“Aray! Pag ikaw hinde tumigil sa kapapalo, lilitsunin kita!” Banta ni Garet. Pano ba naman, dalawang araw na ang nakakalipas pero kinikilig pa rin ako sa convo namin! Jusko po, mababaliw na ako!!
“Garet! Shems, pwede na akong mamatay!” Sabi ko sa kanya.
“Maganda yan, Eris. Dahil ako mismo ang papatay sayo bago ako mamatay dahil sa palo mo. Dalawang araw mo na ako tinotorture! Aba, kung ako nga, nakamove on na dun sa halik nung pesteng lalaking yun eh!” Sabi niya sabay turo sa bago naming classmate na si Heath Medina. Yup, si Heath ang humalik kay Garet. Hihi, bagay sila ^____^
“Bagay nga kayo ni Heath eh!” Panunukso ko.
“Yung angHEATH na yun! Potek. Pagbubuhulin ko kayong dalawa! Bwiset. Sa dinami-dami kasi ng school na lilipatan ng anghit na yan, bakit kailangang sa St. Peter’s pa siya mag-aral. Andami namang ibang school na may pangalan na St. Peter’s College pero bakit kailangang dito pa satin?! At worst, maging classmate pa! Anak ng tokwa naman!” Sabi niya.
“Kasi you’re fated to be with him for the rest of your life! In short, Destiny!” Sabi ko.
“Pwede ba?! Tigil-tigilan mo ako sa ganyan, Eris! Aba, hinde mo ako maloloko, bwiset ka!” Sabi niya. Tignan mo to. OA ha! Bakit ba ayaw niya kay Heath? Like hello, pogi naman siya! Akala ko nung una pangit siya dahil sa dinescribe sa kanya ni Garet sa text pero, Jusko! Kung una ko siyang nakilala kay Tyrone, baka siya na ang hinahabol ko ngayon!
“Bakit ba ayaw mo sa kanya? Gwapo naman, matalino din. Perfect catch na siya oh! Papakawalan mo pa ba? Hinde katulad ni Miguel. May gf na yun! Tapos, ang panget pa niya. Hay nako!” Sabi ko.
“A-arayy!” Sigaw ko. Pano ba naman, piningot ako sa tenga ng bruhilda na to!
“Mananahimik o mananahimik?!”
“Heath o Heath?”
“Papatayin o papaslangin?!”
“Sasapatusin kita o ipapaamoy ko sayo paa ko?”
“Tatahimik ka o iistepler ko bibig mo?”
“Baka may stapler?” Tukso ko.
O______O
“Ano, tatahimik ka?” Banta niya. Pano ba naman, naglabas siya ng stapler! Ay jusko.
“Ayoko nga! Ano ako, titiklop lang dahil sa stapler na yan!? Utut mu.” Sabi ko sa kanya.
“Manahimik ka na kasi! Ayaw ko kay Heath. Okay? Hinde pa kami magkakilala pero inlove na agad dahil lang sa kiss na yun? Ano to, PBB teens?” Sabi niya. Tss.
“Haist, kasi naman, kinikilig lang ako sa convo namin ni Labs! Yes, only you. Shems! Kinikilig ako.” Sabi ko sabay twinkle ng eyes ko. Okay, I admit, minsan Malabo din ako dahil nagpapalit agad ako ng topic.

BINABASA MO ANG
Operation: Stealing My Crush's Heart (Self Published)
Fiksi RemajaKung magkakaroon ka ng crush, what would you do para mapa-saiyo siya? Si Clerisse? Gagawin niya ang lahat para lang mapa-sakanya si Tyrone, ang lalaking matagal niya ng pinapangarap. (Started: June 16, 2013 - Ended: December 25, 2013) FINISHED || UN...