Operation #17.

418 11 1
                                    

NOW PLAYING: MOONSTAR88 – MIGRAINE

I waited for an answer. No, this can’t be happening.

“Hey,” Sabi ni Irish sabay nudge kay Tyrone.

“Diba Tyrone? We’re officially on?” Sabi ni Irish. Tumingin sa akin si Tyrone na para bang nagaalinlangan kung sasagot ba o hinde. Please, say no Tyrone..

Hinihintay ko siyang sumagot. Tumingin siya back and forth sa amin ni Irish. Please, sana humindi ka. Sana.. sana.

He took a deep breath sabay sabing…

“Yes, We’re officially on.”

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. He got to be kidding, right? No, no, no.. Hinde totoo yan. Nagjojoke lang siya. Nanggogood time. Nagsisinungaling lang siya. Panaginip lang to, iniisip ko lang to. Hinde, hinde to nangyayari. Bangungot lang to.

Bumukas ang bunganga ko pero walang lumalabas na kahit anong salita. Hinde ko na alam ang sasabihin ko. Hinde ko alam iaasta ko. Aamin na ako eh, bakit kailangan humantong pa sa ganito?

Nagipon ako ng lakas ng loob upang makapagsalita pang muli, “N-niloloko n-niyo l-lang a-ako d-diba?”

“No, she’s my girlfriend and I love her very much. Now, if you’ll excuse us, we need to go. We’re going to find the birthday girl.” Sabi niya at umalis na sila ni Irish. Nakakapit pa sa braso ni Tyrone si Irish.

Ako? Naiwan akong nakanganga, anytime, pwede akong tumumba sa kinatatayuan ko. Bakit ganun? Ang sakit sakit? Gusto ko lang naman siya diba? Crush ko lang siya diba? Pero bakit ganun? Nasasaktan ako? Feeling ko, parang nahulog ang puso ko tapos nabasag. Ano ba tong nararamdaman ko?

Naupo ako sa isang bench. Mayamaya ay nakaramdam ako ng tumutulo. Hinawakan ko iyon at naramdaman ko. Galing pala yun sa mga mata ko.

“Clerisse?” Pinunasan ko agad ang mga mata ko tapos ay humarap sa kumausap sa akin. Si ate Che.

“Ikaw nga. Bakit andito ka? Dapat sinasayaw ka na ngayon. Dali, ienjoy mo ang birthday mo. Sweet 16 mo na oh. Be happy today.” Sabi niya sabay ngiti. Ngumiti ako. Ngiting mapait. Ako? Sasaya sa birthday ko? Binigyan na nga ako ng dahilan para hinde sumaya sa birthday ko tapos sasabihin niya dapat Masaya ako?

“Are you crying?” Tanong niya. Hinde ko alam na naiyak na pala ako sa harap niya. Sasagot na sana ako nang biglang dumating si Garet.

“Ate Cherisse! Nakita mo na ba… siya.” Napatigil siya sa pagsigaw nang Makita ako. Nanlalaki ang mga mata ni Garet.

“C-clerisse? Bakit ka umiiyak?” Tanong niya tapos ay tumakbo papalapit sa akin. Hinintay nila pareho ang sagot ko. Ngumiti ako ng mapakla sa kanila.

“A-akala ko. G-gusto niya rin ako. Ang tanga tanga ko na umasa ako na nagustuhan niya na rin ako. Ang tanga tanga ko. Nagpakita kasi siya ng motibo na magpapatunay na may gusto siya sa akin. Hinde ko alam, friendly lang siguro yun. Nagmalasakit lang siguro siya. Ako naman tong assuming, inisip na ginawa niya iyon dahil may gusto rin siya sa akin. Hahaha, lawak ng imahinasyon ko noh?” Sabi ko sabay tawang mapait at pinunasan ko ang luha ko na lumabas pagtapos kong sabihin iyon.

Operation: Stealing My Crush's Heart (Self Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon