“So, anong oras ire-release ang grades niyo?” Tanong ni mother kay Cherrie. Saturday ngayon, at ngayon ire-release ang grades namin. -_____-
“By 10 am, mommy.” Sabi niya. Nasa sala kami ngayon, at hinde na bago ito sa akin. Si dad, mother, at si Che. Tumingin ako sa magandang wall clock namin, only to find na 15 minutes na lang at irerelease na.
“Excited na ako sa grades ni Cherisse. Well, for Clerisse, wala namang nagbago. I’m sure of that.” Sabi ni mother. By internet na lang kasi ang release ng grades. Kaya, hinde na uso ang punta sa school, kausap sa teacher tapos kuha card. Makaluma na daw kasi yun.
“Check na natin. Baka na-release na.” Pagiiba ng topic ni dad. Pumunta na kami sa kani-kaniyang room. May tagiisa kasi kaming laptop. Wag na kayong magtaka. Mayaman kami.
Pumunta na ako ng room ko at inopen ko ang laptop ko. Sa account daw namin sa website ng St. Peter’s College ilalagay ang grades namin. Kaya, inopen ko na.
And as usual, ang first quarter grades ko ay:
Christian Living Education: 83
English:77
Math: 78
Science:76
Filipino:80
Araling Panlipunan: 79
TLE: 81
Mapeh: 81
Homeroom: 79
Oh diba? Ganda grades ko? Tss. Sanayan lang yan mga par.
“Cherisse! You’re part of dean’s lister! I’m happy for you dear!” Rinig kong sigaw ni mother kay Che. Sigurado ako, tuwang tuwa na si Che niyan.
Nagulat naman ako sa bumukas ng pintuan ko.
“So, how’s your grade, Clerisse?” Tanong ni dad.
“Nothing…changes.” Sabi ko nang biglang may pumasok ulit sa room ko.
“How about your grades, Clerisse?” Tanong ni mother.
“Sabi mo, sure ka na hinde magbabago? Bakit nagtatanong ka ngayon?” Sabi ko. Uunahan ko na. Alam ko na kasi susunod dito eh.
“Oh… You got a grade of 78? 77? Or 74? Palakol na naman?” Pangungutya ni mother.
“Sinadya kong maging palakol ang grades ko para masugatan ka sa sobrang talim.” Sagot ko.
“Hay nako. Mabuti pa si Cherisse. Magaganda ang grades niya. Hinde ko alam kung bakit ako nagkaroon ng bobong anak na katulad mo.” Sabi niya. Ouch. Patulo na naman ang mga luha ko. Ganto lagi ang inaabutan kong pangungutya niya sa akin. Porke’t mababa ang grades ko. Required ba talagang mataas ang grades bago ka mahalin ng magulang mo?
“Tapos ka na ba sa pangungutya mo?” Tanong ko sabay punas ng luha ko. No. Hinde pwedeng ipakita ko sa kanya na mahina ako. “Pwes. Ako naman. Hinde ko rin alam kung bakit nagkaroon ako ng magulang na kagaya mo na bruhilda. Maswerte nga ako at pinagkaloob sa akin ang kagandahan. Minsan nga, natatanong sa akin ng mga kaklase ko kung bakit ang panget ng nanay ko. Sinasabi ko na lang na baka kabit lang siya ng tatay ko eh.” Sabi ko sabay smirk. Umalis na ako sa room ko. Kahit kalian talaga, sinusundan ako ng bruhilda kong nanay. Bwiset siya.
BINABASA MO ANG
Operation: Stealing My Crush's Heart (Self Published)
Roman pour AdolescentsKung magkakaroon ka ng crush, what would you do para mapa-saiyo siya? Si Clerisse? Gagawin niya ang lahat para lang mapa-sakanya si Tyrone, ang lalaking matagal niya ng pinapangarap. (Started: June 16, 2013 - Ended: December 25, 2013) FINISHED || UN...