Operation #3.

743 20 2
                                    

“H-hi Tyrone?” Nagaalinlangan kong sagot.

“You haven’t answered my question.” Pagpapa-alala niya.

“A-ahm.. Ano kasi, hinahanap ko si Ms. Co. Wala pa kasi siya sa club namin eh. Nagbabakasakali lang naman ako na nandito siya. Nakita niyo ba siya?” Pagpapalusot ko. Stealing My Crush’s Heart 101: Kung kinakailangan magsinungaling para makaligtas, gawin mo! White lie naman eh. Mas okay na yun kesa mawala ang pinagpaguran.

“No, I think she’s not around. That’s all?” Tanong niya.

“Oo, may tatanong sana ako sa kanya kaso mukhang wala pala siya. Sige, una na ako ha? Bye.” Sabi ko at dali-daling naglakad papalayo. Wew, that was close!

“Wait.” Napahinto ako dahil sa sigaw niya.

Akala ko makakaligtas na. Hindi pa pala.

“Did you hear anything?” Napalunok ako sa tanong niya. Shems! Hinde ako sanay magsinungaling pero.. Sorry labs, kailangan eh.

“Huh? Saan?” Palusot ko.

“Oh. Nothing. Well, see you around.” Sabi niya. Tumalikod na ulit ako at naglakad na papunta sa club ko. Shems, sana hinde niya nahalata na nagsinungaling ako!

“Miss Ang! You’re late!” Bungad na sigaw sa akin ng aking teacher sa club. Haist. Masanay na kayo. Ganyan takbo ng story ko.

“Sorry.” Walang gana kong sagot.

“Maupo ka na nga! Pasalamat ka, walang detention ang pagiging late sa mga club.” Busangot na sagot ng teacher.

“Kay.” Sabi ko at naupo na lamang. Bukod kasi sa nakakatamad ang mag-club, hinde ko pa kasama si Garet. Ibang club kasi pinasukan ng tukmol na yun. Di naman magaling kumanta pero sumali ng Glee Club. Ay jusko.

Natapos na rin ang club meeting at maguuwian na. Uwian na rin pala ng mga nasa college. University kasi tong school namin. May elementary, may high school at may college. Ako kasi, graduating palang sa high school. Eh si Cherisse, freshman sa college.

“Cherisse, that’s your sister right?” Narinig kong sabi ng isa sa mga kaibigan niya.

“Uhm, yeah. Why?” Tanong niya.

“Kasi, I heard na lagi daw siyang nade-detention. Is that true?” Tanong nung kaibigan niya.

“Uhm, hinde.” Pagsisinungaling niya. Gosh, gusto talaga ng mga kaibigan niya na masampolan ko sila noh?

“Sus, nagsisinungaling ka naman eh.” Sabi nung babae. Nag-init ang ulo ko at nilapitan sila.

“Alam mo naman pala ang sagot eh. Tatanong tanong ka pa!Shunga lang teh? Wag ganyan uy. Nakakahawa.” Sabi ko.

Operation: Stealing My Crush's Heart (Self Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon