalis sa buhay ko si Allen.” Pagtapos ay binato ko na ang bato ko. Nakita kong nagwish din si Allen tapos ay binato na niya ang kanya. Ngumiti siya sa akin, at ningitian ko rin siya. Tumayo siya at bumaba sa wall saka niya iniabot sa akin ang kamay niya. Nang hawakan ko iyon ay inilalayan niya ako para makababa ako sa mataas na wall na yun.
“Nagbirthday na pala si Tyrone. Nagregalo ka ba sa kanya?” Tanong niya. Tumango naman ako at sinabing, “Mga drumsticks.” Napahinto kami sa paglalakad. Ewan ko ba kung bakit ako huminto. Napahinto kasi siya kaya ginaya ko siya. Oo na, gaya-gaya na ako.
“Ahh.. So, alam mo pala na mahilig siyang magdrums?” Tanong ni Allen habang pinagpatuloy na namin ang paglalakad papunta sa bilihan ng ice cream.
“Oo.” Sagot ko. Pumunta na kami sa mamang nagtitinda ng sorbetes. Tahimik lang kaming kumakain ng ice cream habang naglalakad. Ewan ko kung saan kami susunod na pupunta. Basta.. ang alam ko lang, gumaan kahit papano ang pakiramdam ko.
“Oo nga pala, Allen,” Sabi ko tapos ay kinain ko na ang cone ng ice cream ko. Ubos na. T____T
“Kelan pa nagkasakit si Irish? Bakit.. nandun si Tyrone?” Tanong ko. Napansin kong nagstiff ang katawan niya. Tumingin siya sa akin ng may halong pagtataka at.. kaba? Erase that thought, Eris.
“Naambanunan kasi siya nung isang araw.. Kaibigan na rin naman ni Tyrone si Irish ah? Simula nung pinakilala mo si Irish kay Tyrone, naguusap na sila.” Sabi ni Allen.
“Ahh.. Ganun ba? Pero teka,” Sabi ko. Tinaas niya ang mga kilay niya. “Bakit ka nga pala nagsinungaling sa akin noon? Yung sinabi mo na kilala mo kung sino si Rissy?” Tanong ko.
“S-si R-rissy? Ah eh, ano.. Siya ang ahm.. Siya yung kapit-bahay kasi namin noon! Tama! Siya ang kapit-bahay namin noon.” Sabi niya sabay tawa ng kabado.
“Sure ka ba sa sagot mo, Allen? Hinde naman ako magagalit eh.” Sabi ko sabay ngiti para mapanatag ang loob niya.
“Oo naman. Rissy Enriquez ang pangalan nun eh.. So, akala ko siya.” Sabi ni Allen sabay ngiti ng matipid.
BINABASA MO ANG
Operation: Stealing My Crush's Heart (Self Published)
Roman pour AdolescentsKung magkakaroon ka ng crush, what would you do para mapa-saiyo siya? Si Clerisse? Gagawin niya ang lahat para lang mapa-sakanya si Tyrone, ang lalaking matagal niya ng pinapangarap. (Started: June 16, 2013 - Ended: December 25, 2013) FINISHED || UN...